منتديات إنما المؤمنون إخوة (2024 - 2010) The Believers Are Brothers

(إسلامي.. ثقافي.. اجتماعي.. إعلامي.. علمي.. تاريخي.. دعوي.. تربوي.. طبي.. رياضي.. أدبي..)
 
الرئيسيةالأحداثأحدث الصورالتسجيل
(وما من كاتب إلا سيبلى ** ويبقى الدهر ما كتبت يداه) (فلا تكتب بكفك غير شيء ** يسرك في القيامة أن تراه)

IZHAR UL-HAQ

(Truth Revealed) By: Rahmatullah Kairanvi
قال الفيلسوف توماس كارليل في كتابه الأبطال عن رسول الله -صلى الله عليه وسلم-: "لقد أصبح من أكبر العار على أي فرد مُتمدين من أبناء هذا العصر؛ أن يُصْغِي إلى ما يظن من أنَّ دِينَ الإسلام كَذِبٌ، وأنَّ مُحَمَّداً -صلى الله عليه وسلم- خَدَّاعٌ مُزُوِّرٌ، وآنَ لنا أنْ نُحارب ما يُشَاعُ من مثل هذه الأقوال السَّخيفة المُخْجِلَةِ؛ فإنَّ الرِّسَالة التي أدَّاهَا ذلك الرَّسُولُ ما زالت السِّراج المُنير مُدَّةَ اثني عشر قرناً، لنحو مائتي مليون من الناس أمثالنا، خلقهم اللهُ الذي خلقنا، (وقت كتابة الفيلسوف توماس كارليل لهذا الكتاب)، إقرأ بقية كتاب الفيلسوف توماس كارليل عن سيدنا محمد -صلى الله عليه وسلم-، على هذا الرابط: محمد بن عبد الله -صلى الله عليه وسلم-.

يقول المستشرق الإسباني جان ليك في كتاب (العرب): "لا يمكن أن توصف حياة محمد بأحسن مما وصفها الله بقوله: (وَمَا أَرْسَلْنَاكَ إِلَّا رَحْمَةً لِّلْعَالَمِين) فكان محمدٌ رحمة حقيقية، وإني أصلي عليه بلهفة وشوق".
فَضَّلَ اللهُ مِصْرَ على سائر البُلدان، كما فَضَّلَ بعض الناس على بعض والأيام والليالي بعضها على بعض، والفضلُ على ضربين: في دِينٍ أو دُنْيَا، أو فيهما جميعاً، وقد فَضَّلَ اللهُ مِصْرَ وشَهِدَ لها في كتابهِ بالكَرَمِ وعِظَم المَنزلة وذَكَرَهَا باسمها وخَصَّهَا دُونَ غيرها، وكَرَّرَ ذِكْرَهَا، وأبَانَ فضلها في آياتٍ تُتْلَى من القرآن العظيم.
المهندس حسن فتحي فيلسوف العمارة ومهندس الفقراء: هو معماري مصري بارز، من مواليد مدينة الأسكندرية، وتخرَّجَ من المُهندس خانة بجامعة فؤاد الأول، اشْتُهِرَ بطرازهِ المعماري الفريد الذي استمَدَّ مَصَادِرَهُ مِنَ العِمَارَةِ الريفية النوبية المَبنية بالطوب اللبن، ومن البيوت والقصور بالقاهرة القديمة في العصرين المملوكي والعُثماني.
رُبَّ ضَارَّةٍ نَافِعَةٍ.. فوائدُ فيروس كورونا غير المتوقعة للبشرية أنَّه لم يكن يَخطرُ على بال أحَدِنَا منذ أن ظهر وباء فيروس كورونا المُستجد، أنْ يكونَ لهذه الجائحة فوائدُ وإيجابيات ملموسة أفادَت كوكب الأرض.. فكيف حدث ذلك؟!...
تخليص الإبريز في تلخيص باريز: هو الكتاب الذي ألّفَهُ الشيخ "رفاعة رافع الطهطاوي" رائد التنوير في العصر الحديث كما يُلَقَّب، ويُمَثِّلُ هذا الكتاب علامة بارزة من علامات التاريخ الثقافي المصري والعربي الحديث.
الشيخ علي الجرجاوي (رحمه الله) قَامَ برحلةٍ إلى اليابان العام 1906م لحُضُورِ مؤتمر الأديان بطوكيو، الذي دعا إليه الإمبراطور الياباني عُلَمَاءَ الأديان لعرض عقائد دينهم على الشعب الياباني، وقد أنفق على رحلته الشَّاقَّةِ من مَالِهِ الخاص، وكان رُكُوبُ البحر وسيلته؛ مِمَّا أتَاحَ لَهُ مُشَاهَدَةَ العَدِيدِ مِنَ المُدُنِ السَّاحِلِيَّةِ في أنحاء العالم، ويُعَدُّ أوَّلَ دَاعِيَةٍ للإسلام في بلاد اليابان في العصر الحديث.

