منتديات إنما المؤمنون إخوة (2024 - 2010) The Believers Are Brothers

(إسلامي.. ثقافي.. اجتماعي.. إعلامي.. علمي.. تاريخي.. دعوي.. تربوي.. طبي.. رياضي.. أدبي..)
 
الرئيسيةالأحداثأحدث الصورالتسجيل
(وما من كاتب إلا سيبلى ** ويبقى الدهر ما كتبت يداه) (فلا تكتب بكفك غير شيء ** يسرك في القيامة أن تراه)

IZHAR UL-HAQ

(Truth Revealed) By: Rahmatullah Kairanvi
قال الفيلسوف توماس كارليل في كتابه الأبطال عن رسول الله -صلى الله عليه وسلم-: "لقد أصبح من أكبر العار على أي فرد مُتمدين من أبناء هذا العصر؛ أن يُصْغِي إلى ما يظن من أنَّ دِينَ الإسلام كَذِبٌ، وأنَّ مُحَمَّداً -صلى الله عليه وسلم- خَدَّاعٌ مُزُوِّرٌ، وآنَ لنا أنْ نُحارب ما يُشَاعُ من مثل هذه الأقوال السَّخيفة المُخْجِلَةِ؛ فإنَّ الرِّسَالة التي أدَّاهَا ذلك الرَّسُولُ ما زالت السِّراج المُنير مُدَّةَ اثني عشر قرناً، لنحو مائتي مليون من الناس أمثالنا، خلقهم اللهُ الذي خلقنا، (وقت كتابة الفيلسوف توماس كارليل لهذا الكتاب)، إقرأ بقية كتاب الفيلسوف توماس كارليل عن سيدنا محمد -صلى الله عليه وسلم-، على هذا الرابط: محمد بن عبد الله -صلى الله عليه وسلم-.

يقول المستشرق الإسباني جان ليك في كتاب (العرب): "لا يمكن أن توصف حياة محمد بأحسن مما وصفها الله بقوله: (وَمَا أَرْسَلْنَاكَ إِلَّا رَحْمَةً لِّلْعَالَمِين) فكان محمدٌ رحمة حقيقية، وإني أصلي عليه بلهفة وشوق".
فَضَّلَ اللهُ مِصْرَ على سائر البُلدان، كما فَضَّلَ بعض الناس على بعض والأيام والليالي بعضها على بعض، والفضلُ على ضربين: في دِينٍ أو دُنْيَا، أو فيهما جميعاً، وقد فَضَّلَ اللهُ مِصْرَ وشَهِدَ لها في كتابهِ بالكَرَمِ وعِظَم المَنزلة وذَكَرَهَا باسمها وخَصَّهَا دُونَ غيرها، وكَرَّرَ ذِكْرَهَا، وأبَانَ فضلها في آياتٍ تُتْلَى من القرآن العظيم.
المهندس حسن فتحي فيلسوف العمارة ومهندس الفقراء: هو معماري مصري بارز، من مواليد مدينة الأسكندرية، وتخرَّجَ من المُهندس خانة بجامعة فؤاد الأول، اشْتُهِرَ بطرازهِ المعماري الفريد الذي استمَدَّ مَصَادِرَهُ مِنَ العِمَارَةِ الريفية النوبية المَبنية بالطوب اللبن، ومن البيوت والقصور بالقاهرة القديمة في العصرين المملوكي والعُثماني.
رُبَّ ضَارَّةٍ نَافِعَةٍ.. فوائدُ فيروس كورونا غير المتوقعة للبشرية أنَّه لم يكن يَخطرُ على بال أحَدِنَا منذ أن ظهر وباء فيروس كورونا المُستجد، أنْ يكونَ لهذه الجائحة فوائدُ وإيجابيات ملموسة أفادَت كوكب الأرض.. فكيف حدث ذلك؟!...
تخليص الإبريز في تلخيص باريز: هو الكتاب الذي ألّفَهُ الشيخ "رفاعة رافع الطهطاوي" رائد التنوير في العصر الحديث كما يُلَقَّب، ويُمَثِّلُ هذا الكتاب علامة بارزة من علامات التاريخ الثقافي المصري والعربي الحديث.
الشيخ علي الجرجاوي (رحمه الله) قَامَ برحلةٍ إلى اليابان العام 1906م لحُضُورِ مؤتمر الأديان بطوكيو، الذي دعا إليه الإمبراطور الياباني عُلَمَاءَ الأديان لعرض عقائد دينهم على الشعب الياباني، وقد أنفق على رحلته الشَّاقَّةِ من مَالِهِ الخاص، وكان رُكُوبُ البحر وسيلته؛ مِمَّا أتَاحَ لَهُ مُشَاهَدَةَ العَدِيدِ مِنَ المُدُنِ السَّاحِلِيَّةِ في أنحاء العالم، ويُعَدُّ أوَّلَ دَاعِيَةٍ للإسلام في بلاد اليابان في العصر الحديث.

