83 - Al-Mutaffifin
Sa ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang Maawain.
(1) Kapighatian ay ukol sa mga tagapag-umit-umit,
(2) na kapag nagpatakal sila sa mga tao ay nagpapalubos sila,
(3) at kapag tumakal sila sa mga ito o tumimbang sila sa mga ito ay nanlulugi sila.
(4) Hindi ba nakatiyak ang mga iyon na sila ay mga bubuhayin
(5) para sa isang araw na sukdulan,
(6) sa araw na tatayo ang mga tao sa [harap ng] Panginoon ng mga nilalang?
(7) Aba’y hindi! Tunay na ang talaan ng mga masamang-loob ay talagang nasa Sijjīn.
(8) Ano ang nagpabatid sa iyo kung ano ang Sijjīn?
(9) Isang talaan na sinulatan.
(10) Kapighatian sa Araw na iyon ay ukol sa mga tagapagpasinungaling,
(11) na mga nagpapasinungaling sa Araw ng Paggantimpala.
(12) Walang nagpapasinungaling doon kundi bawat tagalabag na makasalanan.
(13) Kapag binibigkas sa kanya ang mga tanda Namin ay nagsasabi siya: "Mga alamat ng mga sinauna!"
(14) Aba’y hindi! Bagkus, bumalot sa mga puso nila ang [mga pagsuway na] dati nilang nakakamit.
(15) Aba’y hindi! Tunay na sila, sa [pagkakita sa] Panginoon nila sa araw na iyon, ay talagang mga lalambungan.
(16) Pagkatapos tunay na sila ay talagang masusunog sa Impiyerno.
(17) Pagkatapos sasabihin sa kanila: "Ito ay ang dati ninyong pinasisinungalingan."
(18) Aba’y hindi. Tunay na ang talaan ng mga mabuting-loob ay talagang nasa `Illīyūn.
(19) Ano ang nagpabatid sa iyo kung ano ang `Illīyūn?
(20) Isang talaan na sinulatan.
(21) Sasaksi rito ang mga [anghel na] inilapit.
(22) Tunay na ang mga mabuting-loob ay talagang nasa isang kaginhawahan,
(23) habang nasa mga supa na nakatingin.
(24) Makakikilala ka sa mga mukha nila ng ningning ng Kaginhawahan.
(25) Paiinumin sila mula sa isang dalisay na alak na ipininid.