أحْـلامٌ مِـنْ أبِـي (باراك أوباما) ***

 

 40 - Al-Ghaafir

اذهب الى الأسفل 
كاتب الموضوعرسالة
أحمد محمد لبن Ahmad.M.Lbn
مؤسس ومدير المنتدى
أحمد محمد لبن Ahmad.M.Lbn


عدد المساهمات : 52644
العمر : 72

40 - Al-Ghaafir  Empty
مُساهمةموضوع: 40 - Al-Ghaafir    40 - Al-Ghaafir  Emptyالأحد 06 نوفمبر 2022, 1:34 pm

40 - Al-Ghaafir
Sa ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang Maawain.
(1) Ḥā. Mīm.
(2) Ang pagbababa ng Aklat ay mula kay Allāh, ang Makapangyarihan, ang Maalam.
(3) ang Tagapagpatawad ng pagkakasala, ang Tagatanggap ng pagbabalik-loob, ang Matindi ang parusa, ang May-kaya. Walang Diyos kundi Siya; sa Kanya ang kahahantungan.
(4) Walang nakikipagtalo hinggil sa mga talata ni Allāh kundi ang mga tumangging sumampalataya, kaya huwag manlinlang sa iyo ang paggala-gala nila sa bayan.
(5) Nagpasinungaling bago nila ang mga kababayan ni Noe at ang mga lapian nang matapos nila. Nagtangka ang bawat kalipunan sa sugo nila upang dumaklot sa kanya. Nakipagtalo sila sa pamamagitan ng kabulaanan upang magpamali sa pamamagitan nito sa katotohanan. Kaya dumaklot Ako sa kanila kaya papaano naging ang parusa Ko?
(6) Gayon nagindapat ang salita ng Panginoon mo sa mga tumangging sumampalataya, na sila ay mga maninirahan sa Apoy.
(7) Ang mga [anghel] na nagpapasan ng Trono at ang mga nasa paligid nito ay nagluluwalhati kalakip ng pagpupuri sa Panginoon nila, sumasampalataya sa Kanya, at humihingi ng tawad para sa mga sumampalataya, [na nagsasabi]: "Panginoon namin, sumaklaw Ka sa bawat bagay sa awa at kaalaman, kaya magpatawad Ka sa mga nagbalik-loob at sumunod sa landas Mo, at magsanggalang Ka sa kanila sa pagdurusa sa Impiyerno.
(8) Panginoon namin, at magpapasok Ka sa kanila sa mga Hardin ng Eden na ipinangako Mo sa kanila at sa sinumang umayos kabilang sa mga magulang nila, mga asawa nila, at mga supling nila. Tunay na Ikaw ay ang Makapangyarihan, ang Marunong.
(9) Magsanggalang Ka sa kanila sa mga masagwang gawa. Ang sinumang isasanggalang Mo sa mga masagwang gawa sa Araw na iyon ay naawa Ka nga sa kanya. Iyon ay ang pagkatamong sukdulan."
(10) Tunay na ang mga tumangging sumampalataya ay tatawagin: "Talagang ang pagkamuhi ni Allāh ay higit na malaki kaysa sa pagkamuhi ninyo sa mga sarili ninyo noong inaanyayahan kayo sa pananampalataya ngunit tumatanggi kayong sumampalataya."
(11) Magsasabi sila: "Panginoon namin, nagbigay-kamatayan Ka sa amin nang dalawang ulit at nagbigay-buhay Ka sa amin nang dalawang ulit, saka umamin kami sa mga pagkakasala namin. Kaya tungo sa paglabas kaya ay may anumang landas?"
(12) [Sasabihin]: "Iyon ay dahil kapag dinalanginan si Allāh nang mag-isa, tumatanggi kayong sumampalataya; at kung tinatambalan Siya, sumasampalataya kayo. Kaya ang paghahatol ay ukol kay Allāh, ang Mataas, ang Malaki."