أحْـلامٌ مِـنْ أبِـي (باراك أوباما) ***

 

 18 - Al-Kahf

اذهب الى الأسفل 
كاتب الموضوعرسالة
أحمد محمد لبن Ahmad.M.Lbn
مؤسس ومدير المنتدى
أحمد محمد لبن Ahmad.M.Lbn


عدد المساهمات : 52644
العمر : 72

18 - Al-Kahf  Empty
مُساهمةموضوع: 18 - Al-Kahf    18 - Al-Kahf  Emptyالسبت 05 نوفمبر 2022, 1:03 pm

18 - Al-Kahf
Sa ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang Maawain.
(1) Ang papuri ay ukol kay Allāh na nagpababa sa lingkod Niya ng Aklat at hindi Siya naglagay rito ng isang kabaluktutan.
(2) [Ginawa Niya itong] matuwid upang magbabala ng isang parusang matindi mula sa nasa Kanya, magbalita ng nakagagalak sa mga mananampalatayang gumagawa ng mga maayos na ukol sa kanila ay isang pabuyang maganda
(3) bilang mga mamamalagi roon magpakailanman,
(4) at magbabala sa mga nagsabing gumawa si Allāh ng anak.
(5) Walang ukol sa kanila hinggil dito na kaalaman at walang ukol sa mga magulang nila. May bumigat na isang salitang lumalabas sa mga bibig nila; wala silang sinasabi kundi kasinungalingan!
(6) Kaya baka ikaw ay kikitil sa sarili mo dala ng dalamhati sa mga bakas nila kung hindi sila sumampalataya sa salaysay na ito.
(7) Tunay na Kami ay gumawa sa anumang nasa lupa bilang gayak para rito upang sumubok Kami sa kanila kung alin sa kanila ang pinakamaganda sa gawa.
(8) Tunay na Kami ay talagang gagawa sa nasa ibabaw nito na isang lupang tigang.
(9) O nag-akala ka na ang magkakasama sa yungib at pinag-ukitan ay noon kataka-takang kabilang sa mga tanda Namin?
(10) [Banggitin noong] nagpakanlong ang mga binata sa yungib saka nagsabi sila: "Panginoon namin, magbigay Ka sa amin ng awa mula sa nasa Iyo at maglaan Ka para sa amin, kaugnay sa nauukol sa amin, ng isang kagabayan."
(11) Kaya nagtakip Kami sa mga tainga nila sa yungib sa [loob ng] mga taon ayon sa bilang.
(12) Pagkatapos pumukaw Kami sa kanila upang magpaalam Kami kung alin sa dalawang panig ang higit na magaling sa pagtataya sa ipinamalagi nila ayon sa yugto.
(13) Kami ay nagsasalaysay sa iyo ng balita sa kanila ayon sa katotohanan. Tunay na sila ay mga binatang sumampalataya sa Panginoon nila. Nagdagdag Kami sa kanila ng patnubay.
(14) Nagpatibay Kami sa mga puso nila noong tumindig sila saka nagsabi: "Ang Panginoon Namin ay ang Panginoon ng mga langit at lupa. Hindi kami mananalangin sa bukod pa sa Kanya bilang diyos [dahil] talaga ngang makapagsasabi Kami, samakatuwid, ng isang pagkalayu-layo [sa katotohanan]."
(15) Ang mga ito, ang mga tao namin, ay gumawa sa bukod pa sa Kanya bilang mga diyos. Bakit kaya hindi sila naghahatid sa mga ito ng isang katunayang malinaw? Kaya sino pa ang higit na tagalabag sa katarungan kaysa sa sinumang gumawa-gawa laban kay Allāh ng isang kasinungalingan?
(16) [Nagsabi ang magkakasama]: "Kung nagpakalayu-layo kayo sa kanila at sa anumang sinasamba nila maliban kay Allāh ay kumanlong kayo sa yungib; magpapalaganap para sa inyo ang Panginoon ninyo ng awa Niya at maglalaan Siya para sa inyo kaugnay sa nauukol sa inyo ng isang magagamit."
