أحمد محمد لبن Ahmad.M.Lbn مؤسس ومدير المنتدى
عدد المساهمات : 52644 العمر : 72
| موضوع: 51 - Adh-Dhaariyat الأحد 06 نوفمبر 2022, 8:01 pm | |
| 51 - Adh-Dhaariyat Sa ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang Maawain. (1) Sumpa man sa mga [hanging] tagapagpalipad sa pagpapalipad [ng alikabok], (2) saka sa mga [ulap na] tagapagdala ng lulan [na ulap], (3) at sa mga [daong na] tagapaglayag nang magaan, (4) saka sa mga [anghel na] tagapagbahagi ng nauukol, (5) tunay na ang ipinangangako sa inyo ay talagang tapat, (6) at tunay na ang paggagantimpala ay talagang magaganap! (7) Sumpa man sa langit na may mga daanan, (8) tunay na kayo ay talagang nasa isang pagsasabing nagkakaiba. (9) Nalilinlang palayo rito ang sinumang nalinlang. (10) Napahamak ang mga palasapantaha, (11) na sila sa isang pagkalubog [sa kamangmangan] ay mga nakaliligta. (12) Nagtatanong sila: "Kailan ang Araw ng Paggagantimpala?" (13) Sa araw na sila sa ibabaw ng Apoy ay sinisilaban. (14) Lasapin ninyo ang pagsilab sa inyo; ito ay ang dati ninyong minamadali! (15) Tunay na ang mga tagapangilag magkasala ay nasa mga hardin at mga bukal, (16) habang mga kumukuha ng anumang ibinigay sa kanila ng Panginoon nila. Tunay na sila dati bago niyon ay mga tagagawa ng maganda. (17) Sila dati ay kaunti mula sa gabi ang iniidlip. (18) Sa mga huling bahagi ng gabi, sila ay humihingi ng tawad. (19) Sa mga yaman nila ay may karapatan para sa nanghihingi at napagkakaitan. (20) Sa lupa ay may mga tanda para sa mga nakatitiyak, (21) at sa mga sarili ninyo. Kaya hindi ba kayo nakakikita? (22) Sa langit ay ang panustos ninyo at ang ipinangangako sa inyo. (23) Kaya sumpa man sa Panginoon ng langit at lupa, tunay na ito ay talagang katotohanan tulad ng anuman na kayo ay bumibigkas [niyon]. (24) Dumating kaya sa iyo ang salaysay ng mga panauhin ni Abraham, na mga pinarangalan? (25) Noong pumasok sila sa kanya saka nagsabi sila ng kapayapaan ay nagsabi naman siya: "Kapayapaan, mga taong di-kilala." |
|
أحمد محمد لبن Ahmad.M.Lbn مؤسس ومدير المنتدى
عدد المساهمات : 52644 العمر : 72
| موضوع: رد: 51 - Adh-Dhaariyat الأحد 06 نوفمبر 2022, 8:01 pm | |
| (26) Kaya tumalilis siya sa mag-anak niya, saka naghatid ng isang guyang mataba. (27) Kaya naglapit siya nito sa kanila; nagsabi siya: "Hindi ba kayo kakain?" (28) Kaya nakadama siya mula sa kanila ng pangangamba. Nagsabi sila: "Huwag kang mangamba." Nagbalita sila ng nakagagalak sa kanya hinggil sa isang batang lalaking maalam. (29) Kaya lumapit ang maybahay niya habang nasa paghihiyaw saka tinampal nito ang mukha nito at nagsabi: "Matandang babaing baog [ako]!" (30) Nagsabi sila: "Gayon nagsabi ng Panginoon mo; tunay na Siya ay ang Marunong, ang Maalam." (31) Nagsabi siya: "Kaya ano ang sadya ninyo, O mga isinugo?" (32) Nagsabi sila: "Tunay na kami ay isinugo sa mga taong salarin, (33) upang magsugo kami sa kanila ng mga batong yari sa luwad, (34) tinatakan sa ganang Panginoon mo na para sa mga tagapagmalabis." (35) Kaya nagpalabas Kami ng sinumang dati ay naroon kabilang sa mga mananampalataya. (36) Ngunit wala kaming natagpuan doon maliban sa isang sambahayan ng mga tagapagpasakop. (37) Nag-iwan Kami roon ng isang tanda para sa mga nangangamba sa pagdurusang masakit. (38) Kay Moises [ay may tanda] noong nagsugo Kami sa kanya kay Paraon kalakip ng isang katunayang malinaw. (39) Ngunit tumalikod siya kasabay ng kampon niya at nagsabi: "Manggagaway o baliw." (40) Kaya kinuha Namin siya at ang mga kawal niya saka itinapon Namin sila sa dagat habang siya ay masisisi. (41) Sa `Ād [ay may tanda] noong nagsugo Kami sa kanila ng hanging baog. (42) Hindi ito nagpapabaya ng anumang bagay na pinuntahan nito malibang ginawa nito iyon gaya ng nalansag. (43) Sa Thamūd [ay may tanda] noong sinabi sa kanila: "Magtamasa kayo hanggang sa pansamantala." (44) Ngunit nagpakapalalo sila sa utos ng Panginoon nila kaya dumaklot sa kanila ang lintik habang sila ay nakatingin. (45) Kaya hindi sila nakakaya ng pagtayo at hindi sila dati mga naiaadya. (46) [Nagpahamak Kami] sa mga kababayan ni Noe bago pa niyon; tunay na sila dati ay mga taong suwail. (47) Ang langit ay ipinatayo Namin ito sa pamamagitan ng kapangyarihan at tunay na Kami ay talagang tagapagpalawak [nito]. (48) Ang lupa ay inilatag Namin ito, saka kay inam na tagapaghimlay [Kami]. (49) Mula sa bawat bagay ay lumikha kami ng magkapares, nang sa gayon kayo ay magsasaalaala. (50) Kaya tumakas kayo patungo kay Allāh; tunay na ako para sa inyo laban dito ay isang mapagbabalang malinaw.
|
|
أحمد محمد لبن Ahmad.M.Lbn مؤسس ومدير المنتدى
عدد المساهمات : 52644 العمر : 72
| موضوع: رد: 51 - Adh-Dhaariyat الأحد 06 نوفمبر 2022, 8:02 pm | |
| (51) Huwag kayong gumawa kasama kay Allāh ng isang diyos na iba pa; tunay na ako para sa inyo laban dito ay isang mapagbabalang malinaw. (52) Gayon din, walang pumunta sa mga [tao] bago pa nila na isang sugo malibang nagsabi sila: "Isang manggagaway o isang baliw." (53) Nagtagubilinan ba sila hinggil dito? Bagkus sila ay mga taong tagapagmalabis. (54) Kaya tumalikod ka palayo sa kanila sapagkat ikaw ay hindi masisisi. (55) Magpaalaala ka sapagkat tunay na ang paalaala ay nagpapakinabang sa mga mananampalataya. (56) Hindi Ako lumikha ng jinn at tao kundi upang sumamba sila sa Akin. (57) Hindi Ako nagnanais mula sa kanila ng anumang panustos at hindi Ako nagnanais na magpakain sila sa Akin. (58) Tunay na si Allāh ay ang Palatustos, ang May Lakas, ang Matibay. (59) Saka tunay na ukol sa mga lumabag sa katarungan ay mga pagkakasalang tulad ng mga pagkakasala ng mga kasamahan nila, kaya huwag silang magmadali sa Akin. (60) Kaya kapighatian ay ukol sa mga tumangging sumampalataya, mula sa araw nila na pinangangakuan sila [ng pagdurusa].
|
|