أحمد محمد لبن Ahmad.M.Lbn مؤسس ومدير المنتدى
عدد المساهمات : 52644 العمر : 72
| موضوع: 82 - Al-Infitaar الأربعاء 09 نوفمبر 2022, 8:09 am | |
| 82 - Al-Infitaar Sa ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang Maawain. (1) Kapag ang langit ay nabitak, (2) at kapag ang mga tala ay naisabog, (3) at kapag ang mga dagat ay isinambulat, (4) at kapag ang mga libingan ay hinalukay; (5) malalaman ng isang kaluluwa ang ipinauna niya at ipinahuli niya. (6) O tao, ano ang nakadaya sa iyo hinggil sa Panginoon mo, ang Mapagbigay? (7) [Siya] ang lumikha sa iyo, saka humubog sa iyo, saka nagpaangkop sa iyo. (8) Sa alinmang anyo na niloob Niya ay bumuo Siya sa iyo. (9) Aba’y hindi! Bagkus nagpapasinungaling kayo sa Paggantimpala. (10) Tunay na sa inyo ay talagang may mga tagapag-ingat, (11) na mararangal na mga tagasulat. (12) Nakaaalam sila sa anumang ginagawa ninyo. (13) Tunay na ang mga mabuting-loob ay talagang nasa isang kaginhawahan. (14) Tunay na ang mga masamang-loob ay talagang nasa isang impiyerno. (15) Masusunog sila roon sa Araw ng Paggantimpala. (16) Sila palayo roon ay hindi mga makaliliban. (17) Ano ang nagpabatid sa iyo kung ano ang Araw ng Paggantimpala? (18) Pagkatapos ano ang nagpabatid sa iyo kung ano ang Araw ng Paggantimpala? (19) [Iyon ay] sa Araw na hindi makapagdudulot ang isang kaluluwa sa isang kaluluwa ng anuman at ang pag-uutos sa Araw na iyon ay ukol kay Allāh.
عدل سابقا من قبل أحمد محمد لبن Ahmad.M.Lbn في الأربعاء 09 نوفمبر 2022, 6:08 pm عدل 1 مرات |
|
أحمد محمد لبن Ahmad.M.Lbn مؤسس ومدير المنتدى
عدد المساهمات : 52644 العمر : 72
| موضوع: رد: 82 - Al-Infitaar الأربعاء 09 نوفمبر 2022, 8:09 am | |
| (26) Ang panghuli nito ay musk, at alang-alang doon ay magtagisan ang mga magtatagisan. (27) Ang lahok nito ay mula sa Tasnīm, (28) isang bukal na iinom mula roon ang mga inilapit. (29) Tunay na ang mga nagpakasalarin ay dati sa mga sumampalataya tumatawa. (30) Kapag naparaan sila sa mga ito ay nagkikindatan sila. (31) Kapag umuwi sila sa mga kapwa nila ay umuuwi sila na mga nagbibiro. (32) Kapag nakakita sila sa mga ito ay nagsasabi sila: "Tunay na ang mga ito ay talagang mga ligaw." (33) Hindi sila isinugo sa mga ito bilang mga tagapag-ingat. (34) Kaya sa Araw na iyon ang mga sumampalataya ay sa mga tagatangging sumampalataya tatawa (35) habang nasa mga supa na nakatingin. (36) Gagantimpalaan kaya ang mga tagatangging sumampalataya ng anumang dati nilang ginagawa? |
|