(13) Siya ay ang nagpapakita sa inyo ng mga tanda Niya at nagbababa para sa inyo mula sa langit ng panustos. Walang nagsasaalaala kundi ang sinumang nagsisising bumabalik.
(14) Kaya dumalangin kayo kay Allāh habang mga nagpapakawagas sa Kanya sa relihiyon kahit pa man nasuklam ang mga tagatangging sumampalataya.
(15) Ang Angat sa mga antas, ang May Trono, nagtatalaga Siya ng pagsisiwalat mula sa utos Niya sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya upang magbabala ng Araw ng pagkikita.
(16) Sa Araw na sila ay mga lilitaw, walang nakakukubli kay Allāh mula sa kanila na anuman. Sa kanino ang paghahari sa Araw na ito? Sa kay Allāh, ang Nag-iisa, ang Palalupig.
(17) Sa Araw na ito, gagantihan ang bawat kaluluwa ayon sa nakamit nito. Walang kawalang-katarungan sa Araw na ito. Tunay na si Allāh ay Mabilis ang pagtutuos.
(18) Magbabala ka sa kanila ng Araw ng Papalapit kapag ang mga puso ay nasa tabi ng mga lalamunan habang mga nagpipigil. Walang ukol sa mga tagalabag sa katarungan na anumang matalik na kaibigan ni tagapagpamagitang tatalimain.
(19) Nakaaalam Siya sa taksil sa mga mata at anumang ikinukubli ng mga dibdib.
(20) Si Allāh ay humuhusga ayon sa katotohanan samantalang ang mga dumadalangin sa bukod pa sa Kanya ay hindi humuhusga ayon sa anuman. Tunay na si Allāh ay ang Madinigin, ang Nakakikita.
(21) Hindi ba sila humayo sa lupain para tumingin sila kung papaano naging ang kinahinatnan ng mga iyon dati bago pa nila? Dati ang mga iyon ay higit na matindi kaysa sa kanila sa lakas at mga bakas sa lupain, ngunit dumaklot sa kanila si Allāh dahil sa mga pagkakasala nila. Hindi nagkaroon sa kanila laban kay Allāh ng anumang tagasangga.
(22) Iyon ay dahil sila dati ay dinadalhan ng mga sugo nila ng mga malinaw na patunay ngunit tumanggi silang sumampalataya kaya dumaklot sa kanila si Allāh. Tunay na Siya ay Malakas, Matindi ang pagpaparusa.
(23) Talaga ngang nagsugo Kami kay Moises kalakip ng mga tanda Namin at isang katunayang malinaw
(24) kina Paraon, Hāmān, at Qārūn, ngunit nagsabi sila: "Isang manggagaway na palasinungaling!"
(25) Kaya noong naghatid siya sa kanila ng katotohanan mula sa ganang Amin ay nagsabi sila: "Patayin ninyo ang mga lalaking anak ng mga sumampalataya kasama sa kanya at pamuhayin ninyo ang mga babae nila." Walang iba ang pakana ng mga tagatangging sumampalataya kundi nasa isang pagkaligaw. 



40 - Al-Ghaafir  2013_110
الرجوع الى أعلى الصفحة اذهب الى الأسفل
https://almomenoon1.0wn0.com/
أحمد محمد لبن Ahmad.M.Lbn
مؤسس ومدير المنتدى
أحمد محمد لبن Ahmad.M.Lbn


عدد المساهمات : 52644
العمر : 72

40 - Al-Ghaafir  Empty
مُساهمةموضوع: رد: 40 - Al-Ghaafir    40 - Al-Ghaafir  Emptyالأحد 06 نوفمبر 2022, 1:34 pm