(17) [Kung naroon ka,] makikita mo ang araw, kapag lumitaw iyon, na humihilig palayo sa yungib nila sa gawing kanan, at kapag lumubog iyon, na lumalampas sa kanila sa gawing kaliwa habang sila ay nasa isang puwang mula roon. Iyon ay kabilang sa mga tanda ni Allāh. Ang sinumang pinapatnubayan ni Allāh ay siya ang napapatnubayan. Ang sinumang pinaliligaw Niya ay hindi ka makatatagpo para rito ng isang katangkilik na tagagabay.
(18) Mag-aakala kang sila ay mga gising samantalang sila ay mga tulog. Nagpapabaling Kami sa kanila sa gawing kanan at sa gawing kaliwa habang ang aso nila ay nakaunat ang dalawang unahang biyas nito sa bungad. Kung sakaling tumingin ka sa kanila ay talaga sanang tumalikod ka mula sa kanila sa pagtakas at talaga sanang napuno ka dahil sa kanila ng hilakbot.
(19) Gayon din, pumukaw Kami sa kanila upang magtanungan sila sa pagitan nila. May nagsabing isang tagapagsabi kabilang sa kanila: "Gaano katagal kayo namalagi?" Nagsabi sila: "Namalagi kami nang isang araw o isang bahagi ng araw." Nagsabi pa sila: "Ang Panginoon ninyo ay higit na maalam sa ipinamalagi ninyo. Kaya magpadala kayo ng isa sa inyo kalakip ng salaping pilak ninyong ito sa lungsod saka tumingin siya kung alin doon ang pinakadalisay bilang pagkain saka magdala siya sa inyo ng isang panustos mula rito at magpakaingat-ingat siya. Huwag nga siyang magparamdam hinggil sa inyo sa isa man.
(20) Tunay na sila, kung makababatid sa inyo, ay mambabato sa inyo o magpapanumbalik sa inyo sa kapaniwalaan nila at hindi kayo magtatagumpay, samakatuwid, magpakailanman."
(21) Gayon din, ipinatuklas sa kanila upang makaalam sila na ang pangako ni Allāh ay totoo at na ang Huling Sandali ay walang pag-aalinlangan hinggil dito. [Ito ay] noong naghihidwaan sila sa pagitan nila sa nauukol sa kanila kaya nagsabi sila: "Magpatayo kayo sa ibabaw nila ng isang gusali. Ang Panginoon nila ay higit na maalam sa kanila." Nagsabi ang mga nanaig sa usapin nila: "Talagang gagawa nga kami sa ibabaw nila ng isang patirapaan."
(22) Magsasabi ang mga iyon na [sila ay] tatlo, na ang ikaapat sa kanila ay ang aso nila; at magsasabi pa ang mga iyon na [sila ay] lima, na ang ikaanim sa kanila ay ang aso nila – bilang panghuhula sa lingid. Magsasabi ang mga iyon na [sila ay] pito, na ang ikawalo sa kanila ay ang aso nila. Sabihin mo: "Ang Panginoon ko ay higit na maalam sa bilang nila; walang nakaaalam sa kanila kundi kaunti. Kaya huwag kayong makipangatwiran hinggil sa kanila malibang ayon sa pakikipangatwirang hayag at huwag kayong magpahabilin hinggil sa kanila mula sa mga iyon sa isa man."
(23) Huwag ka ngang magsasabi sa anuman: "Tunay na ako ay gagawa niyon bukas,"
(24) maliban na [magsabing] loobin ni Allāh. Alalahanin mo ang Panginoon mo kapag nakalimot ka at sabihin mo: "Harinawang magpatnubay sa akin ang Panginoon ko para sa higit na malapit kaysa rito sa kagabayan."
(25) Namalagi sila sa yungib nila nang tatlong daang taon at nadagdagan sila ng siyam. 



