92 - Al-Lail
Sa ngalan ni All?h, ang Napakamaawain, ang Maawain.
(1) Sumpa man sa gabi kapag bumabalot ito,
(2) sumpa man sa maghapon kapag nahayag ito,
(3) sumpa man sa pagkalikha sa lalaki at babae;
(4) tunay na ang pagpupunyagi ninyo ay talagang sarisari.
(5) Kaya tungkol naman sa sinumang nagbigay at nangilag magkasala,
(6) at nagpatotoo sa pinakamaganda;
(7) magpapadali Kami sa kanya para sa pinakamadali.
(8) Tungkol naman sa sinumang nagmaramot at nag-akalang makapagsasarili,
(9) at nagpasinungaling sa pinakamaganda;
(10) magpapadali Kami sa kanya para sa pinakamahirap.
(11) Ano ang maidudulot para sa kanya ng yaman niya kapag nabulid siya [sa Impiyerno]?
(12) Tunay na nasa Amin ay talagang ang pagpapatnubay.
(13) Tunay na sa Amin ay talagang ang Kabilang-buhay at ang Unang-buhay.
(14) Kaya nagbabala Ako sa inyo ng apoy na naglalagablab.
(15) Walang masusunog doon kundi ang pinakamalumbay,
(16) na nagpasinungaling at tumalikod.
(17) Paiiwasin doon ang pinakatagapangilag magkasala,
(18) na nagbibigay ng yaman niya habang nagpapakalinis [sa kasalanan]
(19) at hindi para sa isang mayroon siyang anumang biyayang gagantihan,
(20) bagkus sa paghahangad [ng ikalulugod] ng Mukha ng Panginoon niya, ang Pinakamataas.
(21) Talagang malulugod siya.