(26) Nagsabi si Paraon: "Hayaan ninyo ako, papatayin ko si Moises at dumalangin siya sa Panginoon niya. Tunay na ako ay nangangamba na magpalit siya sa relihiyon ninyo o na magpangibabaw siya sa lupain ng kaguluhan."
(27) Nagsabi si Moises: "Tunay na ako ay nagpakupkop sa Panginoon ko at Panginoon ninyo laban sa bawat nagpapakamalaking hindi sumasampalataya sa Araw ng Pagtutuos."
(28) May nagsabing isang lalaking mananampalataya kabilang sa mag-anak ni Paraon, na nagtatago ng pananampalataya niya: "Papatay ba kayo ng isang lalaki dahil nagsasabi siya: 'Ang Panginoon ko ay si Allāh,’ samantalang naghatid nga siya sa inyo ng mga malinaw na patunay mula sa Panginoon ninyo? Kung siya ay naging isang sinungaling, laban sa kanya ang kasinungalingan niya. Kung siya ay naging isang tapat, tatama sa inyo ang ilan sa ipinangangako niya sa inyo. Tunay na si Allāh ay hindi nagpapatnubay sa sinumang siya ay nagpapakalabis na palasinungaling.
(29) O mga kalipi ko, sa inyo ang paghahari ngayong araw habang mga tagapangibabaw sa lupain, ngunit sino ang mag-aadya sa atin laban sa parusa ni Allāh kung dumating ito sa atin?" Nagsabi si Paraon: "Wala akong ipinakikita sa inyo kundi ang nakikita ko at wala akong ipinapatnubay sa inyo kundi ang landas ng kagabayan."
(30) Nagsabi ang sumampalataya: "O mga kalipi ko, tunay na ako ay nangangamba para sa inyo ng tulad ng araw ng mga lapian,
(31) tulad ng kinagawian ng mga kababayan ni Noe, ng `Ād, ng Thamūd, at ng mga matapos na sa kanila. Hindi si Allāh nagnanais ng isang kawalang-katarungan para sa mga lingkod [Niya].
(32) O mga kababayan ko, tunay na ako ay nangangamba para sa inyo sa Araw ng Pagtatawagan,
(33) sa Araw na tatalikod kayo habang mga tumatakas. Walang ukol sa inyo laban kay Allāh na anumang tagapagsanggalang. Ang sinumang ililigaw ni Allāh ay walang ukol dito na anumang tagapagpatnubay.
(34) Talaga ngang naghatid sa inyo si Jose bago pa niyon ng mga malinaw na patunay, ngunit hindi kayo huminto sa isang pagdududa sa inihatid niya sa inyo hanggang sa, nang namatay siya, nagsabi kayo: "Hindi magpapadala si Allāh nang matapos niya ng isang sugo." Gayon nagliligaw si Allāh sa sinumang siya ay nagpapakalabis na nag-aalinlangan.
(35) Ang mga nakikipagtalo hinggil sa mga tanda ni Allāh nang walang katunayang pumunta sa kanila ay malaki sa pagkamuhi sa ganang kay Allāh at sa ganang mga sumampalataya. Gayon nagpipinid si Allāh sa bawat pusong nagpapakamalaking mapaniil.
(36) Nagsabi si Paraon: "O Hāmān, magpatayo ka para sa akin ng isang tore nang sa gayon ako ay aabot sa mga daanan:
