79 - An-Naazi'aat
Sa ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang Maawain.
(1) Sumpa man sa mga [anghel na] nag-aalis [ng kaluluwa] sa isang paghatak,
(2) sumpa man sa mga [anghel na] humahablot sa isang paghunos,
(3) sumpa man sa mga [anghel na] lumalangoy sa isang paglangoy [na pababa-pataas],
(4) saka sa mga [anghel na] nag-uunahan sa isang pag-uunahan [sa pagtalima],
(5) saka sa mga [anghel na] nagpapatupad sa isang utos,
(6) sa araw na yayanig ang tagayanig,
(7) habang sumusunod dito ang kasunod.
(8) May mga puso sa araw na iyon na kakabug-kabog.
(9) Ang mga paningin ng mga ito ay nagpapakumbaba.
(10) Nagsasabi sila: "Tunay bang kami ay talagang mga pababalikin sa dating kalagayan?
(11) Kapag ba kami ay naging mga butong nabukbok?"
(12) Magsasabi sila: "Iyon samakatuwid ay isang pagbalik na lugi."
(13) Saka ito ay nag-iisang bulyaw lamang,
(14) saka biglang sila ay nasa balat ng lupa.
(15) Nakarating kaya sa iyo ang sanaysay kay Moises?
(16) Noong nanawagan sa kanya ang Panginoon niya sa pinabanal na lambak ng Ṭuwā:
(17) "Pumunta ka kay Paraon; tunay na siya ay nagmalabis.
(18) Saka magsabi ka: ‘Ibig mo kaya na magpakalinis ka
(19) at magpatnubay ako sa iyo tungo sa Panginoon mo para matakot ka [sa Kanya]?"
(20) Kaya nagpakita siya rito ng tandang pinakamalaki,
(21) ngunit nagpasinungaling ito at sumuway ito.
(22) Pagkatapos tumalikod ito na nagpupunyagi [laban kay Moises].
(23) Kaya kumalap ito [ng mga kawal] saka nanawagan
(24) saka nagsabi: "Ako ay ang panginoon ninyong pinakamataas."
(25) Kaya nagpataw rito si Allāh ng parusang panghalimbawa sa Kabilang-buhay at Unang-buhay.