أحمد محمد لبن Ahmad.M.Lbn مؤسس ومدير المنتدى
عدد المساهمات : 52644 العمر : 72
| موضوع: 89 - Al-Fajr الأربعاء 09 نوفمبر 2022, 6:24 pm | |
| 89 - Al-Fajr Sa ngalan ni All?h, ang Napakamaawain, ang Maawain. (1) Sumpa man sa madaling-araw, (2) sumpa man sa Sampung Gabi, (3) sumpa man sa tukol at gansal, (4) sumpa man sa gabi kapag naglalakbay ito; [talagang gagantihan nga kayo.] (5) Sa gayon kaya ay may panunumpa para sa may pang-unawa? (6) Hindi mo ba napag-alaman kung papaano ang ginawa ng Panginoon mo sa [liping] `Ād, (7) na [lipi ni] Irām na may mga haligi, (8) na hindi nilikha ang tulad ng mga iyon sa bayan, (9) at sa [liping] Thamūd na pumutol ng mga malaking bato sa lambak; (10) at kay Paraon na may mga tulos? (11) [Silang lahat ay] ang mga nagmalabis sa bayan (12) saka nagparami sila sa mga iyon ng katiwalian, (13) kaya nagbuhos sa kanila ang Panginoon mo ng isang hagupit ng pagdurusa. (14) Tunay na ang Panginoon mo ay talagang nasa pantambang. (15) Kaya tungkol naman sa tao, kapag sumubok dito ang Panginoon nito saka nagparangal Siya rito at nagpaginhawa Siya rito, nagsasabi ito: "Ang Panginoon ko ay nagparangal sa akin." (16) Tungkol naman sa kapag sumubok Siya rito saka naghigpit Siya rito sa panustos dito, nagsasabi ito: "Ang Panginoon ko ay humamak sa akin." (17) Aba’y hindi! Bagkus hindi kayo nagpaparangal sa ulila (18) at hindi kayo naghihimukan sa pagpapakain sa dukha. (19) Kumakain kayo ng pamana nang pagkaing masidhi. (20) Umiibig kayo sa yaman nang pag-ibig na labis. (21) Aba’y hindi! Kapag dinurog ang lupa nang durog na durog, (22) at dumating ang Panginoon mo at ang mga anghel nang hanay-hanay, (23) at ihahatid sa Araw na iyon ang Impiyerno. Sa Araw na iyon ay magsasaalaala ang tao, at paano ukol sa kanya ang paalaala? (24) Magsasabi siya: "O kung sana ako ay nagpauna [ng kabutihan] para sa buhay ko." (25) Kaya sa araw na iyon ay walang isang magpaparusa ng pagdurusang dulot Niya (26) at walang isang gagapos ng paggapos Niya. (27) "O kaluluwang napapanatag, (28) bumalik ka sa Panginoon mo nang nalulugod na kinalulugdan, (29) saka pumasok ka sa mga lingkod Ko, (30) at pumasok ka sa Paraiso Ko."
|
|