(37) mga daanan tungo sa mga langit para makatingin ako sa Diyos ni Moises. Tunay na ako ay talagang nagpapalagay na siya ay isang sinungaling." Gayon ipinang-akit para kay Paraon ang kasagwaan ng gawain niya at hinadlangan siya sa landas. Walang [kahahantungan] ang pakana ni Paraon kundi sa isang pagkawasak.
(38) Nagsabi ang sumampalataya: "O mga kababayan ko, sumunod kayo sa akin, magpapatnubay ako sa inyo sa landas ng kagabayan.
(39) O mga kalipi ko, ang buhay na ito sa Mundo ay isang natatamasa lamang at tunay na ang Kabilang-buhay ay ang tahanan ng pamamalagian.
(40) Ang sinumang gumawa ng isang masagwang gawa ay hindi gagantihan maliban ng tulad nito. Ang sinumang gumawa ng isang maayos, na lalaki man o babae habang siya ay isang mananampalataya, ang mga iyon ay papasok sa Hardin, na tutustusan doon nang walang pagtutuos.
(41) O mga kababayan ko, ano ang mayroon ako na nag-aanyaya ako sa inyo tungo sa kaligtasan samantalang nag-aanyaya kayo sa akin tungo sa Apoy?
(42) Nag-aanyaya kayo sa akin upang tumanggi akong sumampalataya kay Allāh at magtambal ako sa Kanya ng anumang hindi ako nagkaroon ng kaalaman hinggil doon samantalang ako ay nag-aanyaya sa inyo tungo sa [Kanya], ang Makapangyarihan, ang Palapatawad.
(43) Walang pasubali na ang ipinaaanyaya ninyo sa akin ay walang ukol ditong isang pag-aanyaya sa Mundo ni sa Kabilang-buhay, na ang pagsasaulian sa amin ay kay Allāh, at na ang mga nagpapakalabis ay ang mga maninirahan sa Apoy.
(44) Kaya makaaalaala kayo sa sinasabi ko sa inyo. Ipinagkakatiwala ko ang nauukol sa akin kay Allāh; tunay na si Allāh ay Nakakikita sa mga lingkod [Niya]."
(45) Kaya nagsanggalang sa kanya si Allāh sa mga masagwang gawa na ipinakana nila. Pumaligid sa mga kampon ni Paraon ang kasagwaan ng pagdurusa.
(46) Ang Apoy, isasalang sila roon sa umaga at gabi. Sa Araw na sasapit ang Huling Sandali [ay sasabihin]: "Magpapasok kayo sa mga kampon ni Paraon sa pinakamatindi sa pagdurusa."
(47) [Banggitin] kapag magkakatwiranan sila sa loob ng apoy saka magsasabi ang mga mahina sa mga nagmalaki: "Tunay na kami para sa inyo ay naging tagasunod. Kaya kayo kaya ay mga magtutulak para sa amin ng isang bahagi mula sa apoy?"
(48) Magsasabi ang mga nagmalaki: "Tunay na tayo ay lahat nasa loob nito; tunay na si Allāh ay humatol na sa pagitan ng mga lingkod [Niya]."
(49) Magsasabi ang mga nasa apoy sa mga [anghel na] tanod ng Impiyerno: "Dumalangin kayo sa Panginoon ninyo na magpagaan Siya para sa amin ng isang araw mula sa pagdurusa."
(50) Magsasabi sila: "Hindi ba dati nagdadala sa inyo ang mga sugo ninyo ng mga malinaw na patunay?" Magsasabi ang mga iyon: "Oo." Magsasabi sila: "Kaya dumalangin kayo," at walang [kahahantungan] ang panalangin ng mga tagatangging sumampalataya kundi sa isang pagkaligaw." 