18 - Al-Kahf  2013_110
الرجوع الى أعلى الصفحة اذهب الى الأسفل
https://almomenoon1.0wn0.com/
أحمد محمد لبن Ahmad.M.Lbn
مؤسس ومدير المنتدى
أحمد محمد لبن Ahmad.M.Lbn


عدد المساهمات : 52644
العمر : 72

18 - Al-Kahf  Empty
مُساهمةموضوع: رد: 18 - Al-Kahf    18 - Al-Kahf  Emptyالسبت 05 نوفمبر 2022, 1:04 pm


(26) Sabihin mo: "Si Allāh ay higit na maalam sa tagal ng ipinamalagi nila. Taglay Niya ang [kaalaman sa] Lingid sa mga langit at lupa. Kay husay ng pagkakita Niya at kay husay ng pagkarinig Niya. Walang ukol sa kanila bukod pa sa Kanya na anumang katangkilik. Hindi Siya nagpapatambal sa paghahatol Niya ng isa man."
(27) Bumigkas ka ng ikinasi sa iyo mula sa Aklat ng Panginoon mo. Walang tagapagpalit sa mga salita Niya at hindi ka makatatagpo bukod pa sa Kanya ng isang madadaupan.
(28) Magpatiis ka ng sarili mo kasama sa mga dumadalangin sa Panginoon nila sa umaga at gabi, na nagnanais [ng kaluguran] ng mukha Niya. Huwag lumampas ang dalawang mata mo palayo sa kanila, na nagnanais ng gayak ng buhay na pangmundo. Huwag kang tumalima sa sinumang nagpalingat Kami sa puso niya palayo sa pag-aalaala sa Amin at sumunod sa pithaya niya habang ang nauukol sa kanya ay naging kapabayaan.
(29) Sabihin mo: "Ang katotohanan ay mula sa Panginoon ninyo. Kaya ang sinumang lumuob ay sumampalataya siya, at ang sinumang lumuob ay tumanggi siyang sumampalataya." Tunay na Kami ay naglaan para sa mga tagalabag sa katarungan ng isang apoy na papaligid sa kanila ang mga pader nito. Kung magpapasaklolo sila ay sasakloluhan sila ng isang tubig na gaya ng kumukulong langis, na iihaw sa mga mukha nila. Kay saklap ang inumin at kay sagwa ito bilang pahingahan!
(30) Tunay na ang mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos, tunay na Kami ay hindi nagsasayang sa pabuya sa sinumang nagpaganda ng gawa.
(31) Ang mga iyon ay ukol sa kanila ang mga hardin ng Eden na dumadaloy mula sa ilalim nila ang mga ilog. Gagayakan sila roon mula sa mga pulseras na ginto at magsusuot sila ng mga kasuutang luntian mula sa manipis na sutla at makapal na sutla, habang mga nakasandal doon sa mga kama. Kay inam ang pabuya at kay ganda iyon bilang pahingahan!
(32) Maglahad ka para sa kanila ng isang paghahalintulad sa dalawang lalaki. Nagtalaga Kami para sa isa sa kanilang dalawa ng dalawang hardin ng mga ubas, nagpalibot Kami sa dalawang ito ng mga punong-datiles, at naglagay Kami sa pagitan ng dalawang ito ng mga pananim.
(33) Ang kapwa hardin ay nagbigay ng bunga nito at hindi nagkulang ito roon ng anuman. Nagpabulwak Kami sa gitna ng dalawang ito ng isang ilog.
(34) Nagkaroon siya ng bunga kaya nagsabi siya sa kasamahan niya habang siya ay nakikipagtalakayan dito: "Ako ay higit na marami kaysa sa iyo sa yaman at higit na makapangyarihan sa mga tauhan."
(35) Pumasok siya sa hardin niya habang siya ay lumalabag sa katarungan sa sarili niya. Nagsabi siya: "Hindi ako nagpapalagay na mapupuksa ito magpakailanman.
(36) Hindi ako nagpapalagay na ang Huling Sandali ay magaganap. Talagang kung isasauli ako sa Panginoon ko ay talagang makatatagpo nga ako ng higit na mabuti kaysa rito bilang uwian."
(37) Nagsabi sa kanya ang kasamahan niya habang ito ay nakikipagtalakayan sa kanya: "Tumanggi ka bang sumampalataya sa lumikha sa iyo mula sa alabok, pagkatapos mula sa patak ng punlay, pagkatapos bumuo sa iyo bilang lalaki?
(38) Subalit Siyang si Allāh ay Panginoon ko, at hindi ako nagtatambal sa Panginoon ko ng isa man.
(39) Bakit hindi ka, noong pumasok ka sa hardin mo, nagsabi: 'Ang niloob ni Allāh [ay naganap]; walang lakas maliban sa kay Allāh.' Kung nakikita mo ako mismo na higit na kaunti kaysa sa iyo sa yaman at anak,
(40) marahil ang Panginoon ko ay magbigay sa akin ng higit na mabuti kaysa sa hardin mo at magpadala riyan ng isang sakuna mula sa langit para iyan ay maging isang lupaing madulas,
(41) o ang tubig niyan ay maging lubog [sa lupa] kaya hindi mo kakayaning makahanap nito."
(42) Pumaligid sa mga bunga niya [ang pagkawasak] kaya nagsimula siyang nagbaling-baling ng mga kamay niya [sa panghihinayang] sa ginugol niya roon, samantalang iyon ay gumuho sa mga balag niyon, at nagsasabi: "O kung sana ako ay hindi nagtambal sa Panginoon ko ng isa man!"
(43) Hindi siya nagkaroon ng isang pangkatin na mag-aadya sa kanya bukod pa kay Allāh at hindi nangyari siya ay isang naiaadya.
(44) Doon, ang pagtangkilik ay ukol kay Allāh, ang Totoo. Siya ay pinakamabuti sa gantimpala at pinakamabuti sa kinahihinatnan.
(45) Maglahad ka para sa kanila ng paghahalintulad sa buhay na pangmundo, na gaya ng tubig na pinababa Namin mula sa langit saka nahalo rito ang halaman ng lupa saka ito ay naging durog na tuyot na ikinakalat ng mga hangin. Laging si Allāh sa bawat bagay ay Kumakaya.
(46) Ang yaman at ang mga anak ay gayak ng buhay na pangmundo samantalang ang mga nanatiling gawang maayos ay higit na mabuti sa ganang Panginoon mo sa gantimpala at higit na mabuti sa pag-asa.
(47) [Banggitin mo] ang araw na mag-uusad Kami ng mga bundok at makikita mo ang lupa na nakalitaw at kakalap Kami sa kanila saka hindi Kami lilisan sa isa man mula sa kanila.
(48) Itatanghal sila sa Panginoon mo na nakahanay [at sasabihin:] "Talaga ngang pumunta kayo sa Amin gaya ng nilikha Namin kayo sa unang pagkakataon. Bagkus nag-angkin kayo na hindi Kami gagawa para sa inyo ng isang tipanan."
(49) Ilalagay ang talaan saka makikita mo ang mga salarin habang mga nababagabag dahil sa nasaad dito at magsasabi sila: "O kapighatian sa amin; ano ang mayroon sa talaang ito na hindi lumilisan sa isang maliit ni isang malaki malibang inisa-isa nito iyon." Matatagpuan nila ang anumang ginawa nila na nakadalo. Hindi lumalabag sa katarungan ang Panginoon mo sa isa man.
(50) [Banggitin] noong nagsabi Kami sa mga anghel: "Magpatirapa kayo kay Adan," kaya nagpatirapa naman sila maliban si Satanas; siya noon ay kabilang sa mga jinn ngunit nagpakasuwail siya sa utos ng Panginoon niya. Kaya ba gagawa kayo sa kanya at sa mga supling niya bilang mga katangkilik bukod pa sa Akin, samantalang sila para sa inyo ay kaaway? Kay saklap ito para sa mga tagalabag sa katarungan bilang pamalit! 



18 - Al-Kahf  2013_110
الرجوع الى أعلى الصفحة اذهب الى الأسفل
https://almomenoon1.0wn0.com/
أحمد محمد لبن Ahmad.M.Lbn
مؤسس ومدير المنتدى
أحمد محمد لبن Ahmad.M.Lbn


عدد المساهمات : 52644
العمر : 72

18 - Al-Kahf  Empty
مُساهمةموضوع: رد: 18 - Al-Kahf    18 - Al-Kahf  Emptyالسبت 05 نوفمبر 2022, 1:04 pm


(51) Hindi Ko sila pinasaksi sa paglikha sa mga langit at lupa ni sa paglikha sa mga sarili nila. Hindi nangyaring Ako ay gagawa sa mga tagapagligaw bilang mga tagakatig.
(52) [Banggitin mo] ang araw na magsasabi Siya: "Manawagan kayo sa mga katambal sa Akin na inangkin ninyo," kaya tatawag sila sa mga iyon ngunit hindi tutugon ang mga iyon sa kanila at maglalagay Kami sa pagitan nila ng isang [lambak ng] kapahamakan.
(53) Makikita ng mga salarin ng Apoy saka makatitiyak sila na sila ay babagsak doon at hindi sila makatatagpo palayo roon ng isang malilihisan.
(54) Talaga ngang nagdetalye Kami sa Qur’ān na ito para sa mga tao ng bawat [uri ng] paghahalintulad. Laging ang tao ay pinakamadalas na bagay sa pakikipagtalo.
(55) Walang pumigil sa mga tao na sumampalataya sila noong dumating sa kanila ang patnubay at humingi sila ng tawad sa Panginoon nila kundi [ang paghiling] na pumunta sa kanila ang kalakaran ng mga sinauna o pumunta sa kanila ang pagdurusa nang harapan.
(56) Hindi Kami nagsusugo ng mga isinugo kundi bilang mga tagapagbalita ng nakagagalak at bilang mga tagapagbabala. Nakikipagtalo ang mga tumangging sumampalataya sa pamamagitan ng kabulaanan upang magpamali sa pamamagitan nito sa katotohanan. Gumawa sila sa mga tanda Ko at sa ibinabala sa kanila bilang pangungutya.
(57) Sino pa ang higit na tagalabag sa katarungan kaysa sa sinumang napaalalahanan ng mga tanda ng Panginoon niya ngunit umayaw siya rito at lumimot siya ipinauna ng mga kamay niya. Tunay na Kami ay naglagay sa mga puso nila ng mga panakip sa pag-unawa nila nito at sa mga tainga nila ng pagkabingi. Kung mag-aanyaya ka sa kanila tungo sa patnubay ay hindi sila mapapatnubayan, samakatuwid, magpakailanman.
(58) Ang Panginoon mo ay ang Mapagpatawad, ang may awa. Kung sakaling maninisi Siya sa kanila dahil sa nakamit nila ay talaga sanang nagpamadali Siya para sa kanila ng pagdurusa. Bagkus ukol sa kanila ay isang tipanang hindi sila makatatagpo bukod pa rito ng isang malulusutan.
(59) Ang mga pamayanang iyon, nagpahamak Kami sa kanila noong lumabag sila sa katarungan at gumawa Kami para sa pagkakapahamakan nila ng isang tipanan.
(60) [Banggitin] noong nagsabi si Moises sa alila niya: "Hindi ako lulubay hanggang sa umabot ako sa pinagtitipunan ng dalawang dagat o isang magpatuloy ako sa mahabang panahon."
(61) Kaya noong umabot silang dalawa sa pinagtitipunan sa pagitan ng dalawang [dagat] ay nakalimot silang dalawa sa isda nilang dalawa kaya gumawa ito ng landas nito sa dagat nang pailalim.
(62) Kaya noong lumampas silang dalawa ay nagsabi siya sa alila niya: "Dalhin mo sa atin ang agahan natin. Talaga ngang dumanas tayo mula sa paglalakbay nating ito ng isang pagkapagal."
(63) Nagsabi ito: "Nakita mo ba noong kumanlong tayo sa bato sapagkat tunay na ako ay nakalimot sa isda [doon]? Walang nagpalimot sa akin niyon kundi ang demonyo, na bumanggit sana ako niyon. Gumawa iyon ng landas niyon sa dagat nang kataka-taka."
(64) Nagsabi siya: "Iyon ay ang dati na nating hinahangad." Kaya bumalik silang dalawa sa mga bakas nilang dalawa sa pagtunton.
(65) Kaya nakatagpo silang dalawa ng isang lingkod kabilang sa mga lingkod Namin, na nagbigay Kami rito ng awa mula sa ganang Amin at nagturo Kami rito, mula sa nasa Amin, ng kaalaman.
(66) Nagsabi sa kanya si Moises: "Susunod kaya ako sa iyo para magturo ka sa akin mula sa itinuro sa iyo bilang gabay?"
(67) Nagsabi siya: "Tunay na ikaw ay hindi makakakaya sa akin sa pagtitiis.
(68) Papaano kang magtitiis sa hindi ka nakapaligid doon sa kabatiran?"
(69) Nagsabi ito: "Matatagpuan mo ako, kung niloob ni Allāh, na isang magtitiis at hindi ako susuway sa iyo ng isang utos."
(70) Nagsabi siya: "Kaya kung susunod ka sa akin ay huwag kang magtanong sa akin tungkol sa isang bagay hanggang sa magpasimula ako para sa iyo mula rito ng isang pagbanggit."
(71) Kaya humayo silang dalawa hanggang sa nang nakasakay silang dalawa sa daong ay binutas niyon ito. Nagsabi ito: "Binutas mo ba ito upang lumunod ka sa may-ari nito? Talaga ngang gumawa ka ng isang bagay na kasuklam-suklam."
(72) Nagsabi siya: "Hindi ba nagsabi ako tunay na ikaw ay hindi makakakaya sa pagtitiis sa akin?"
(73) Nagsabi ito: "Huwag kang manisi sa akin sa nakalimutan ko at huwag kang magpabigat sa akin sa nauukol sa akin ng isang pahirap."
(74) Kaya humayo silang dalawa hanggang sa nang nakasalubong silang dalawa ng isang batang lalaki ay pinatay niya iyon. Nagsabi ito: "Pumatay ka ba ng isang kaluluwang dalisay nang hindi dahil [sa pagpatay nito] sa isang kaluluwa? Talaga ngang gumawa ka ng isang bagay na pagkasama-sama."
(75) Nagsabi siya: "Hindi ba nagsabi ako tunay na ikaw ay hindi makakakaya sa akin sa pagtitiis?" 



18 - Al-Kahf  2013_110
الرجوع الى أعلى الصفحة اذهب الى الأسفل
https://almomenoon1.0wn0.com/
أحمد محمد لبن Ahmad.M.Lbn
مؤسس ومدير المنتدى
أحمد محمد لبن Ahmad.M.Lbn


عدد المساهمات : 52644
العمر : 72

18 - Al-Kahf  Empty
مُساهمةموضوع: رد: 18 - Al-Kahf    18 - Al-Kahf  Emptyالسبت 05 نوفمبر 2022, 1:05 pm


(76) Nagsabi ito: "Kung magtatanong ako sa iyo tungkol sa isang bagay matapos nito ay huwag kang makisama sa akin. Nagtamo ka nga mula sa nasa akin ng isang paumanhin."
(77) Kaya humayo silang dalawa hanggang sa nang nakapunta silang dalawa sa mga naninirahan sa isang pamayanan ay humingi silang dalawa ng makakain sa mga naninirahan doon ngunit tumanggi ang mga iyon na tumanggap sa kanilang dalawa bilang panauhin. Saka nakatagpo silang dalawa roon ng isang pader na napipintong gumuho kaya itinayo niya iyon. Nagsabi ito: "Kung sakaling niloob mo ay talagang nakakuha ka para roon ng isang upa."
(78) Nagsabi ito: "Ito ay ang paghihiwalay sa pagitan natin. Magbabalita ako sa iyo hinggil sa pagpapakahulugan ng hindi ka nakakaya roon ng isang pagtitiis.
(79) Hinggil sa daong, iyon ay pag-aari ng mga dukhang nagtatrabaho sa dagat. Kaya nagnais akong puminsala niyon, sa hulihan nila ay may haring nangunguha ng bawat daong bilang pangingikil.
(80) Hinggil sa batang lalaki, ang mga magulang niya ay mga mananampalataya kaya natakot kami na magpabigat siya sa kanilang dalawa ng isang pagmamalabis at isang kawalang-pananampalataya.
(81) Kaya nagnais kami na magpalit sa kanilang dalawa ang Panginoon nilang dalawa ng isang higit na mabuti kaysa sa kanya sa kadalisayan at higit na malapit sa pagkaawa.
(82) Hinggil sa pader, iyon ay pag-aari ng dalawang batang lalaking ulila sa lungsod. Sa ilalim nito ay may kayaman para sa kanilang dalawa. Ang ama nilang dalawa ay matuwid. Kaya nagnais ang Panginoon mo na umabot silang dalawa sa kalakasan nilang dalawa at magpalabas silang dalawa ng kayamanan nilang dalawa bilang awa mula sa Panginoon mo. Hindi ako gumawa niyon dala ng pagkukusa ko. Iyon ay ang pagpapakahulugan ng hindi ka nakakaya roon ng isang pagtitiis."
(83) Nagtatanong sila sa iyo tungkol kay Dhulqarnayn. Sabihin mo: "Bibigkas ako sa inyo mula sa kanya ng isang pagbanggit.
(84) Tunay na Kami ay nagbigay-kapangyarihan para sa kanya sa lupain at nagbigay sa kanya mula sa bawat ng isang daanan.
(85) Kaya sumunod siya sa isang daanan
(86) hanggang sa nang umabot siya sa lubugan ng araw ay nakatagpo siya rito na [parang] lumulubog sa isang bukal na maburak at nakatagpo siya sa tabi niyon ng mga tao. Nagsabi Kami: O Dhulqarnayn, maski magparusa ka at maski gumawa ka sa kanila ng isang kagandahan."
(87) Nagsabi Siya: "Hinggil sa sinumang lumabag sa katarungan, pagdurusahin namin ito. Pagkatapos isasauli ito sa Panginoon nito saka pagdurusahin Niya ito ng isang pagdurusang pagkasama-sama.
(88) Hinggil sa sinumang sumampalataya at gumawa ng gawang maayos, ukol dito bilang ganti ang Pinakamaganda. Magsasabi kami rito mula sa utos namin nang magaan."
(89) Pagkatapos sumunod siya sa isang daanan
(90) hanggang sa nang umabot siya sa litawan ng araw ay nakatagpo siya rito na [parang] lumilitaw sa mga taong hindi Kami gumawa para sa kanila laban dito ng isang panakip.
(91) Gayon, at pumaligid nga Kami sa anumang taglay niyang kabatiran.
(92) Pagkatapos sumunod siya sa isang daanan
(93) hanggang sa nang umabot siya sa pagitan ng dalawang bundok ay nakatagpo siya sa paanan ng dalawang ito ng mga taong hindi halos nakauunawa ng sinasabi.
(94) Nagsabi sila: "O Dhulqarnayn, tunay na ang Gog at ang Magog ay mga tagagulo sa lupain. Kaya magtatalaga kaya kami para sa iyo ng isang gugulin para gumawa ka sa pagitan namin at nila ng isang sagabal?"
(95) Nasabi siya: "Ang nagbigay-kapangyarihan sa akin doon ang Panginoon ko ay higit na mabuti; ngunit tulungan ninyo ako ng isang lakas, gagawa ako sa pagitan ninyo at nila ng isang saplad.
(96) Magbigay kayo sa akin ng mga kimpal ng bakal." Hanggang sa nang nagpantay siya sa pagitan ng dalawang bangin ay nagsabi siya: "Umihip kayo." Hanggang sa nang nakagawa siya rito na apoy ay nagsabi siya: "Magbigay kayo sa akin, magbubuhos ako rito ng lusaw ng tanso."
(97) Kaya hindi sila nakakaya na umakyat roon at hindi sila nakakaya roon ng isang paglagos.
(98) Nagsabi siya: "Ito ay isang awa mula sa Panginoon ko; ngunit kapag dumating ang pangako ng Panginoon ko, gagawin Niya itong durog. Laging ang pangako ng Panginoon ko ay totoo."
(99) Mag-iiwan Kami sa iba sa kanila sa araw na iyon na dumadaluyong sa iba pa. Iihip sa tambuli saka magtitipon Kami sa kanila sa isang pagkakatipon.
(100) Maglalahad Kami ng Impiyerno sa araw na iyon para sa mga tagatangging sumampalataya sa isang paglalahad.
(101) [Sila] ang mga [taong] dati ang mga mata nila ay nasa isang pagtatakip palayo sa pag-aalaala sa Akin at sila dati ay hindi nakakakaya ng isang pagdinig.
(102) Kaya nag-akala ba ang mga tumangging sumampalataya na makagawa sila sa mga alipin Ko bukod pa sa Akin bilang mga katangkilik? Tunay na Kami ay naglaan sa Impiyerno para sa mga tagatangging sumampalataya bilang tuluyan.
(103) Sabihin mo: "Magbabalita kaya kami sa inyo hinggil sa mga pinakalugi sa mga gawain,
(104) na mga nawala ang pinagsumikapan nila sa buhay na pangmundo habang sila ay nag-aakala na sila ay nagpapaganda sa paggawa?
(105) Ang mga iyon ay ang mga tumangging sumampalataya sa mga tanda ng Panginoon nila at pakikipagkita sa Kanya kaya nawalang-kabuluhan ang mga gawain nila saka hindi Kami mag-uukol para sa kanila sa Araw ng Pagbangon ng isang timbang.
(106) Iyon ay ang ganti sa kanila: Impiyerno, dahil tumanggi silang sumampalataya at gumawa sila sa mga tanda Ko at mga sugo Ko bilang pangungutya.
(107) Tunay na ang mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos ay magiging ukol sa kanila ang mga Hardin ng Firdaws bilang tuluyan,
(108) bilang mga mananatili sa mga iyon, na hindi sila maghahangad palayo sa mga iyon ng isang paglipat.
(109) Sabihin mo: "Kung sakaling ang dagat ay tinta para sa mga salita ng Panginoon ko, talaga sanang naubos ang dagat bago maubos [isulat] ang mga salita ng Panginoon ko, kahit pa naghatid kami ng tulad nito na tinta."
(110) Sabihin mo: "Ako ay tao lamang tulad ninyo. Ikinakasi sa akin na ang Diyos ninyo ay Diyos na nag-iisa lamang. Kaya ang sinumang naging nag-aasam ng pakikipagkita sa Panginoon niya ay gumawa siya ng gawang maayos at huwag siyang magtambal sa pagsamba sa Panginoon Niya ng isa man."



18 - Al-Kahf  2013_110
الرجوع الى أعلى الصفحة اذهب الى الأسفل
https://almomenoon1.0wn0.com/
 
18 - Al-Kahf
الرجوع الى أعلى الصفحة 
صفحة 1 من اصل 1
 مواضيع مماثلة
-
» Al-Kahf
» Al-Kahf
» Al-Kahf
» 18 - Al-Kahf
» Al-Kahf

صلاحيات هذا المنتدى:لاتستطيع الرد على المواضيع في هذا المنتدى
منتديات إنما المؤمنون إخوة (2024 - 2010) The Believers Are Brothers :: (English) :: The Holy Quran is translated :: Tagalog-
انتقل الى: