90 - Al-Balad
Sa ngalan ni All?h, ang Napakamaawain, ang Maawain.
(1) Talagang sumusumpa Ako sa bayang ito
(2) habang ikaw ay napahihintulutan sa bayang ito.
(3) Sumpa man sa isang nag-anak at sa inanak niya,
(4) talaga ngang lumikha Kami sa tao sa isang pagpapakahirap.
(5) Nag-aakala ba siya na walang nakakakaya sa kanya na isa man?
(6) Magsasabi siya: "Umubos ako ng isang tambak na yaman."
(7) Nag-aakala ba siya na walang nakakita sa kanya na isa man?
(8) Hindi ba Kami gumawa para sa kanya ng dalawang mata,
(9) isang dila, at dalawang labi?
(10) Nagpatnubay Kami sa kanya sa dalawang daanan.
(11) Ngunit hindi kasi siya sumugod sa matarik na daan.
(12) Ano ang nagpabatid sa iyo kung ano ang matarik na daan?
(13) [Ito ay] isang pagpapalaya sa isang alipin,
(14) o pagpapakain sa isang araw na may taggutom
(15) sa isang ulilang may pagkakamag-anak
(16) o sa isang dukhang may paghihikahos.
(17) Pagkatapos naging kabilang siya sa mga sumampalataya at nagtagubilinan ng pagtitiis at nagtagubilinan ng pagkaawa.
(18) Ang mga iyon ay ang mga kasamahan sa dakong kanan.
(19) Ang mga tumangging sumampalataya sa tan
da Namin ay ang mga kasamahan sa dakong kaliwa.
(20) Sa ibabaw nila ay may apoy na nakataklob.