40 - Al-Ghaafir  2013_110
الرجوع الى أعلى الصفحة اذهب الى الأسفل
https://almomenoon1.0wn0.com/
أحمد محمد لبن Ahmad.M.Lbn
مؤسس ومدير المنتدى
أحمد محمد لبن Ahmad.M.Lbn


عدد المساهمات : 52644
العمر : 72

40 - Al-Ghaafir  Empty
مُساهمةموضوع: رد: 40 - Al-Ghaafir    40 - Al-Ghaafir  Emptyالأحد 06 نوفمبر 2022, 1:35 pm


(51) Tunay na Kami ay talagang nag-aadya sa mga sugo Namin at mga sumampalataya sa buhay na pangmundo at sa Araw na titindig ang mga saksi,
(52) sa Araw na hindi magpapakinabang sa mga tagalabag sa katarungan ang dahi-dahilan nila. Ukol sa kanila ang sumpa at ukol sa kanila ang kasagwaan ng tahanan.
(53) Talaga ngang nagbigay Kami kay Moises ng patnubay at nagpamana Kami sa mga anak ni Israel ng Kasulatan
(54) bilang patnubay at bilang paalaala para sa mga may isip.
(55) Kaya magtiis ka; tunay na ang pangako ni Allāh ay totoo. Humingi ka ng tawad para sa pagkakasala mo at magluwalhati ka kalakip ng pagpupuri sa Panginoon mo sa gabi at pag-uumaga.
(56) Tunay na ang mga nakikipagtalo hinggil sa mga tanda ni Allāh nang walang isang katunayang pumunta sa kanila, walang nasa mga dibdib nila kundi isang pagmamalaking hindi sila makaaabot roon. Kaya humiling ka ng pagkukupkop ni Allāh; tunay na Siya ay ang Madinigin, ang Nakakikita.
(57) Talagang ang pagkakalikha sa mga langit at lupa ay higit na malaki kaysa sa pagkalikha sa mga tao, subalit ang higit na marami sa mga tao ay hindi nakaaalam.
(58) Hindi nagkakapantaya ang bulag at ang nakakikita, ang mga sumampalataya at mga gumawa ng mga maayos at ang tagagawa ng masagwa. Kaunti ang isinasaalaala ninyo!
(59) Tunay na ang Huling Sandali ay talagang darating na walang pag-aalinlangan hinggil dito, subalit ang higit na marami sa mga tao ay hindi sumasampalataya.
(60) Nagsabi ang Panginoon ninyo: "Dumalangin kayo sa Akin, tutugon Ako sa inyo." Tunay na ang mga nagmamalaki sa [pag-ayaw sa] pagsamba sa Akin ay papasok sa Impiyerno na mga nagpapakaaba.
(61) Si Allāh ang gumawa para sa inyo ng gabi upang tumahan kayo roon at ng maghapon bilang nagpapakita. Tunay na si Allāh ay talagang may kabutihang-loob sa mga tao, subalit ang higit na marami sa mga tao ay hindi nagpapasalamat.
(62) Gayon si Allāh, ang Panginoon ninyo na Tagalikha ng bawat bagay. Walang Diyos kundi Siya, kaya paanong nalilinlang kayo?
(63) Gayon nalilinlang ang mga sila dati ay sa mga tanda ni Allāh nagkakaila.
(64) Si Allāh ay ang gumawa para sa inyo ng lupa bilang pamamalagian at ng langit bilang bubungan, nagbigay-anyo sa inyo saka nagpaganda sa mga anyo ninyo, at nagtustos sa inyo ng mga kaaya-ayang bagay. Gayon si Allāh, ang Panginoon ninyo. Kaya mapagpala si Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang.
(65) Siya ay ang Buhay; walang Diyos kundi Siya kaya dumalangin kayo sa Kanya habang mga nagpapakawagas para sa Kanya sa relihiyon. Ang papuri ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang.
(66) Sabihin mo: "Tunay na ako ay sinaway na sumamba sa mga dinadalanginan ninyo bukod pa kay Allāh, noong dumating sa akin ang mga malinaw na patunay mula sa Panginoon ko, at inutusan na magpasakop sa Panginoon ng mga nilalang."
(67) Siya ay ang lumikha sa inyo mula sa alabok, pagkatapos mula sa isang patak, pagkatapos mula sa isang malalinta, pagkatapos nagpapalabas Siya inyo bilang bata, pagkatapos upang umabot kayo sa kalakasan ninyo, pagkatapos upang kayo ay maging mga matanda – at mayroon sa inyo na pinapapanaw bago pa niyon – at upang umabot kayo sa isang taning na tinukoy, at nang sa gayon kayo ay makapag-uunawa.
(68) Siya ay ang nagbibigay-buhay at nagbibigay-kamatayan, saka kapag nagtadhana Siya ng isang bagay ay nagsasabi lamang Siya rito na mangyari saka mangyayari ito.
(69) Hindi ka ba nakakita sa mga nakikipagtalo hinggil sa mga tanda ni Allāh kung paano silang inililihis?
(70) [Sila] ang mga nagpasinungaling sa Aklat at sa ipinasugo Namin sa mga sugo Namin, saka malalaman nila
(71) kapag ang mga kulyar ay nasa mga leeg nila at ang mga tanikala habang hinahatak sila
(72) sa nakapapasong tubig. Pagkatapos sa Apoy ay paliliyabin sila.
(73) Pagkatapos sasabihin sa kanila: "Nasaan na ang dati ninyo itinatambal
(74) bukod pa kay Allāh. Magsasabi sila: "Nawala sila sa amin; bagkus hindi kami dati dumadalangin bago pa niyon sa anuman." Gayon nagliligaw si Allāh sa mga tagatangging sumampalataya.
(75) [Sasabihin]: "Iyon ay dahil kayo dati ay natutuwa sa Mundo ayon sa hindi karapatan at dahil kayo dati ay nagpapakasaya. 



40 - Al-Ghaafir  2013_110
الرجوع الى أعلى الصفحة اذهب الى الأسفل
https://almomenoon1.0wn0.com/
أحمد محمد لبن Ahmad.M.Lbn
مؤسس ومدير المنتدى
أحمد محمد لبن Ahmad.M.Lbn


عدد المساهمات : 52644
العمر : 72

40 - Al-Ghaafir  Empty
مُساهمةموضوع: رد: 40 - Al-Ghaafir    40 - Al-Ghaafir  Emptyالأحد 06 نوفمبر 2022, 1:35 pm


(76) Pumasok kayo sa mga pintuan ng Impiyerno bilang mga mananatili roon. Kaya kay saklap ang tuluyan ng mga nagpapakamalaki!"
(77) Kay magtiis ka; tunay na ang pangako ni Allāh ay totoo. Kaya alinman: magpapakita nga Kami sa iyo ng ilan sa ipinangangako Namin sa kanila o magpapapanaw nga Kami sa iyo, saka tungo sa Amin pababalikin sila.
(78) Talaga ngang nagsugo Kami ng mga sugo bago mo pa. Mayroon sa kanila na isinalaysay Namin sa iyo at mayroon sa kanila na hindi Namin isinalaysay sa iyo. Hindi naging ukol sa isang sugo na magdala ito ng isang tanda malibang ayon sa pahintulot ni Allāh. Kaya kapag dumating ang utos ni Allāh, huhusga ayon sa katotohanan at malulugi roon ang mga nagpapabula.
(79) Si Allāh ay ang gumawa para sa inyo ng mga hayupan upang sumakay kayo mula sa mga ito at mula sa mga ito ay kumakain kayo.
(80) Ukol sa inyo sa mga ito ay mga pakinabang at upang umabot kayo lulan ng mga ito sa isang pangangailangang nasa mga dibdib ninyo. Lulan ng mga ito at lulan ng mga daong dinadala kayo.
(81) Nagpapakita Siya sa inyo ng mga tanda Niya. Kaya sa alin sa mga tanda ni Allāh kayo nagkakaila?
(82) Kaya hindi ba sila humayo sa lupain para tumingin sila kung papaano naging ang kinahinatnan ng mga nauna pa sa kanila? Dati ang mga iyon ay higit na marami kaysa sa kanila at higit na matindi sa lakas at mga bakas sa lupain ngunit walang naidulot sa kanila ang dati nilang nakakamit.
(83) Kaya noong naghatid sa kanila ang mga sugo nila ng mga malinaw na patunay, natuwa sila sa taglay nila na kaalaman at pumaligid sa kanila ang dati nilang kinukutya.
(84) Kaya noong nakakita sila sa parusa Namin, nagsabi sila: "Sumampalataya kami kay Allāh lamang at tumanggi kaming sumampalataya sa anumang kami dati ay sa Kanya mga tagapagtambal [niyon]."
(85) Ngunit hindi nangyaring magpapakinabang sa kanila ang pananampalataya nila kapag nakita nila ang parusa Namin. [Ito] ang kalakaran ni Allāh na nagdaan nga sa mga lingkod Niya. Nalugi roon ang mga tagatangging sumampalataya.



40 - Al-Ghaafir  2013_110
الرجوع الى أعلى الصفحة اذهب الى الأسفل
https://almomenoon1.0wn0.com/
 
40 - Al-Ghaafir
الرجوع الى أعلى الصفحة 
صفحة 1 من اصل 1
 مواضيع مماثلة
-
» Al-Ghaafir
» Al-Ghaafir
» Al-Ghaafir
» Al-Ghaafir
» Al-Ghaafir

صلاحيات هذا المنتدى:لاتستطيع الرد على المواضيع في هذا المنتدى
منتديات إنما المؤمنون إخوة (2024 - 2010) The Believers Are Brothers :: (English) :: The Holy Quran is translated :: Tagalog-
انتقل الى: