104 - Al-Humaza
Sa ngalan ni All?h, ang Napakamaawain, ang Maawain.
(1) Kapighatian ay ukol sa bawat palalibak na palatuligsa,
(2) na nag-ipon ng yaman at bumilang-bilang nito,
(3) habang nag-aakala na ang yaman niya ay magpapanatili sa kanya.
(4) Aba’y hindi! Talagang ihahagis nga siya sa Mapangwasak.
(5) Ano ang nagpabatid sa iyo kung ano ang Mapangwasak?
(6) [Ito ay] ang Apoy ni Allāh, na ginagatungan,
(7) na nanunuot sa mga puso.
(8) Tunay na ito sa kanila ay itataklob
(9) sa mga haliging binanat.