منتديات إنما المؤمنون إخوة (2024 - 2010) The Believers Are Brothers

(إسلامي.. ثقافي.. اجتماعي.. إعلامي.. علمي.. تاريخي.. دعوي.. تربوي.. طبي.. رياضي.. أدبي..)
 
الرئيسيةالأحداثأحدث الصورالتسجيل
(وما من كاتب إلا سيبلى ** ويبقى الدهر ما كتبت يداه) (فلا تكتب بكفك غير شيء ** يسرك في القيامة أن تراه)

IZHAR UL-HAQ

(Truth Revealed) By: Rahmatullah Kairanvi
قال الفيلسوف توماس كارليل في كتابه الأبطال عن رسول الله -صلى الله عليه وسلم-: "لقد أصبح من أكبر العار على أي فرد مُتمدين من أبناء هذا العصر؛ أن يُصْغِي إلى ما يظن من أنَّ دِينَ الإسلام كَذِبٌ، وأنَّ مُحَمَّداً -صلى الله عليه وسلم- خَدَّاعٌ مُزُوِّرٌ، وآنَ لنا أنْ نُحارب ما يُشَاعُ من مثل هذه الأقوال السَّخيفة المُخْجِلَةِ؛ فإنَّ الرِّسَالة التي أدَّاهَا ذلك الرَّسُولُ ما زالت السِّراج المُنير مُدَّةَ اثني عشر قرناً، لنحو مائتي مليون من الناس أمثالنا، خلقهم اللهُ الذي خلقنا، (وقت كتابة الفيلسوف توماس كارليل لهذا الكتاب)، إقرأ بقية كتاب الفيلسوف توماس كارليل عن سيدنا محمد -صلى الله عليه وسلم-، على هذا الرابط: محمد بن عبد الله -صلى الله عليه وسلم-.

يقول المستشرق الإسباني جان ليك في كتاب (العرب): "لا يمكن أن توصف حياة محمد بأحسن مما وصفها الله بقوله: (وَمَا أَرْسَلْنَاكَ إِلَّا رَحْمَةً لِّلْعَالَمِين) فكان محمدٌ رحمة حقيقية، وإني أصلي عليه بلهفة وشوق".
فَضَّلَ اللهُ مِصْرَ على سائر البُلدان، كما فَضَّلَ بعض الناس على بعض والأيام والليالي بعضها على بعض، والفضلُ على ضربين: في دِينٍ أو دُنْيَا، أو فيهما جميعاً، وقد فَضَّلَ اللهُ مِصْرَ وشَهِدَ لها في كتابهِ بالكَرَمِ وعِظَم المَنزلة وذَكَرَهَا باسمها وخَصَّهَا دُونَ غيرها، وكَرَّرَ ذِكْرَهَا، وأبَانَ فضلها في آياتٍ تُتْلَى من القرآن العظيم.
المهندس حسن فتحي فيلسوف العمارة ومهندس الفقراء: هو معماري مصري بارز، من مواليد مدينة الأسكندرية، وتخرَّجَ من المُهندس خانة بجامعة فؤاد الأول، اشْتُهِرَ بطرازهِ المعماري الفريد الذي استمَدَّ مَصَادِرَهُ مِنَ العِمَارَةِ الريفية النوبية المَبنية بالطوب اللبن، ومن البيوت والقصور بالقاهرة القديمة في العصرين المملوكي والعُثماني.
رُبَّ ضَارَّةٍ نَافِعَةٍ.. فوائدُ فيروس كورونا غير المتوقعة للبشرية أنَّه لم يكن يَخطرُ على بال أحَدِنَا منذ أن ظهر وباء فيروس كورونا المُستجد، أنْ يكونَ لهذه الجائحة فوائدُ وإيجابيات ملموسة أفادَت كوكب الأرض.. فكيف حدث ذلك؟!...
تخليص الإبريز في تلخيص باريز: هو الكتاب الذي ألّفَهُ الشيخ "رفاعة رافع الطهطاوي" رائد التنوير في العصر الحديث كما يُلَقَّب، ويُمَثِّلُ هذا الكتاب علامة بارزة من علامات التاريخ الثقافي المصري والعربي الحديث.
الشيخ علي الجرجاوي (رحمه الله) قَامَ برحلةٍ إلى اليابان العام 1906م لحُضُورِ مؤتمر الأديان بطوكيو، الذي دعا إليه الإمبراطور الياباني عُلَمَاءَ الأديان لعرض عقائد دينهم على الشعب الياباني، وقد أنفق على رحلته الشَّاقَّةِ من مَالِهِ الخاص، وكان رُكُوبُ البحر وسيلته؛ مِمَّا أتَاحَ لَهُ مُشَاهَدَةَ العَدِيدِ مِنَ المُدُنِ السَّاحِلِيَّةِ في أنحاء العالم، ويُعَدُّ أوَّلَ دَاعِيَةٍ للإسلام في بلاد اليابان في العصر الحديث.

أحْـلامٌ مِـنْ أبِـي (باراك أوباما) ***

 

 Taa-Haa - Al-Anbiyaa - Al-Hajj - Al-Muminoon

اذهب الى الأسفل 
كاتب الموضوعرسالة
أحمد محمد لبن Ahmad.M.Lbn
مؤسس ومدير المنتدى
أحمد محمد لبن Ahmad.M.Lbn


عدد المساهمات : 52644
العمر : 72

Taa-Haa - Al-Anbiyaa - Al-Hajj - Al-Muminoon Empty
مُساهمةموضوع: Taa-Haa - Al-Anbiyaa - Al-Hajj - Al-Muminoon   Taa-Haa - Al-Anbiyaa - Al-Hajj - Al-Muminoon Emptyالسبت 05 نوفمبر 2022, 1:11 pm

20 - Taa-Haa
Sa ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang Maawain.
(1) Ṭā. Hā.
(2) Hindi Kami nagpababa sa iyo ng Qur'ān upang lumumbay ka,
(3) malibang bilang pagpapaalaala para sa sinumang natatakot,
(4) isang pagbababa [ng kasi] mula sa lumikha ng lupa at mga langit na pinakamatataas.
(5) Ang Napakamaawain ay sa trono lumuklok.
(6) Sa Kanya ang anumang nasa mga langit, ang anumang nasa lupa, ang anumang nasa pagitan ng mga ito, at ang anumang nasa ilalim ng alabok.
(7) Kung maglalantad ka ng sasabihin, tunay na Siya ay nakaaalam sa lihim at sa higit na kubli.
(8) Si Allāh ay walang Diyos kundi Siya. Ukol sa Kanya ang mga pangalang pinakamagaganda.
(9) Nakarating kaya sa iyo ang sanaysay kay Moises?
(10) Noong nakakita siya ng isang apoy ay nagsabi siya sa mag-anak niya: "Mamalagi kayo; tunay na ako ay nakatanaw ng isang apoy. Harinawa ako ay makapaghahatid sa inyo mula roon ng isang pamparikit o makatagpo ako sa apoy ng isang patnubay."
(11) Kaya noong nakapunta siya roon ay tinawag siya: "O Moises,
(12) tunay na Ako ay ang Panginoon mo. Kaya maghubad ka ng mga panyapak mo; tunay na ikaw ay nasa pinabanal na lambak ng Ṭuwā.
(13) Ako ay pumili sa iyo kaya makinig ka sa ikakasi:
(14) Tunay na Ako ay si Allāh; walang Diyos kundi Ako, kaya sumamba ka sa Akin at magpanatili ka sa pagdarasal para sa pag-alaala sa Akin.
(15) Tunay na ang Huling Sandali ay darating. Halos ako ay magkubli nito upang gantimpalaan ang bawat kaluluwa sa anumang ipinagpunyagi nito.
(16) Kaya huwag ngang bumalakid sa iyo palayo roon ang sinumang hindi sumasampalataya roon at sumunod sa pithaya niya para [hindi] ka mapahamak.
(17) Ano yaong nasa kanang kamay mo, O Moises?"
(18) Nagsabi ito: "Ito ay tungkod ko; sumasandal ako rito at nagpapalagas ako [ng mga dahon] sa pamamagitan nito para sa mga tupa ko. Mayroon ako ritong mga pinaggagamitang iba pa."
(19) Nagsabi Siya: "Ihagis mo iyan, O Moises."
(20) Kaya inihagis nito iyon saka biglang iyon ay naging isang ahas na sumisibad.
(21) Nagsabi Siya: "Kunin mo iyan at huwag kang mangamba; magpapanumbalik Kami riyan sa unang lagay niyan.
(22) Idikit mo ang kamay mo sa tagiliran mo, lalabas itong maputi na walang batik bilang isa pang tanda,
(23) upang magpakita Kami sa iyo ng ilan sa mga tanda Naming pinakamalalaki.
(24) Pumunta ka kay Paraon; tunay na siya ay nagpakalabis."
(25) Nagsabi ito: "Panginoon ko, magpaluwag Ka para sa akin ng dibdib ko; 



Taa-Haa - Al-Anbiyaa - Al-Hajj - Al-Muminoon 2013_110


عدل سابقا من قبل أحمد محمد لبن Ahmad.M.Lbn في الأربعاء 09 نوفمبر 2022, 7:00 am عدل 2 مرات
الرجوع الى أعلى الصفحة اذهب الى الأسفل
https://almomenoon1.0wn0.com/
أحمد محمد لبن Ahmad.M.Lbn
مؤسس ومدير المنتدى
أحمد محمد لبن Ahmad.M.Lbn


عدد المساهمات : 52644
العمر : 72

Taa-Haa - Al-Anbiyaa - Al-Hajj - Al-Muminoon Empty
مُساهمةموضوع: رد: Taa-Haa - Al-Anbiyaa - Al-Hajj - Al-Muminoon   Taa-Haa - Al-Anbiyaa - Al-Hajj - Al-Muminoon Emptyالسبت 05 نوفمبر 2022, 1:12 pm


(26) magpadali Ka para sa akin ng nauukol sa akin;
(27) magkalag Ka ng buhol mula sa dila ko,
(28) makauunawa sila sa sasabihin ko;
(29) gumawa Ka para sa akin ng isang katuwang mula sa mag-anak ko,
(30) si Aaron na kapatid ko;
(31) magpatindi Ka sa pamamagitan niya ng lakas ko;
(32) at magpalahok Ka sa kanya sa nauukol sa akin
(33) upang magluwalhati kami sa Iyo nang madalas
(34) at umalaala kami sa Iyo nang madalas.
(35) Tunay na Ikaw, laging sa amin, ay Nakakikita."
(36) Nagsabi Siya: "Binigyan ka nga ng hiling mo, O Moises.
(37) Talaga ngang nagmagandang-loob Kami sa iyo sa isa pang pagkakataon,
(38) noong nagkasi Kami sa ina mo ng ikinakasi,
(39) na [nagsasabi]: 'Maghagis ka sa kanya sa baul saka maghagis ka nito sa ilog saka magtapon nito ang ilog sa pampang, kukunin siya ng isang kaaway para sa Akin at isang kaaway para sa kanya.' Nag-ukol Ako sa iyo ng isang pag-ibig mula sa Akin at upang mahubog ka sa ilalim ng mata Ko."
(40) [Nagmagandang-loob sa iyo] noong pumunta ang babaing kapatid mo saka nagsabi: "Gagabay po kaya ako sa inyo sa mag-aaruga sa kanya?" Kaya nagpabalik Kami sa iyo sa ina mo upang magalak ang mata nito at hindi ito malungkot. Pumatay ka ng isang tao ngunit nagligtas Kami sa iyo mula sa dalamhati at sumubok Kami sa iyo ng isang pagsubok saka namalagi ka ng mga taon sa mga mamamayan ng Madyan. Pagkatapos dumating ka [rito] sa takdang [panahon], O Moises.
(41) Humalal Ako sa iyo para sa sarili Ko.
(42) Pumunta ka mismo at ang kapatid mo kalakip ng mga tanda Ko at huwag kayong dalawang lumubay sa pag-alaala sa Akin.
(43) Pumunta kayong dalawa kay Paraon; tunay na siya ay nagmalabis.
(44) Saka magsabi kayong dalawa sa kanya ng isang pagsasabing banayad nang sa gayon siya ay magsasaalaala o matatakot.
(45) Nagsabi silang dalawa: "Panginoon namin, tunay na kami ay nangangamba na magdali-dali siya [sa pagpaparusa] sa amin o magmalabis siya."
(46) Nagsabi Siya: "Huwag kayong dalawang mangamba. Tunay na Ako ay kasama sa inyong dalawa; nakaririnig Ako at nakakikita Ako.
(47) Kaya pumunta kayong dalawa sa kanya saka magsabi kayong dalawa sa kanya: 'Tunay na kami ay dalawang sugo ng Panginoon mo kaya ipadala mo kasama sa amin ang mga anak ni Israel at huwag mo silang pagdusahin. Naghatid nga kami sa iyo ng isang tanda mula sa Panginoon mo. Ang kapayapaan ay sa sinumang sumunod sa patnubay.
(48) Tunay na kami ay kinasihan nga na ang pagdurusa ay sa sinumang nagpasinungaling at tumalikod."
(49) Nagsabi ito: "Kaya sino ang Panginoon ninyong dalawa, O Moises?"
(50) Nagsabi siya: "Ang Panginoon namin ay ang nagbigay sa bawat bagay ng kaanyuan nito, pagkatapos nagpatnubay." 



Taa-Haa - Al-Anbiyaa - Al-Hajj - Al-Muminoon 2013_110
الرجوع الى أعلى الصفحة اذهب الى الأسفل
https://almomenoon1.0wn0.com/
أحمد محمد لبن Ahmad.M.Lbn
مؤسس ومدير المنتدى
أحمد محمد لبن Ahmad.M.Lbn


عدد المساهمات : 52644
العمر : 72

Taa-Haa - Al-Anbiyaa - Al-Hajj - Al-Muminoon Empty
مُساهمةموضوع: رد: Taa-Haa - Al-Anbiyaa - Al-Hajj - Al-Muminoon   Taa-Haa - Al-Anbiyaa - Al-Hajj - Al-Muminoon Emptyالسبت 05 نوفمبر 2022, 1:12 pm


(51) Nagsabi ito: "Kaya paano naman ang lagay ng mga salinlahing una?"
(52) Nagsabi siya: "Ang kaalaman doon ay nasa ganang Panginoon ko sa isang talaan. Hindi naliligaw ang Panginoon ko at hindi Siya nakalilimot.
(53) [Siya] ang gumawa para sa inyo ng lupa bilang nakalatag, nagsingit para sa inyo rito ng mga landas, at nagpababa mula sa langit ng tubig." Kaya nagpalabas sa pamamagitan nito ng mga kaurian ng halamang sarisari.
(54) Kumain kayo at magpastol kayo ng mga hayupan ninyo. Tunay na sa gayon ay talagang may mga tanda para sa mga may katinuan.
(55) Mula rito lumikha Kami sa inyo, dito magpapanumbalik Kami sa inyo, at mula rito magpapalabas Kami sa inyo sa isang pagkakataong iba pa.
(56) Talaga ngang nagpakita Kami sa kanya ng mga tanda Namin sa kabuuan ng mga ito ngunit nagpasinungaling siya at tumanggi siya.
(57) Nagsabi ito: "Dumating ka ba sa amin upang magpalabas ka sa amin mula sa lupain namin sa pamamagitan ng panggagaway mo, O Moises?
(58) Kaya talagang magdadala nga kami sa iyo ng isang panggagaway tulad niyon. Kaya gumawa ka sa pagitan namin at ninyo ng isang tipanang hindi sisira niyon kami ni kayo sa isang pook na kalagitnaan."
(59) Nagsabi siya: "Ang tipanan ninyo ay ang araw ng gayak at na kalapin ang mga tao sa gitnang-umaga."
(60) Kaya tumalikod si Paraon saka bumuo ito ng pakana nito, pagkatapos pumunta ito.
(61) Nagsabi sa kanila si Moises: "Kapighatian sa inyo! Huwag kayong gumawa-gawa laban kay Allāh ng isang kasinungalingan sapagkat pupuksa Siya sa inyo sa pamamagitan ng isang pagdurusa. Nabigo nga ang sinumang gumawa-gawa."
(62) Kaya naghidwaan sila sa nauukol sa kanila sa pagitan nila at naglihim sila ng sarilinang pag-uusap.
(63) Nagsabi sila: "Tunay na ang dalawang ito ay talagang dalawang manggagaway na nagnanais na magpalabas sa inyo mula sa lupain ninyo sa pamamagitan ng panggagaway nilang dalawa at mag-alis sa pamamaraan ninyong pinakauliran.
(64) Kaya magkaisa kayo sa pakana ninyo, pagkatapos pumunta kayo nang pahanay. Nagtagumpay nga sa araw na ito ang nangibabaw."
(65) Nagsabi sila: "O Moises, maaaring pumukol ka o maaaring maging kami ang una sa pupukol."
(66) Nagsabi siya: "Bagkus pumukol kayo." Kaya biglang ang mga lubid nila at ang mga tungkod nila ay ginuniguni sa kanya, dahil sa panggagaway nila, na ang mga ito ay sumisibad.
(67) Kaya nakadama sa sarili niya ng isang pangangamba si Moises.
(68) Nagsabi Kami: "Huwag kang mangamba; tunay na ikaw ay ang pinakamataas."
(69) Magpukol ka ng nasa kanang kamay mo, lalamon ito sa niyari nila. Yumari lamang sila ng isang pakana ng isang manggagaway at hindi nagtatagumpay ang manggagaway saanman siya pumunta.
(70) Kaya napahandusay ang mga manggagaway na mga nakapatirapa. Nagsabi sila: "Sumampalataya kami sa Panginoon nina Aaron at Moises."
(71) Nagsabi ito: "Naniwala kayo sa kanya bago ako magpahintulot sa inyo. Tunay na siya ay talagang ang pasimuno ninyo na nagturo sa inyo ng panggagaway. Kaya talagang magpuputul-putol nga ako ng mga kamay ninyo at mga paa ninyo nang kabilaan, talagang magbibitin nga ako sa inyo sa mga puno ng mga datiles, at talagang makaaalam nga kayo kung alin sa atin ang higit na matindi sa [pagdudulot ng] pagdurusa at higit na nananatili."
(72) Nagsabi sila: "Hindi kami magtatangi sa iyo higit sa dumating sa amin na mga malinaw na patunay at [higit] sa lumalang sa amin. Kaya magtadhana ka ng anumang ikaw ay magtatadhana. Nagtatadhana ka lamang sa buhay na ito sa Mundo.
(73) Tunay na kami ay sumampalataya sa Panginoon namin upang magpatawad Siya sa amin sa mga kamalian namin at sa ipinilit mo sa amin na panggagaway. Si Allāh ay higit na mabuti at higit na nananatili."
(74) Tunay na ang sinumang pumunta sa Panginoon niya bilang salarin, tunay na ukol sa kanya ay Impiyerno. Hindi siya mamamatay roon at hindi mabubuhay.
(75) Ang sinumang pumunta sa Kanya bilang mananampalataya ay gumawa nga ng mga maayos na gawa. Kaya ang mga iyon ay ukol sa kanila ang mga antas na pinakamatataas: 



Taa-Haa - Al-Anbiyaa - Al-Hajj - Al-Muminoon 2013_110
الرجوع الى أعلى الصفحة اذهب الى الأسفل
https://almomenoon1.0wn0.com/
أحمد محمد لبن Ahmad.M.Lbn
مؤسس ومدير المنتدى
أحمد محمد لبن Ahmad.M.Lbn


عدد المساهمات : 52644
العمر : 72

Taa-Haa - Al-Anbiyaa - Al-Hajj - Al-Muminoon Empty
مُساهمةموضوع: رد: Taa-Haa - Al-Anbiyaa - Al-Hajj - Al-Muminoon   Taa-Haa - Al-Anbiyaa - Al-Hajj - Al-Muminoon Emptyالسبت 05 نوفمبر 2022, 1:13 pm


(76) ang mga hardin ng Eden na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog bilang mga mananatili sa mga ito. Iyon ay ang ganti sa sinumang nagpakadalisay.
(77) Talaga ngang nagkasi Kami kay Moises, na [nagsasabi]: "Maglakbay ka sa gabi kasama ng mga lingkod ko saka gumawa ka para sa kanila ng isang tuyong daan sa dagat; huwag kang mangamba sa pagkaabot at huwag kang matakot."
(78) Kaya nagpasunod sa kanila si Paraon ng mga kawal niya saka bumalot sa kanila mula sa dagat ang bumalot sa kanila.
(79) Nagligaw si Paraon sa mga tao niya at hindi nagpatnubay.
(80) O mga anak ni Israel, nagligtas nga Kami sa inyo mula sa kaaway ninyo, nakipagtipan Kami sa inyo sa kanang gilid ng bundok, at nagbaba Kami sa inyo ng manna at pugo.
(81) Kumain kayo mula sa mga kaaya-aya na itinustos Namin sa inyo at huwag kayong magmalabis dito para [hindi] dumapo sa inyo ang galit Ko. Ang sinumang dumapo sa kanya ang galit Ko ay napariwara nga.
(82) Tunay na Ako ay talagang Palapatawad para sa sinumang nagbalik-loob, sumampalataya, at gumawa ng maayos, pagkatapos napatnubayan.
(83) Ano ang nagpamadali sa iyo palayo sa mga tao mo, O Moises?
(84) Nagsabi ito: "Sila itong nasa bakas ko at nagmadali ako tungo sa iyo, Panginoon ko, upang malugod Ka."
(85) Nagsabi Siya: "Ngunit tunay na Kami ay sumulit nga sa mga tao mo noong matapos mo, at nagligaw sa kanila ang Sāmirīy."
(86) Kaya bumalik si Moises sa mga tao niya na galit na naghihinagpis. Nagsabi ito: "O mga tao ko, hindi ba nangako sa inyo ang Panginoon ninyo ng isang pangakong maganda? Kaya tumagal ba sa inyo ang panahon o nagnais kayo na may dumapo sa inyo na isang galit mula sa Panginoon ninyo kaya sumira kayo sa naipangako sa akin?"
(87) Nagsabi sila: "Hindi kami sumira sa ipinangako sa iyo dahil sa pagkukusa namin subalit kami ay pinagdala ng mga pasanin mula sa mga gayak ng mga tao kaya itinapon namin ang mga ito [sa isang hukay] saka gayon pumukol ang Sāmirīy."
(88) Saka nagpalabas siya para sa kanila ng isang guyang rebulto na mayroon itong pag-unga saka nagsabi sila: "Ito ay diyos ninyo at diyos ni Moises, ngunit nakalimot siya."
(89) Kaya hindi ba sila nakakikita na hindi ito nagbabalik sa kanila ng isang pagsasabi at hindi nakapagdudulot para sa kanila ng isang pinsala ni isang pakinabang?
(90) Talaga ngang nagsabi sa kanila si Aaron bago pa niyan: "O mga tao ko, sinulit lamang kayo sa pamamagitan nito. Tunay na ang Panginoon ninyo ay ang Napakamaawain kaya sumunod kayo sa akin at tumalima kayo sa utos ko."
(91) Nagsabi sila: "Hindi kami hihinto rito bilang mga namimintuho hanggang sa bumalik sa amin si Moises."
(92) Nagsabi siya: "O Aaron, ano ang pumigil sa iyo, noong nakakita ka sa kanila na naligaw,
(93) na hindi ka sumunod sa akin? Kaya sumuway ka ba sa utos ko?"
(94) Nagsabi ito: "O anak ng ina ko, huwag kang dumaklot sa balbas ko ni sa ulo ko. Tunay na ako ay natakot na magsabi ka: 'Naghati-hati ka sa pagitan ng mga anak ni Israel at hindi ka nag-abang sa sasabihin ko.'"
(95) Nagsabi siya: "Kaya ano ang pakay mo, O Sāmirīy?"
(96) Nagsabi ito: "Nakakita ako ng hindi nila nakita kaya dumakot ako ng isang dakot mula sa bakas ng sugo at ihinagis ko iyon. Gayon humalina sa akin ang sarili ko."
(97) Nagsabi siya: "Kaya umalis ka sapagkat tunay na ukol sa iyo sa buhay na magsabi ka: 'Walang pananaling!' Tunay na ukol sa iyo ay isang ipinangako na hindi sisirain sa iyo. Tumingin ka sa diyos mo na namalagi ka riyan bilang namimintuho, talagang susunugin nga namin iyan, pagkatapos talagang isasabog nga namin iyan sa dagat sa isang pagsasabog.
(98) Tanging ang Diyos ninyo ay si Allāh na walang Diyos kundi Siya. Sumakop Siya sa bawat bagay sa kaalaman.
(99) Gayon Kami nagsasalaysay sa iyo ng ilan sa mga balita ng nauna na. Nagbigay nga Kami mula sa nasa Amin ng isang paalaala.
(100) Ang sinumang umayaw rito, tunay na siya ay magpapasan sa Araw ng Pagbangon ng isang pabigat, 



Taa-Haa - Al-Anbiyaa - Al-Hajj - Al-Muminoon 2013_110
الرجوع الى أعلى الصفحة اذهب الى الأسفل
https://almomenoon1.0wn0.com/
أحمد محمد لبن Ahmad.M.Lbn
مؤسس ومدير المنتدى
أحمد محمد لبن Ahmad.M.Lbn


عدد المساهمات : 52644
العمر : 72

Taa-Haa - Al-Anbiyaa - Al-Hajj - Al-Muminoon Empty
مُساهمةموضوع: رد: Taa-Haa - Al-Anbiyaa - Al-Hajj - Al-Muminoon   Taa-Haa - Al-Anbiyaa - Al-Hajj - Al-Muminoon Emptyالسبت 05 نوفمبر 2022, 1:13 pm


(101) bilang mga mananatili roon. Kay sagwa ito sa para sa kanila sa Araw ng Pagbangon bilang pasanin!
(102) Sa Araw na iihip sa tambuli at kakalap Kami sa mga salarin sa Araw na iyon habang [may matang] bughaw.
(103) Magbubulungan sila sa gitna nila: "Hindi kayo namalagi kundi nang sampung [gabi]."
(104) Kami ay higit na maalam sa sinasabi nila noong nagsasabi ang pinakamagaling sa kanila sa pamamaraan: "Hindi kayo namalagi kundi nang isang araw."
(105) Nagtatanong sila sa iyo tungkol sa mga bundok kaya sabihin mo: "Isasabog ang mga ito ng Panginoon ko sa isang pagsasabog.
(106) Hahayaan Niya ang mga ito na maging kapatagang pantay.
(107) Hindi ka makakikita roon ng isang lubak ni isang umbok."
(108) Sa Araw na iyon susundan nila ang tagapag-anyaya nang walang paglihis sa kanya at magpapakumbaba ang mga tinig para sa Napakamaawain kaya wala kang maririnig kundi isang bulong.
(109) Sa Araw na iyon ay hindi magpapakinabang ang pamamagitan maliban sa sinumang nagpahintulot doon ang Napakamaawain at nalugod Siya roon sa sinasabi.
(110) Nakaaalam Siya sa anumang nasa pagitan ng mga kamay nila at anumang nasa likuran nila habang hindi sila nakasasaklaw sa Kanya sa kaalaman.
(111) Nagpakumbaba ang mga mukha sa Buhay na Mapagpanatili samantalang nabigo nga ang sinumang nagpasan ng isang kawalang-katarungan.
(112) Ang sinumang gumagawa ng ilan sa mga maayos samantalang siya ay mananampalataya, hindi siya mangangamba sa isang kawalang-katarungan ni isang pang-aapi.
(113) Gayon Kami nagpababa ng isang Qur'ān na Arabe at nagdetalye Kami rito ng banta nang sa gayon sila ay mangingilag magkasala o magsasanhi ito sa kanila ng isang pag-aalaala.
(114) Kaya pagkataas-taas si Allāh, ang Haring Totoo. Huwag kang magmadali sa pagbigkas ng Qur'ān bago pa matapos sa iyo ang pagkasi nito at magsabi ka: "Panginoon ko magdagdag Ka sa akin ng kaalaman."
(115) Talaga ngang naghabilin Kami kay Adan bago pa niyan ngunit nakalimot siya at hindi Kami nakatagpo sa kanya ng pagtitika.
(116) [Banggitin] noong nagsabi Kami sa mga anghel: "Magpatirapa kayo kay Adan," kaya nagpatirapa naman sila maliban si Satanas; tumanggi ito.
(117) Kaya nagsabi Kami: "O Adan, tunay na ito ay isang kaaway para sa iyo at para sa asawa mo; kaya huwag nga siyang magpapalabas sa inyong dalawa mula sa hardin para malumbay ka."
(118) Tunay na ukol sa iyo na hindi ka magutom dito at hindi ka maghubad,
(119) at na ikaw ay hindi mauuhaw rito at hindi mainitan.
(120) Ngunit nagpasaring sa kanya ang demonyo. Nagsabi ito: "O Adan, gagabay kaya ako sa iyo sa Punong-kahoy ng Kawalang-hanggan at isang kahariang hindi nalalaspag?"
(121) Kaya kumain silang dalawa mula roon, saka lumitaw sa kanilang dalawa ang kahubaran nilang dalawa. Nagsimula silang dalawa na nagtatakip sa kanilang dalawa ng mga dahon ng hardin. Sumuway si Adan sa Panginoon niya kaya nalisya siya.
(122) Pagkatapos humalal sa kanya ang Panginoon niya saka tumatanggap sa pagbabalik-loob niya at nagpatnubay.
(123) Nagsabi Siya: "Lumapag kayong dalawa mula rito sa kalahatan. Ang iba sa inyo sa iba pa ay kaaway. Kaya kung may pumunta nga sa inyo mula sa Akin na isang patnubay, ang sinumang sumunod sa patnubay Ko ay hindi maliligaw at hindi malulumbay."
(124) Ang sinumang umayaw sa pag-aalaala sa Akin, tunay na ukol sa kanya ay isang pamumuhay na hikahos. Kakalap Kami sa kanya sa Araw ng Pagbangon na isang bulag.
(125) Magsasabi ito: "Panginoon ko, bakit Ka kumalap sa akin na isang bulag samantalang ako nga dati ay isang nakakikita?"
(126) Magsasabi Siya: "Gayon pumunta sa iyo ang mga tanda Namin saka lumimot ka sa mga iyon. Gayon ngayong Araw lilimutin ka."
(127) Gayon Kami gaganti sa sinumang nagpakalabis at hindi sumampalataya sa mga tanda ng Panginoon niya. Talagang ang pagdurusa sa Kabilang-buhay ay higit na matindi at higit na nananatili.
(128) Kaya hindi ba napaglinawan para sa kanila kung ilan ang ipinahamak Namin bago nila na mga salinlahi habang naglalakad ang mga iyon sa mga tirahan ng mga iyon? Tunay na sa gayon ay talagang may mga tanda para sa mga may katinuan.
(129) Kung hindi dahil sa isang salitang nauna mula sa Panginoon mo, talaga sanang ito ay naging kinakailangan, at [kung hindi rin dahil sa] isang taning na tinukoy.
(130) Kaya magtiis ka sa anumang sinasabi nila at magluwalhati ka kalakip ng papuri sa Panginoon mo bago ng pagsikat ng araw at bago ng paglubog nito; at mula sa mga bahagi ng gabi ay magluwalhati ka at sa mga dulo ng maghapon, nang sa gayon ikaw ay malulugod.
(131) Huwag ka ngang magpaabot ng mga mata tungo sa ipinatamasa Namin sa mga kaurian kabilang sa kanila bilang karangyaan ng buhay na pangmundo upang sumulit Kami sa kanila roon. Ang panustos ng Panginoon mo ay higit na mabuti at higit na nananatili.
(132) Mag-utos ka sa mag-anak mo ng pagdarasal at magpakamatiisin ka rito. Hindi Kami humihingi sa iyo ng isang panustos; Kami ay tumutustos sa iyo. Ang [pinapupurihang] kahihinatnan ay ukol sa [mga may] pangingilag magkasala.
(133) Nagsabi sila: "Bakit kaya hindi siya nagdala sa atin ng isang tanda mula sa Panginoon niya? Hindi ba pumunta sa kanila ang malinaw na patunay ng nasa mga unang kalatas?"
(134) Kung sakaling Kami ay nagpahamak sa kanila sa pamamagitan ng isang pagdurusa bago pa niya ay talagang magsasabi sila: "Panginoon namin, bakit kaya hindi Ka nagsugo sa amin ng isang sugo para sumunod kami sa mga tanda Mo bago pa na maaba kami at mapahiya kami?"
(135) Sabihin mo: "Bawat [isa] ay nag-aantabay; kaya mag-antabay kayo sapagkat makaaalam kayo kung sino ang mga kasamahan sa landasing matuwid at kung sino ang napatnubayan."







21 - Al-Anbiyaa
Sa ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang Maawain.
(1) Nalapit para sa mga tao ang pagtutuos sa kanila habang sila ay nasa isang pagkalingat na mga umaayaw.
(2) Walang pumupunta sa kanila na isang paalaala mula sa Panginoon nila, na bagong ipinababa, malibang nakikinig sila rito habang sila ay naglalaro,
(3) habang nalilibang ang mga puso nila. Naglihim ng pagtatapatan ang mga lumabag sa katarungan: "Ito kaya ay maliban pa sa isang taong tulad ninyo? Kaya pupunta ba kayo sa panggagaway samantalang kayo ay nakikita?"
(4) Nagsabi siya: "Ang Panginoon ko ay nakaaalam sa sinasabi sa langit at lupa at Siya ay ang Madinigin, ang Maalam."
(5) Bagkus nagsabi sila: "Mga pagkakalahuk-lahok ng maling panaginip [ito]; bagkus ginawa-gawa niya ito; bagkus siya ay isang manunula. Kaya magdala siya sa atin ng isang tanda kung paanong isinugo ang mga sinauna."
(6) Walang sumampalataya bago nila na isang pamayanan na ipinahamak Namin. Kaya sila ba ay sasampalataya?
(7) Hindi Kami nagsugo bago mo kundi ng mga lalaking nagkakasi Kami sa kanila. Kaya magtanong kayo sa mga may paalaala kung kayo ay hindi nakaaalam.
(8) Hindi Kami gumawa sa kanila bilang [mga may] katawang hindi kumakain ng pagkain at hindi sila naging mga pinanatiling-buhay.
(9) Pagkatapos tumupad Kami sa kanila ng pangako, saka nagligtas Kami sa kanila at sa sinumang niloob Namin at nagpahamak Kami sa ang mga nagpapakalabis.
(10) Talaga ngang nagpababa Kami sa inyo ng isang Aklat na narito ang pagbanggit sa inyo. Kaya hindi ba kayo nakapag-uunawa?
(11) Kay rami ang winasak Namin na pamayanan na ito noon ay tagalabag sa katarungan at pinaluwal Namin matapos nito na mga taong iba pa.
(12) Kaya noong nakadama sila ng parusa Namin, biglang sila mula roon ay tumatakas.
(13) [Sinabi:] "Huwag kayong tumakbo at bumalik kayo sa pinaluho kayo roon at sa mga tirahan ninyo nang sa gayon kayo ay tatanungin."
(14) Magsasabi sila: "O kapighatian sa amin; tunay na kami noon ay mga tagalabag sa katarungan."
(15) Saka hindi natigil na iyon ay panawagan nila hanggang sa gumawa Kami sa kanila bilang ginapas na mga nalipol.
(16) Hindi Kami lumikha ng langit at lupa at anumang nasa pagitan ng dalawang ito bilang naglalaro.
(17) Kung sakaling nagnais Kami na gumawa ng isang paglilibang ay talaga sanang gumawa Kami nito mula sa nasa Amin, kung Kami ay gagawa [nito].
(18) Bagkus nagbabalibag Kami ng katotohanan sa kabulaanan kaya dumudurog ito niyon saka biglaang iyon ay pumaparam. Ukol sa inyo ang kapighatian mula sa inilalarawan ninyo.
(19) Sa Kanya ang sinumang nasa mga langit at lupa. Ang mga nasa piling Niya ay hindi nagmamalaki palayo sa pagsamba sa Kanya at hindi sila napapagal.
(20) Nagluluwalhati sila sa araw at gabi; hindi sila nananamlay.
(21) O gumawa ba sila ng mga diyos mula sa lupa, na ang mga ito ay nagpapabuhay [ng mga patay]?
(22) Kung sakaling sa mga [langit at lupa na] ito ay may mga diyos maliban kay Allāh, talaga sanang nasira ang mga ito. Kaya kaluwalhatian kay Allāh, ang Panginoon ng Trono, higit sa mga inilalarawan nila.
(23) Hindi Siya tinatanong tungkol sa anumang ginagawa Niya samantalang sila ay tatanungin.
(24) O gumawa ba sila sa bukod pa sa Kanya ng mga diyos? Sabihin mo: "Magbigay kayo ng patunay ninyo." Ito ay paalaala sa sinumang kasama sa akin at paalaala sa sinumang bago ko pa. Bagkus ang higit na marami sa kanila ay hindi nakaaalam sa katotohanan, kaya sila ay mga tagaayaw."
(25) Hindi Kami nagsugo bago mo pa ng anumang sugo malibang nagkakasi Kami sa kanya na walang Diyos kundi Ako kaya sumamba kayo sa Akin.
(26) Nagsabi sila: "Gumawa ang Napakamaawain ng anak." Kaluwalhatian sa Kanya; bagkus mga lingkod na pinarangalan [sila].
(27) Hindi sila nakauuna sa Kanya sa pagsabi samantalang sila sa utos Niya ay gumagawa.
(28) Nakaaalam Siya sa anumang nasa pagitan ng mga kamay nila at anumang nasa likuran nila. Hindi sila nakapamamagitan maliban para sa sinumang kinalugdan Niya. Sila, dahil sa takot sa Kanya, ay mga nababagabag.
(29) Ang sinumang nagsasabi kabilang sa kanila: "Tunay na ako ay diyos bukod pa sa Kanya," iyon ay gagantihan Namin ng Impiyerno. Gayon Kami gaganti sa mga tagalabag sa katarungan.
(30) Hindi ba nakaalam ang mga tumangging sumampalataya na ang mga langit at ang lupa dati ay magkasanib, saka nagpawatak-watak Kami sa mga ito? Gumawa Kami mula sa tubig ng bawat bagay na buhay. Kaya hindi ba sila sumasampalataya?
(31) Gumawa Kami sa lupa ng mga matatag na bundok upang [hindi] gumalaw-galaw ang mga ito sa kanila at gumawa Kami rito ng mga daanang maluwang bilang mga landas nang sa gayon sila ay mapapatnubayan.
(32) Gumawa Kami ng langit bilang bubong na pinangangalagaan, samantalang sila, sa mga tanda nito, ay mga tagaayaw.
(33) Siya ay ang lumikha ng gabi at maghapon at ng araw at buwan; lahat sa isang ligiran ay lumalangoy.
(34) Hindi Kami gumawa para sa isang tao bago mo pa ng kawalang-hanggan. Kaya ba kung namatay ka, sila ay ang mga mananatili?
(35) Bawat kaluluwa ay lalasap ng kamatayan. Susubok Kami sa inyo sa pamamagitan ng kasamaan at kabutihan bilang tukso. Tungo sa Amin pababalikin kayo.
(36) Kapag nakita ka ng mga tumangging sumampalataya ay wala silang ginagawa sa iyo kundi isang pangungutya, [na nagsasabi]: "Ito ba ang bumabanggit sa mga diyos ninyo?" samantalang sila, sa pagbanggit sa Napakamaawain, sila ay mga tagatangging sumampalataya.
(37) Nilikha ang tao mula sa isang pagmamadali. Magpapakita Ako sa inyo ng mga tanda Ko kaya huwag kayong magmadali sa Akin.
(38) Nagsasabi sila: "Kailan ang pangakong ito kung kayo ay mga tapat?"
(39) Kung sakaling nakaaalam ang mga tumangging sumampalataya kapag hindi sila nakapipigil palayo sa mga mukha nila ng apoy ni palayo sa mga likod nila at sila ay hindi maiaadya.
(40) Bagkus pupunta ito sa kanila nang biglaan at gugulantang ito sa kanila kaya hindi sila makakakaya sa pagtataboy nito at hindi sila palulugitan.
(41) Talaga ngang nangutya sa mga sugo bago mo pa, kaya pumaligid sa mga nanuya kabilang sa kanila ang dati nilang kinukutya.
(42) Sabihin mo: "Sino ang kakandili sa inyo sa gabi at maghapon laban sa Napakamaawain?" Bagkus sila, sa pag-aalaala sa Panginoon nila, ay mga tagaayaw.
(43) O mayroon silang mga diyos na nagtatanggol sa kanila bukod pa sa Amin? Hindi sila nakakakaya sa pag-adya sa mga sarili nila at hindi sila laban sa Amin maipagsasanggalang.
(44) Bagkus nagpaginhawa Kami sa mga ito at sa mga magulang nila hanggang sa humaba sa kanila ang buhay. Kaya hindi ba sila nakaaalam na Kami ay pumupunta sa lupa, na nagbabawas rito mula sa mga gilid nito? Kaya sila ba ang mga tagapanaig?"
(45) Sabihin mo: "Nagbibigay-babala lamang ako sa inyo sa pamamagitang ng pagkakasi." Hindi nakaririnig ang mga bingi ng panalangin kapag binigyang-babala sila."
(46) Talagang kung may sumaling sa kanila na isang singaw mula sa pagdurusang dulot ng Panginoon mo ay talagang magsasabi nga sila: "O kapighatian sa amin! Tunay na kami dati ay mga tagalabag sa katarungan."
(47) Maglalagay Kami ng mga timbangang pangmakatarungan para sa Araw ng Pagbangon, kaya hindi lalabagin sa katarungan ang isang kaluluwa sa anuman. Kung ito man ay kasimbigat ng buto ng mustasa ay magtatanghal Kami nito. Nakasapat na Kami bilang Tagapagtuos.
(48) Talaga ngang nagbigay Kami kina Moises at Aaron ng Pamantayan, isang tanglaw, at isang paalaala para sa mga tagapangilag magkasala,
(49) na natatakot sa Panginoon nila sa lingid at sila sa Huling Sandali ay mga nababagabag.
(50) Ito ay isang paalaalang pinagpala na ibinaba Namin. Kaya kayo ba rito ay mga tagapagkaila?
(51) Talaga ngang nagbigay Kami kay Abraham ng pagkagabay niya bago pa niyan. Laging Kami sa kanya ay nakaaalam.
(52) [Banggitin] noong nagsabi siya sa ama niya at mga kababayan niya: "Ano ang mga istatuwang ito na kayo sa mga ito ay mga namimintuho?"
(53) Nagsabi sila: "Nakatagpo Kami sa mga magulang namin na sa mga ito ay mga tagasamba."
(54) Nagsabi siya: "Talaga ngang kayo at ang mga ninuno ninyo ay nasa isang pagkaligaw na malinaw."
(55) Nagsabi sila: "Naghatid ka ba sa amin ng katotohanan o ikaw ay kabilang sa mga tagapaglaro?"
(56) Nagsabi siya: "Bagkus ang Panginoon ninyo ay ang Panginoon ng mga langit at lupa, na lumalang sa mga ito, at ako ayon doon ay kabilang sa mga tagasaksi.
(57) Sumpa man kay Allāh, talagang magpapakana nga ako laban sa mga anito ninyo matapos na tumalikod kayo na mga lumilisan."
(58) Kaya gumawa siya sa mga ito na mga pira-piraso maliban sa isang malaki para sa mga ito nang sa gayon sila tungo rito ay babalik.
(59) Nagsabi sila: "Sino ang gumawa nito sa mga diyos natin? Tunay na siya ay talagang kabilang sa mga tagalabag sa katarungan."
(60) Nagsabi sila: "Nakarinig kami ng isang binatang bumabanggit sa kanila, na sinasabi siyang si Abraham."
(61) Nagsabi sila: "Kaya magdala kayo sa kanya sa mga mata ng mga tao nang sa gayon sila ay sasaksi."
(62) Nagsabi sila: "Ikaw ba ay gumawa nito sa mga diyos namin, o Abraham?"
(63) Nagsabi siya: "Bagkus ginawa iyan ng malaki nilang ito kaya magtanong kayo sa kanila kung sila ay nakabibigkas."
(64) Kaya bumalik sila sa mga sarili nila saka nagsabi sila: "Tunay na kayo ay ang mga tagalabag sa katarungan."
(65) Pagkatapos nanumbalik sila sa [katigasan ng] mga ulo nila, [na nagsasabi]: "Talaga ngang nalaman mong ang mga ito ay hindi nakabibigkas."
(66) Nagsabi siya: "Kaya sumasamba ba kayo sa bukod pa kay Allāh, na hindi nagpapakinabang sa inyo ng anuman at hindi nakapipinsala sa inyo?
(67) Pagkasuya ay sa inyo at ukol sa anumang sinasamba ninyo bukod pa kay Allāh! Kaya ba hindi kayo nakapag-uunawa?"
(68) Nagsabi sila: "Sunugin ninyo siya at iadya ninyo ang mga diyos ninyo kung kayo ay mga gagawa."
(69) Nagsabi Kami: "O apoy, maging kalamigan at kaligtasan ka kay Abraham."
(70) Nagnais sila sa kanya ng isang pakana ngunit ginawa Namin silang ang mga pinakalugi.
(71) Nagligtas Kami sa kanya at kay Lot tungo sa lupaing nagpala Kami roon para sa mga nilalang.
(72) Nagkaloob Kami para sa kanya kina Isaac at Jacob bilang dagdag. Bawat isa ay ginawa Naming mga maayos.
(73) Gumawa Kami sa kanila bilang mga tagapanguna na pumapatnubay sa pamamagitan ng utos Namin. Nagkasi Kami sa kanila ng paggawa ng mga kabutihan, pagpapanatili ng dasal, at pagbibigay ng zakāh. Laging sila sa Amin ay mga tagasamba.
(74) Kay Lot ay nagbigay Kami ng isang paghahatol at isang kaalaman at nagligtas Kami sa kanya mula sa pamayanang gumagawa dati ng mga karima-rimarim. Tunay na sila noon ay mga tao ng kasagwaan, na mga suwail.
(75) Nagpapasok Kami sa kanya sa awa Namin. Tunay na siya ay kabilang sa mga maayos.
(76) [Banggitin mo] si Noe noong nanawagan siya bago pa niyan kaya tumugon Kami sa kanya saka nagligtas Kami sa kanya at sa mag-anak niya mula sa dalamhating sukdulan.
(77) Nag-adya Kami sa kanya mula sa mga taong nagpasinungaling sa mga tanda Namin. Tunay na sila noon ay mga tao ng kasagwaan kaya lumunod Kami sa kanila nang magkakasama.
(78) [Banggitin mo] sina David at Solomon noong humahatol silang dalawa kaugnay sa sakahan noong naglipana roon ang mga tupa ng mga tao [sa gabi] at laging Kami para sa paghahatol nila ay tagasaksi.
(79) Nagpaintindi Kami nito kay Solomon. Sa bawat isa ay nagbigay Kami ng isang paghahatol at isang kaalaman. Pinagsilbi Namin kasama kay David ang mga bundok, na nagluluwalhati, at ang mga ibon. Kami dati ay gumagawa [niyon].
(80) Nagturo Kami sa kanya ng pagyari ng mga kutamaya para sa inyo upang magsanggalang sa inyo laban sa digmaan ninyo, kaya kayo kaya ay mga tagapagpasalamat?
(81) [Pinaglingkod] para kay Solomon ang hangin habang umiihip, na dumadaloy ayon sa utos niya tungo sa lupaing nagpala Kami roon. Laging Kami sa bawat bagay ay nakaaalam.
(82) Mayroon sa mga demonyo na sumisisid para sa kanya at gumagawa ng gawain bukod pa roon. Laging Kami sa kanila ay tagapag-ingat.
(83) [Banggitin mo] si Job noong nanawagan siya sa Panginoon niya: "Tunay na ako ay nasaling ng kapinsalaan, at Ikaw ay ang pinakamaawain ng mga naaawa."
(84) Kaya tumugon Kami sa kanya saka pumawi Kami sa anumang taglay niya na kapinsalaan. Nagbigay Kami sa kanya ng mag-anak niya at ng tulad nila kasama sa kanila bilang awa mula sa ganang Amin at bilang paalaala sa mga tagasamba.
(85) [Banggitin mo] sina Ismael, Enoc, at Dhulkifl. Lahat ay kabilang sa mga tagapagtiis.
(86) Nagpapasok Kami sa kanila sa awa Namin. Tunay na sila ay kabilang sa mga maayos.
(87) [Banggitin mo si Jonas] na may isda noong umalis siya habang may kinagagalitan saka nagpalagay siya na hindi Kami makakakaya sa kanya, ngunit nanawagan siya sa loob ng mga kadiliman, na [nagsasabi]: "Walang Diyos kundi Ikaw. Kaluwalhatian sa Iyo! Tunay na ako dati ay kabilang sa mga tagalabag sa katarungan."
(88) Kaya tumugon Kami sa kanya. Iniligtas Namin siya mula sa hapis. Gayon Kami nagliligtas sa mga mananampalataya.
(89) [Banggitin mo] si Zacarias noong nanawagan siya sa Panginoon niya: "Panginoon ko, huwag Mo akong hayaang mag-isa. Ikaw ay ang pinakamabuti sa mga tagapagpamana."
(90) Kaya tumugon Kami sa kanya. Ipinagkaloob Namin sa kanya si Juan at pinagaling Namin para sa kanya ng maybahay niya. Tunay na sila noon ay nagmamabilis sa mga kabutihan at dumadalangin sa Amin nang may pagmimithi at pangingilabot. Sila noon sa Amin ay mga tagapagpakumbaba.
(91) [Banggitin mo] ang [babaing] nag-ingat sa kalinisang-puri niya kaya umihip Kami sa kanya mula sa espiritu Namin at gumawa Kami sa kanya at anak niya bilang tanda para sa mga nilalang.
(92) Tunay na itong kalipunan ninyo ay kalipunang nag-iisa, at Ako ay Panginoon ninyo kaya sumamba kayo sa Akin.
(93) Nagkawatak-watak sila sa lagay nila sa pagitan nila. Lahat ay tungo sa Amin mga babalik.
(94) Kaya ang sinumang gumagawa ng mga maayos habang siya ay mananampalataya, walang pagtanggi para sa pagsisikap niya. Tunay na Kami rito ay magtatala.
(95) May ipinagbabawal sa isang pamayanan na ipinahamak Namin: na sila ay hindi babalik
(96) hanggang sa kapag binuksan ang Gog at ang Magog habang sila mula sa bawat bakulod ay magmamatulin,
(97) at nalapit ang pangakong totoo ay biglang nandidilat ang mga paningin ng mga tumangging sumampalataya, [na nagsasabi]: "O kapighatian sa amin! Kami nga noon ay nasa isang pagkalingat mula rito; bagkus Kami noon ay mga tagalabag sa katarungan."
(98) Tunay na kayo at ang sinasamba ninyo bukod pa kay Allāh ay mga panggatong ng Impiyerno; kayo doon ay mga sasapit.
(99) Kung sakaling ang mga ito ay naging mga diyos, hindi sana sila sumapit doon. Lahat doon ay mga mamamalagi.
(100) Ukol sa kanila roon ay singhal at sila roon ay hindi nakaririnig.
(101) Tunay na ang mga nauna, ukol sa kanila mula sa Amin ang pinakamaganda; ang mga iyon buhat doon ay mga pinalayo.
(102) Hindi sila makaririnig ng lagaslas nito habang sila sa ninanasa ng mga sarili nila ay mga mamamalagi.
(103) Hindi magpapalungkot sa kanila ang pagkahindik na pinakamalaki at tatanggap sa kanila ang mga anghel, [na nagsasabi]: "Ito ay ang Araw ninyo na kayo noon ay pinangangakuan,
(104) sa Araw na magtutupi Kami sa langit gaya ng pagtupi ng pahina para sa mga talaan. Kung paanong nagsimula Kami ng unang paglikha ay magpapanumbalik Kami niyon, bilang pangako ukol sa Amin. Tunay na Kami ay laging magsasagawa.
(105) Talaga ngang nagsulat Kami sa Salmo noong matapos ng pagbanggit na ang lupa ay mamanahin ng mga lingkod Kong maayos.
(106) Tunay na sa [Qur’ān na] ito ay talagang may pagpapaabot para sa mga taong tagasamba.
(107) Hindi Kami nagsugo sa iyo kundi bilang awa para sa mga nilalang.
(108) Sabihin mo: "Ikinakasi sa akin na ang Diyos ninyo ay Diyos na nag-iisa lamang. Kaya kayo kaya ay mga tagapagpasakop?"
(109) Ngunit kung tumalikod sila ay sabihin mo: "Nagpahayag ako sa inyo ayon sa isang pagkakapantay. Hindi ako nakaaalam kung malapit na ba o malayo pa ang ipinangangako sa inyo.
(110) Tunay na Siya ay nakaaalam sa hayag kabilang sa sinasabi at nakaaalam sa anumang itinatago ninyo.
(111) Hindi ako nakaaalam; baka ito ay isang pagsubok para sa inyo at isang natatamasa hanggang sa isang panahon."
(112) Nagsabi [ang Sugo]: "Panginoon ko, humatol Ka ayon sa katotohanan." Ang Panginoon namin, ang Napakamaawain, ay ang Pinatutulong laban sa inilalarawan ninyo."







22 - Al-Hajj

Sa ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang Maawain.
(1) O mga tao, mangilag kayong magkasala sa Panginoon ninyo! Tunay na ang pagyanig ng Huling Sandali ay isang bagay na sukdulan.
(2) Sa Araw na makakikita kayo rito, malilingat ang bawat tagapasuso sa pinasuso nito, maglalaglag ang bawat may dala [sa sinapupunan] ng dinadala nito, at makakikita ka sa mga tao na mga lasing samantalang hindi sila lasing, subalit ang pagdurusang dulot ni Allāh ay matindi.
(3) May mga tao na nakikipagtalo hinggil kay Allāh nang walang kaalaman at sumusunod sa bawat demonyong mapaghimagsik.
(4) Itinakda sa kanya na ang sinumang tumangkilik sa kanya, tunay na siya ay magliligaw rito at magpapatnubay rito tungo sa pagdurusa sa Liyab.
(5) O mga tao, kung kayo ay nasa isang pag-aalinlangan sa pagbubuhay, tunay na Kami ay lumikha sa inyo mula sa alabok, pagkatapos mula sa isang patak, pagkatapos mula sa isang malalinta, pagkatapos mula sa isang kimpal na laman na inanyuan at hindi inanyuan, upang maglinaw Kami para sa inyo. Nagpapanatili Kami sa mga sinapupunan ng niloloob Namin hanggang sa isang taning na tinukoy, pagkatapos nagpapalabas Kami sa inyo bilang bata, pagkatapos upang umabot kayo sa kalakasan ninyo. Mayroon sa inyo na pinapapanaw at mayroon sa inyo na pinaaabot sa pinakahamak na gulang upang hindi siya makaalam, noong matapos ng isang kaalaman, ng anuman. Nakakikita ka na ang lupa ay patay, ngunit kapag nagpababa Kami sa ibabaw nito ng tubig ay gumalaw-galaw ito, lumalago ito, at nagpapatubo ito ng bawat uring marilag.
(6) Iyon ay dahil si Allāh ay ang Katotohanan, na Siya ay nagbibigay-buhay sa mga patay, na Siya sa bawat ay May-kakayahan,
(7) na ang Huling Sandali ay darating, walang pag-aalinlangan dito, at na si Allāh ay bubuhay sa mga nasa mga libingan.
(8) May mga tao na nakikipagtalo hinggil kay Allāh nang walang kaalaman ni patnubay ni isang kasulatan na nagbibigay-liwanag.
(9) Nagbabaluktot ng leeg niya [sa kapalaluan] upang magligaw palayo sa landas ni Allāh, ukol sa kanya sa Mundo ay isang kahihiyan. Magpapalasap Kami sa kanya sa Araw ng Pagbangon ng pagdurusa sa pagsunog.
(10) Iyon ay dahil sa ipinauna ng mga kamay mo at na si Allāh ay hindi palalabag sa katarungan sa mga lingkod.
(11) Mayroon sa mga tao na sumasamba kay Allāh sa isang gilid. Kaya kapag may tumama sa kanya na isang mabuti, napapanatag siya rito; at kapag may tumama sa kanya na isang pagsubok, umuuwi siya sa [dating] mukha niya. Nalugi siya sa Mundo at Kabilang-buhay. Iyon ay ang pagkaluging malinaw.
(12) Dumadalangin siya sa bukod pa kay Allāh, na hindi nakapipinsala sa kanya at hindi nagpapakinabang sa kanya. Iyon ay ang pagkaligaw na malayo.
(13) Dumadalangin siya sa talagang ang pagpinsala nito ay higit na malapit kaysa sa pagpapakinabang nito. Talagang kay saklap ang pinagpapatangkilikan at talagang kay saklap ang kapisan!
(14) Tunay na si Allāh ay magpapapasok sa mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos sa mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog. Tunay na si Allāh ay gumagawa ng anumang ninanais Niya.
(15) Ang sinumang nagpapalagay na hindi mag-aadya si Allāh [sa Propeta] sa Mundo at Kabilang-buhay ay magpaabot siya ng isang tali sa bubong. Pagkatapos putulin niya [ito] saka tumingin siya: mag-aalis nga kaya ang pakana niya ng anumang nagpapangitngit [sa kanya]?
(16) Gayon nagpababa nito bilang mga talata na malilinaw na patunay, at na [dahil] si Allāh ay nagpapatnubay sa sinumang ninanais Niya.
(17) Tunay na ang mga sumampalataya, ang mga nagpakahudyo, ang mga Sabeano, ang mga Kristiyano, ang mga Mago, at ang mga nagtambal [kay Allāh], tunay na si Allāh ay magbubukod sa pagitan nila sa Araw ng Pagbangon. Tunay na si Allāh sa bawat bagay ay Saksi.
(18) Hindi mo ba napag-alaman na kay Allāh ay nagpapatirapa ang sinumang nasa mga langit, ang sinumang nasa lupa, ang araw, ang buwan, ang mga bituin, ang mga bundok, ang mga punong-kahoy, ang mga hayop, at ang marami sa mga tao. May marami na nagindapat sa kanila ang pagdurusa. Ang sinumang hinahamak ni Allāh ay walang ukol sa kanya na anumang tagapagparangal. Tunay na si Allāh ay gumagawa ng anumang niloloob Niya.
(19) Ang dalawang ito ay magkaalitan na nag-aalitan hinggil sa Panginoon nila. Ngunit ang mga tumangging sumampalataya ay may pagpuputul-putulin para sa kanila na mga damit mula sa apoy. Ibubuhos mula sa ibabaw ng mga ulo nila ang nakapapasong tubig.
(20) Malulusaw sa pamamagitan nito ang nasa mga tiyan nila at ang mga balat.
(21) Para [sa pagpalo] sa kanila ay mga pambambo yari sa bakal.
(22) Sa tuwing magnanais sila na lumabas mula roon dahil sa pighati ay panunumbalikin sila roon at [sasabihin]: "Lasapin ninyo ang pagdurusa ng pagsusunog."
(23) Tunay na si Allāh ay magpapasok sa mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos sa mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog. Gagayakan sila roon ng mga pulseras na ginto at mga mutya. Ang kasuutan nila sa mga iyon ay sutla.
(24) Pinatnubayan sila tungo sa kaaya-aya kabilang sa sinasabi at pinatnubayan sila tungo sa landasin ng Kapuri-puri.
(25) Tunay na ang mga tumangging sumampalataya at sumagabal sa landas ni Allāh at Masjid na Pinakababanal na ginawa Namin para sa mga tao na magkapantay ang namimintuho roon at ang dumadayo. Ang sinumang nagnanais doon ng isang paglihis sa pamamagitan ng isang paglabag sa katarungan ay magpapalasap Kami sa kanya ng isang pagdurusang masakit.
(26) [Banggitin] noong nagtalaga Kami para kay Abraham ng pook ng Bahay, na [nagsasabi]: "Huwag kang magtambal sa Akin ng anuman at magdalisay ka ng Bahay Ko para sa mga pumapalibot, mga tumatayo [sa pagdarasal], at mga tagayukod na nagpapatirapa.
(27) Magpahayag ka sa mga tao ng ḥajj, pupunta sila sa iyo nang mga naglalakad at lulan ng bawat payat na kamelyo: pupunta ang mga ito mula sa bawat daanang malalim,
(28) upang makasaksi sila ng mga pakinabang para sa kanila at bumanggit sila sa pangalan ni Allāh sa mga araw na nalalaman dahil sa itinustos Niya sa kanila na hayop na mga panghayupan. Kaya kumain kayo mula sa mga ito at magpakain kayo sa sawing-palad na maralita.
(29) Pagkatapos, tumapos sila ng mga ritwal nila, tumupad sila ng mga panata nila, at magpalibut-libot sila sa Bahay na Matanda.
(30) Iyon [ang kautusan]; at ang sinumang gumagalang sa mga pinakababanal ni Allāh, iyon ay higit na mabuti para sa kanya sa ganang Panginoon niya. Ipinahintulot para sa inyo ang mga hayupan maliban sa [bawal na] babanggitin sa inyo. Kaya umiwas kayo sa kasalaulaan mula sa mga diyus-diyusan at umiwas kayo sa pagsabi ng kabulaanan,
(31) bilang mga nakakiling kay Allāh, na hindi mga tagapagtambal sa Kanya. Ang sinumang nagtatambal kay Allāh ay para bang bumagsak siya mula sa langit kaya dadagit sa kanya ang mga ibon o tatangay sa kanya ang hangin sa isang pook na liblib.
(32) Iyon nga. Ang sinumang dumadakila sa mga sagisag ni Allāh, tunay na ang mga ito ay bahagi ng pangingilag magkasala ng mga puso.
(33) Ukol sa inyo sa mga ito ay mga pakinabang hanggang sa isang taning na tinukoy. Pagkatapos ang pook ng mga ito ay hanggang sa Bahay na Matanda.
(34) Para sa bawat kalipunan ay nagtalaga Kami ng isang pamamaraan upang bumanggit sila sa pangalan ni Allāh sa itinustos Niya sa kanila na hayop ng mga hayupan sapagkat ang Diyos ninyo ay nag-iisang Diyos kaya sa Kanya ay magpasakop kayo. Magbalita ka ng nakagagalak sa mga nagpapakaaba,
(35) na kapag binanggit si Allāh ay nasisindak ang mga puso nila, na mga tagapagtiis sa anumang tumama sa kanila, na mga tagapanatili ng dasal, at mula sa itinustos Namin sa kanila ay gumugugol sila.
(36) Ang mga kamelyo at mga baka ay ginawa para sa inyo bilang kabilang sa mga sagisag ni Allāh; ukol sa inyo sa mga ito ay mabuti. Kaya bumanggit kayo sa pangalan ni Allāh sa mga ito habang mga nakahanay. Kaya kapag bumagsak ang mga tagiliran ng mga ito ay kumain kayo mula sa mga ito at magpakain kayo ng nagkakasya at nagpapalimos. Gayon Kami nagpasilbi ng mga ito para sa inyo nang sa gayon kayo magpapasalamat.
(37) Hindi makararating kay Allāh ang mga laman ng mga ito ni ang mga dugo ng mga ito, subalit nakararating sa Kanya ang pangingilag magkasala mula sa inyo. Gayon nagpasilbi ng mga ito para sa inyo upang dumakila kayo kay Allāh dahil nagpatnubay Siya sa inyo. Magbalita ka ng nakagagalak sa mga tagagawa ng maganda.
(38) Tunay na si Allāh ay nagtatanggol sa mga sumampalataya. Tunay na si Allāh ay hindi umiibig sa bawat palataksil na mapagkaila sa utang na loob.
(39) Ipinahintulot [ang pakikipaglaban] para sa mga kinakalaban dahil sila ay nilabag sa katarungan. Tunay na si Allāh sa pag-aadya sa kanila ay talagang May-kakayahan.
(40) [Sila] ang mga pinalisan mula sa mga tahanan nila nang walang karapatan maliban na nagsabi sila: "Ang Panginoon namin ay si Allāh." Kung hindi sa pagsupil ni Allāh sa mga tao, sa iba sa kanila sa pamamagitan ng iba pa, talaga sanang may winasak na mga monasteryo, mga simbahan, mga sinagoga, at mga masjid na binabanggit sa mga ito ang pangalan ni Allāh nang madalas. Talagang mag-aadya nga si Allāh sa sinumang nag-aadya sa Kanya. Tunay na si Allāh ay talagang Malakas, Makapangyarihan.
(41) [Sila] ang mga kung nagbigay-kapangyarihan Kami sa kanila sa lupa ay magpapanatili ng pagdarasal, magbibigay ng zakāh, mag-uutos ng nakabubuti, at sasaway sa nakasasama. Sa kay Allāh ang [mabuting] kahihinatnan ng mga bagay.
(42) Kung nagpapasinungaling sila sa iyo ay nagpasinungaling na bago nila ang mga tao nina Noe, `Ād, at Thamūd,
(43) at ang mga tao ni Abraham, at ang mga tao ni Lot,
(44) at ang mga naninirahan sa Madyan. Pinasinungalingan si Moises kaya nagpatagal Ako para sa mga tagatangging sumampalataya, pagkatapos dumaklot Ako sa kanila kaya papaano naging ang pagtutol Ko?
(45) Kaya may ilan nang pamayanan na nagpahamak Kami nito samantalang ito ay tagalabag sa katarungan kaya ito ay nakaguho sa mga bubong na ito, [may ilan nang] balon na pinabayaan, at [may ilan nang] palasyong pinatayog.
(46) Kaya hindi ba sila naglakbay sa lupain para magkaroon sila ng mga pusong nakapag-uunawa sila sa pamamagitan ng mga ito o ng mga taingang nakaririnig sila sa pamamagitan ng mga ito? Tunay na ang mga [matang] ito ay hindi nabubulag ang mga paningin subalit nabubulag ang mga puso na nasa mga dibdib.
(47) Humihiling sila sa iyo ng pagmamadali sa pagdurusa at hindi sisira si Allāh sa pangako Niya. Tunay na ang isang araw sa ganang Panginoon mo ay gaya ng isang libong taon mula sa binibilang ninyo.
(48) Kaya may ilan nang pamayanan na nagpatagal Ako rito samantalang ito ay tagalabag sa katarungan. Pagkatapos dumaklot Ako rito, at tungo sa Akin ang hantungan.
(49) Sabihin mo: "O mga tao, ako lamang para sa inyo ay isang mapagbabalang malinaw."
(50) Kaya ang mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos, ukol sa kanila ay isang kapatawaran at isang panustos na masagana.
(51) Ang mga nagsikap sa [pagpapasinungaling] mga tanda Namin habang mga nagtatangkang magpawalang-kakayahan, ang mga iyon ay ang mga maninirahan sa Impiyerno.
(52) Hindi Kami nagsugo bago mo pa ng isang sugo ni isang propeta malibang kapag bumigkas siya ay nagpupukol ang demonyo sa pagbigkas niya, ngunit nagpapawalang-bisa si Allāh sa ipinupukol ng demonyo. Pagkatapos nagpapatibay si Allāh sa mga tanda Niya. Si Allāh ay Maalam, Marunong.
(53) [Iyan ay] upang gumawa Siya sa ipinupukol ng demonyo bilang pagsubok para sa mga may sakit sa mga puso nila at matigas ang mga puso nila. Tunay na ang mga tagalabag sa katarungan ay talagang nasa isang hidwaang malayo.
(54) [Iyan ay] upang makaalam ang mga binigyan ng kaalaman na ito ay ang katotohanan mula sa Panginoon mo para sumampalataya sila rito para magpakababa rito ang mga puso nila. Tunay na si Allāh ay talagang tagapagpatnubay sa mga sumampalataya tungo sa isang landasing tuwid.
(55) Hindi tumitigil na ang mga tumangging sumampalataya ay nasa isang pag-aalangan dito hanggang sa pumunta sa kanila ang Huling Sandali nang biglaan o pumunta sa kanila ang isang pagdurusa sa isang araw na mapanira.
(56) Ang paghahari sa Araw na iyon ay sa kay Allāh; hahatol Siya sa pagitan nila. Kaya ang mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos ay nasa mga hardin ng kaginhawahan.
(57) Ang mga tumangging sumampalataya at nagpasinungaling sa mga tanda Namin, ang mga iyon ay may ukol sa kanila na isang pagdurusang manghahamak.
(58) Ang mga lumikas sa landas ni Allāh, pagkatapos napatay sila o namatay sila, ay talagang magtutustos sa kanila si Allāh ng isang panustos na maganda. Tunay na si Allāh ay talagang Siya ang pinakamabuti sa mga tagapagtustos.
(59) Talagang magpapapasok nga Siya sa kanila sa isang pinagpapasukang kalulugdan nila. Tunay na si Allāh ay talagang Maalam, Matimpiin.
(60) Iyon nga. Ang sinumang nagpasakit ng tulad sa ipinasakit sa kanya, pagkatapos siniil siya, talagang mag-aadya nga sa kanya si Allāh. Tunay na si Allāh ay talagang Mapagpaumanhin, Mapagpatawad.
(61) Iyon ay dahil si Allāh ay nagpapapasok ng gabi sa maghapon at nagpapapasok ng maghapon sa gabi at dahil si Allāh ay Madinigin, Nakakikita.
(62) Iyon ay dahil si Allāh ay ang Katotohanan, dahil ang anumang dinadalanginan nila bukod pa sa Kanya ay ang kabulaanan, at dahil si Allāh ay ang Mataas, ang Malaki.
(63) Hindi ka ba nakakita na si Allāh ay nagpababa mula sa langit ng tubig kaya ang lupa ay nagiging luntian? Tunay na si Allāh ay Mapagtalos, Mapagbatid.
(64) Sa Kanya ang anumang nasa mga langit at ang anumang sa nasa lupa. Tunay na si Allāh ay talagang Siya ang Walang-pangangailangan, ang Kapuri-puri.
(65) Hindi ka ba nakakita na si Allāh ay nagpasilbi para sa inyo ng anumang nasa lupa at ng mga sasakyang-dagat na naglalayag sa dagat ayon sa utos Niya. Pumipigil Siya sa langit na bumagsak ito sa lupa malibang ayon sa pahintulot Niya. Tunay na si Allāh sa mga tao ay talagang Mahabagin, Maawain.
(66) Siya ay ang nagbigay-buhay sa inyo, pagkatapos magbibigay-kamatayan sa inyo. Tunay na ang tao ay talagang mapagtangging magpasalamat.
(67) Para sa bawat kalipunan ay nagtalaga Kami ng isang panuntunan na sila ay nagsasagawa nito kaya huwag nga silang makipagtunggali sa iyo sa usapin. Mag-anyaya ka tungo sa Panginoon mo; tunay na ikaw ay talagang nasa isang patnubay na tuwid.
(68) Kung makikipagtalo sila sa iyo ay sabihin mo: "Si Allāh ay higit na maalam sa anumang ginagawa ninyo."
(69) Si Allāh ay hahatol sa pagitan ninyo sa Araw ng Pagbangon hinggil sa anumang kayo dati ay nagkakaiba-iba.
(70) Hindi ka ba nakaalam na si Allāh ay nakaaalam sa anumang nasa langit at lupa. Tunay na iyon ay nasa isang aklat. Tunay na iyon kay Allāh ay madali.
(71) Sumasamba sila sa bukod pa kay Allāh, na hindi Siya nagbababa hinggil doon ng isang katunayan at na walang ukol sa kanila hinggil doon na isang kaalaman. Walang ukol sa mga tagalabag sa katarungan na isang mapag-adya.
(72) Kapag binibigkas sa kanila ang mga tanda Namin bilang mga malinaw na patunay, makikilala mo sa mga mukha ng mga tumangging sumampalataya ang pagtutol. Halos lumantak sila sa mga bumibigkas sa kanila ng mga tanda Namin. Sabihin mo: "Kaya magbabalita ba ako sa inyo hinggil sa higit na masama kaysa roon? Ang apoy ay ipinangako ni Allāh sa mga tumangging sumampalataya. Kay saklap ang hantungan!"
(73) O mga tao, may inilahad na isang paghahalintulad kaya makinig kayo roon. Tunay na ang dinadalanginan ninyo bukod pa kay Allāh ay hindi makalilikha ng isang langaw, kahit pa nagkaisa sila para roon. Kung mangangagaw sa kanila ang langaw ng isang bagay ay hindi sila makapapasagip niyon mula rito. Humina ang humuhuli at ang hinuhuli.
(74) Hindi sila nagpahalaga kay Allāh nang totoong pagpapahalaga sa Kanya. Tunay na si Allāh ay talagang Malakas, Makapangyarihan.
(75) Si Allāh ay humihirang mula sa mga anghel ng mga sugo at mula sa mga tao. Tunay na si Allāh ay Madinigin, Nakakikita.
(76) Nakaaalam Siya sa anumang nasa pagitan ng mga kamay nila at anumang nasa likuran nila. Tungo kay Allāh pababalikin ang mga usapin.
(77) O mga sumampalataya, yumukod kayo, magpatirapa kayo, sumamba kayo sa Panginoon ninyo, at gumawa kayo ng kabutihan nang sa gayon kayo ay magtatagumpay.
(78) Makibaka kayo alang-alang kay Allāh nang totoong pakikibaka. Siya ay humalal sa inyo at hindi Siya naglagay sa inyo sa relihiyon ng anumang pagkaasiwa, bilang kapaniwalaan ng ama ninyong si Abraham. Siya ay nagpangalan sa inyo na mga Muslim bago pa niyan at sa [Qur’ān na] ito upang ang Sugo ay maging isang saksi sa inyo at kayo ay maging mga saksi sa mga tao. Kaya magpanatili kayo ng pagdarasal, magbigay kayo ng zakāh, at magpasanggalang kayo kay Allāh. Siya ay ang Pinagpapatangkilikan ninyo! Kaya kay inam ang Pinagpapatangkilikan at kay inam ang Mapag-adya!









   
23 - Al-Muminoon
Sa ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang Maawain.
(1) Nagtagumpay nga ang mga mananampalataya,
(2) na sila sa pagdarasal nila ay mga tagapagpakumbaba,
(3) na sila sa kabalbalan ay mga tagaayaw,
(4) na sila para sa zakāh ay mga tagapagsagawa,
(5) na sila sa mga ari nila ay mga tagapag-ingat,
(6) maliban sa mga asawa nila o inari ng mga kanang kamay nila sapagkat tunay na sila ay hindi mga masisisi,
(7) ngunit ang sinumang naghangad ng lampas doon, ang mga iyon ay ang mga tagalabag,
(8) na sila sa mga ipinagkatiwala sa kanila at kasunduan sa kanila ay mga tagapag-alaga,
(9) na sila sa mga dasal nila ay nangangalaga.
(10) Ang mga iyon ay ang mga tagapagmana,
(11) na mga magmamana ng Firdaws. Sila roon ay mga mananatili.
(12) Talaga ngang lumikha Kami ng tao mula sa isang hinango mula sa isang putik.
(13) Pagkatapos ay gumawa Kami sa kanya na isang patak sa pinamamalagiang matibay.
(14) Pagkatapos lumikha Kami sa patak bilang malalinta, saka lumikha Kami sa malalinta bilang kimpal ng lamang, saka lumikha Kami sa kimpal ng lamang bilang mga buto, saka bumalot Kami sa mga buto ng laman. Pagkatapos nagpaluwal Kami nito bilang iba pang nilikha. Kaya mapagpala si Allāh, ang pinakamaganda sa paggawa sa mga tagalikha.
(15) Pagkatapos tunay na kayo, matapos niyon, ay talagang mga mamamatay.
(16) Pagkatapos tunay na kayo, sa Araw ng Pagbangon, ay bubuhayin.
(17) Talaga ngang lumikha Kami sa ibabaw ninyo ng pitong magkakapatong [na langit]. Hindi Kami, sa paglikha, naging nalilingat.
(18) Nagpababa Kami mula sa langit ng tubig ayon sa sukat at nagpatahan Kami nito sa lupa. Tunay na Kami, sa pag-aalis nito, ay talagang nakakakaya.
(19) Kaya nagpaluwal Kami para sa inyo sa pamamagitan niyon ng mga hardin ng mga datiles at mga ubas – ukol sa inyo sa mga ito ay maraming prutas at mula sa mga ito ay kumakain kayo –
(20) at ng isang punong-kahoy na lumalabas mula sa bundok ng Sinai na nagpapatubo ng langis at isang sawsawan para sa mga kumakain.
(21) Tunay na para sa inyo sa mga hayupan ay talagang may aral. Nagpapainom Kami sa inyo mula sa nasa mga tiyan ng mga ito. Para sa inyo sa mga ito ay mga pakinabang na marami at mula sa mga ito ay kumakain kayo.
(22) Sa ibabaw ng mga ito at sa ibabaw ng mga daong dinadala kayo.
(23) Talaga ngang nagsugo Kami kay Noe sa mga kababayan niya, saka nagsabi siya: "O mga kababayan ko, sumamba kayo kay Allāh; walang ukol sa inyo na anumang Diyos na iba pa sa Kanya. Kaya hindi ba kayo mangingilag magkasala?"
(24) Kaya nagsabi ang konseho na mga tumangging sumampalataya kabilang sa mga kababayan niya: "Walang iba ito kundi isang taong tulad ninyo, na nagnanais magpakalamang sa inyo. Kung sakaling niloob ni Allāh ay talaga sanang nagpababa Siya ng mga anghel. Hindi tayo nakarinig hinggil dito sa mga ninuno nating sinauna.
(25) Walang iba siya kundi isang lalaking sa kanya ay may kabaliwan, kaya mag-abang kayo sa kanya hanggang sa isang panahon."
(26) Nagsabi siya: "Panginoon ko, mag-adya Ka sa akin dahil nagpasinungaling sila sa akin."
(27) Kaya nagkasi Kami sa kanya, na [nagsasabi]: "Yumari ka ng daong sa [ilalim ng] mga mata Namin at pagkasi Namin. Kaya kapag dumating ang utos Namin at sumambulat ang pugon ay magpasok ka sa loob niyon ng mula sa bawat dalawang magkapares, ng mag-anak mo – maliban sa isang nauna sa kanya ang hatol kabilang sa kanila – at huwag kang kumausap sa Akin kaugnay sa mga lumabag sa katarungan; tunay na sila ay mga malulunod.
(28) Kaya kapag lumulan ka at ang sinumang kasama sa iyo sa daong ay sabihin mo: "Ang papuri ay ukol kay Allāh na nagligtas sa amin mula sa mga taong tagalabag sa katarungan."
(29) Sabihin mo: "Panginoon ko, magpatuloy Ka sa akin sa isang pinatutuluyang pinagpala yamang Ikaw ay ang pinakamabuti sa mga tagapagpatuloy."
(30) Tunay na sa gayon ay talagang may tanda at tunay na Kami noon ay talagang sumusubok.
(31) Pagkatapos nagpaluwal Kami nang matapos nila ng isang salinlahing iba pa.
(32) Saka nagsugo Kami sa kanila ng isang sugong kabilang sa kanila, na [nagsasabi]: "Sumamba kayo kay Allāh; walang ukol sa inyo na anumang Diyos na iba pa sa Kanya. Kaya hindi ba kayo mangingilag magkasala?"
(33) Nagsabi ang konseho kabilang sa mga kalipi niya na mga tumangging sumampalataya at nagpasinungaling sa pakikipagkita sa Kabilang-buhay samantalang nagpariwasa Kami sa kanila sa buhay na pangmundo: "Walang iba ito kundi isang taong tulad ninyo; kumakain siya mula sa kinakain ninyo at umiinom siya mula sa iniinom ninyo.
(34) Talagang kung tumalima kayo sa isang taong tulad ninyo, tunay na kayo, samakatuwid, ay talagang mga lugi.
(35) Nangangako ba siya sa inyo na kayo, kapag namatay kayo at naging alabok at buto kayo, ay mga ilalabas?
(36) Pagkalayu-layo ito, pagkalayu-layo ito para sa ipinangangako sa inyo.
(37) Walang iba ito kundi buhay nating makamundo; namamatay tayo at nabubuhay tayo at tayo ay hindi mga bubuhayin.
(38) Walang iba siya kundi isang lalaking gumawa-gawa laban kay Allāh ng isang kasinungalingan. Tayo ay sa kanya ay hindi mga maniniwala."
(39) Nagsabi ito: "Panginoon ko, mag-adya Ka sa akin dahil sa nagpasinungaling sila sa akin."
(40) Nagsabi Siya: "Sa kaunting [panahon], talagang sila nga ay magiging mga magsisisi."
(41) Kaya dumaklot sa kanila ang hiyaw ayon sa katotohanan kaya gumawa Kami sa kanila bilang yagit. Kaya kalayuan [sa awa] ay ukol sa mga taong tagalabag sa katarungan.
(42) Pagkatapos nagpaluwal Kami nang matapos nila ng mga salinlahing iba pa.
(43) Hindi nauunahan ng anumang kalipunan ang taning nito at hindi sila nakapagpapaantala.
(44) Pagkatapos nagsugo Kami ng mga sugo Namin nang sunud-sunod. Sa tuwing dumarating sa isang kalipunan ang sugo nito ay nagpapasinungaling sila rito. Kaya nagpasunod Kami sa iba sa kanila ng iba pa at gumawa Kami sa kanila bilang mga usapan. Kaya kalayuan [sa awa] ay ukol sa mga taong hindi sumasampalataya.
(45) Pagkatapos nagsugo Kami kay Moises at sa kapatid niyang si Aaron kalakip ng mga tanda Namin at isang katunayang malinaw
(46) kay Paraon at sa konseho niya ngunit nagmalaki sila at sila noon ay mga taong nagpapakataas.
(47) Kaya nagsabi sila: "Maniniwala ba kami sa dalawang taong tulad namin samantalang ang mga kalipi nilang dalawa sa amin ay mga tagapaglingkod?"
(48) Kaya nagpasinungaling sila sa kanilang dalawa kaya sila ay naging kabilang sa mga ipinahahamak.
(49) Talaga ngang nagbigay Kami kay Moises ng kasulatan nang sa gayon sila ay mapapatnubayan.
(50) Gumawa Kami sa anak ni Maria at ina niya bilang tanda at nagkanlong Kami sa kanilang dalawa sa isang burol na may pamamalagian at tubigan.
(51) O mga sugo, kumain kayo mula sa mga kaaya-ayang bagay at gumawa kayo ng maayos. Tunay na Ako sa anumang ginagawa ninyo ay Maalam.
(52) Tunay na ito ay kalipunan ninyo – kalipunang nag-iisa, at Ako ay Panginoon ninyo kaya mangilag kayong magkasala sa Akin.
(53) Ngunit nagkaputul-putol sila sa lagay nila sa pagitan nila bilang mga pangkatin. Bawat lapian sa taglay nila ay mga natutuwa.
(54) Kaya hayaan mo sila sa kalituhan nila hanggang sa isang panahon.
(55) Nag-aakala ba sila na ang inaayuda Namin sa kanila na yaman at mga anak
(56) ay [dahil] nagmamabilis Kami para sa kanila sa mga mabuting bagay? Bagkus hindi sila nakadarama?
(57) Tunay na silang dahil sa takot sa Kanya ay mga nababagabag,
(58) na silang sa mga tanda ng Panginoon nila ay sumasampalataya,
(59) na silang sa Panginoon nila ay hindi nagtatambal,
(60) na nagbibigay ng ibinigay nila habang ang mga puso nila ay nasisindak na sila sa Panginoon nila ay mga babalik,
(61) ang mga iyon ay nagmamabilis sa mga mabuting bagay, at sila sa mga ito ay nauuna [sa iba].
(62) Hindi Kami nag-aatang sa isang kaluluwa malibang ayon sa kaya nito. Mayroon Kaming isang talaang bumibigkas ng katotohanan at sila ay hindi lalabagin sa katarungan.
(63) Bagkus ang mga puso nila ay nasa isang kalituhan rito, at mayroon silang mga gawang [masama] bukod pa roon na sila ay gumagawa ng mga ito.
(64) Hanggang sa nang nagpataw Kami sa mga pinariwasa sa kanila ng pagdurusa, biglang sila ay umuungol.
(65) Huwag kayong umungol ngayong araw; tunay na kayo mula sa Amin ay hindi maiaadya.
(66) Ang mga talata Ko nga noon ay binibigkas sa inyo ngunit kayo noon sa mga sakong ninyo ay umuurong
(67) habang mga nagmamalaki hinggil dito samantalang nagpupuyat habang namimintas sila.
(68) Kaya hindi ba sila nagmumuni-muni sa sinabi [ni Allāh] o dumating sa kanila ang hindi dumating sa mga magulang nilang sinauna?
(69) O hindi sila nakakilala sa Sugo nila kaya sila sa kanya ay mga tagapagkaila?
(70) O nagsasabi sila na sa kanya ay may isang kabaliwan? Bagkus naghatid siya sa kanila ng katotohanan habang ang higit na marami sa kanila sa katotohanan ay mga nasusuklam.
(71) Kung sakaling sumunod ang katotohanan sa mga pithaya nila ay talaga sanang nagulo ang mga langit at ang lupa at ang sinumang nasa mga ito. Bagkus nagdala Kami sa kanila ng paalaala sa kanila, ngunit sila sa paalaala sa kanila ay mga tagaayaw.
(72) O humihingi ka ba sa kanila ng kabayaran sapagkat ang bayad ng Panginoon mo ay higit na mabuti at Siya ay ang pinakambuti sa mga tagatustos.
(73) Tunay na ikaw ay talagang nag-aanyaya sa kanila tungo sa isang landasing tuwid.
(74) Tunay na ang mga hindi sumasampalataya sa Kabilang-buhay palayo sa landasin ay talagang mga pumapaling.
(75) Kahit pa naawa Kami sa kanila at nag-alis Kami ng taglay nilang kapinsalaan ay talagang nagmatigas sila sa pagmamalabis nila habang nag-aapuhap sila.
(76) Talaga ngang nagpataw Kami sa kanila ng pagdurusa ngunit hindi sila nangayupapa sa Panginoon nila at hindi sila nagsusumamo.
(77) Hanggang sa nang nagbukas Kami sa kanila ng isang pintuang may isang pagdurusang matindi, biglang sila roon ay mga nalulumbay.
(78) Siya ay ang nagpaluwal para sa inyo ng pandinig, mga paningin, at mga puso. Kaunti ang pinasasalamatan ninyo!
(79) Siya ay ang lumalang sa inyo sa lupa at tungo sa Kanya kakalapin kayo.
(80) Siya ay ang nagbibigay-buhay at nagbibigay-kamatayan. Sa Kanya ang pagsasalitan ng gabi at maghapon. Kaya hindi ba kayo nakapag-uunawa?
(81) Bagkus nagsabi sila ng tulad sa sinabi ng mga sinauna.
(82) Nagsabi sila: "Kapag namatay ba kami at kami ay naging alabok at mga buto, tunay bang kami ay talagang mga bubuhayin?"
(83) Talaga ngang pinangakuan Kami mismo at ang mga magulang namin nito bago pa niyan. Walang iba ito kundi mga alamat ng mga sinauna.
(84) Sabihin mo: "Kanino ang lupa at ang sinumang narito kung kayo ay nakaaalam?"
(85) Magsasabi sila: "Sa kay Allāh." Sabihin mo: "Kaya hindi ba kayo magsasaalaala?"
(86) Sabihin mo: "Sino ang Panginoon ng pitong langit at ang Panginoon ng tronong dakila?"
(87) Magsasabi sila: "[Ang mga ito ay] sa kay Allāh." Sabihin mo: "Kaya hindi ba kayo mangingilag magkasala?"
(88) Sabihin mo: "Sino ang nasa kamay Niya ang pagkahari sa bawat bagay at Siya ay kumakalinga at hindi kinakalinga, kung kayo ay nakaaalam?"
(89) Magsasabi sila: "[Ang mga ito ay] sa kay Allāh." Sabihin mo: "Kaya paanong napaglalalangan kayo?"
(90) Bagkus nagdala Kami sa kanila ng katotohanan, at tunay na sila ay talagang mga sinungaling.
(91) Hindi gumawa si Allāh ng anumang anak. Hindi nangyaring may kasama sa Kanya na anumang diyos. [Kung nagkagayon] samakatuwid talaga sanang nag-alis ang bawat diyos ng nilikha nito at talaga sanang nangibabaw ang ilan sa kanila higit sa iba. Kaluwalhatian kay Allāh higit sa anumang inilalarawan nila!
(92) Nakaaalam sa Lingid at Nasasaksihan, kaya pagkataas-taas Siya kaysa sa anumang itinatambal nila.
(93) Sabihin mo: "Panginoon ko, kung ipakikita Mo nga sa akin ang ipinangangako sa kanila,
(94) Panginoon ko, huwag Kang maglagay sa akin sa mga taong tagalabag sa katarungan."
(95) Tunay na Kami, sa pagpapakita Namin sa iyo ng ipinangangako Namin sa kanila, ay talagang nakakakaya.
(96) Itaboy mo sa pamamagitan nitong higit na maganda ang masagwa. Kami ay higit na maalam sa anumang inilalarawan nila.
(97) Sabihin mo: "Panginoon ko, nagpapakupkop ako sa Iyo laban sa mga pambubuyo ng mga demonyo;
(98) at nagpapakupkop ako sa Iyo, Panginoon ko, na dumalo sila sa akin."
(99) [Gayon nga] hanggang sa nang dumating sa isa sa kanila ang kamatayan ay nagsabi siya: "Panginoon ko, magpabalik Kayo sa akin,
(100) nang sa gayon ako ay gagawa ng maayos sa naiwan ko!" Aba'y hindi! Tunay na ito ay isang salitang siya ay tagapagsabi nito. Mula sa likuran nila ay may isang harang hanggang sa araw na bubuhayin sila.
(101) Kaya kapag umihip sa tambuli, wala nang mga kaangkanan sa pagitan nila sa Araw na iyon at hindi sila magtatanungan.
(102) Kaya ang bumigat ang mga timbangan nila, ang mga iyon ay ang mga magtatagumpay.
(103) Ang gumaan ang mga timbangan nila, ang mga iyon ang mga nagpalugi sa mga sarili nila sa impiyerno bilang mga mananatili.
(104) Papaso sa mga mukha nila ang Apoy habang sila roon ay mga umaangil.
(105) Hindi ba ang mga talata Ko dati ay binibigkas sa inyo ngunit kayo dati sa mga ito ay nagpapasinungaling?
(106) Nagsabi sila: "Panginoon namin, nanaig sa amin ang kalumbayan namin; at kami dati ay mga taong naliligaw.
(107) Panginoon namin, magpalabas Ka sa amin mula rito; saka kung nanumbalik kami, tunay na kami ay mga tagalabag sa katarungan.
(108) Magsasabi Siya: "Magpakahamak kayo riyan at huwag kayong magsalita sa Akin."
(109) Tunay na may isang pangkat noon kabilang sa mga lingkod Ko, na nagsasabi: "Panginoon namin, sumampalataya kami kaya magpatawad Ka sa amin at maawa Ka sa amin; at Ikaw ay ang pinakamabuti sa mga naaawa."
(110) Ngunit gumawa kayo sa kanila ng panunuya hanggang sa nagpalimot sila sa inyo sa pag-alaala sa Akin habang kayo noon sa kanila ay tumatawa.
(111) Tunay na Ako ay gaganti sa kanila ngayong Araw dahil nagtiis sila: sila ay ang mga magtatamo.
(112) Magsasabi Siya: "Gaano katagal kayo namalagi sa lupa sa bilang ng mga taon?"
(113) Magsasabi sila: "Namalagi kami nang isang araw o isang bahagi ng araw; ngunit magtanong Ka sa mga tagabilang."
(114) Magsasabi Siya: "Hindi kayo namalagi kundi sa kaunting [sandali], kung sakaling kayo noon ay nakaaalam."
(115) Kaya nagpalagay ba kayo na lumikha Kami sa inyo nang walang-kabuluhan lamang, at na kayo tungo sa Amin ay hindi pababalikin?
(116) Kaya pagkataas-taas si Allāh, ang Haring Totoo – walang Diyos kundi Siya – ang Panginoon ng Tronong marangal.
(117) Ang sinumang mananalangin kasama kay Allāh sa isang diyos na iba pa, na walang patunay para sa kanya rito, ang pagtutuos sa kanya ay nasa Panginoon niya lamang. Tunay na hindi magtatagumpay ang mga tagatangging sumampalataya.
(118) Sabihin mo: "Panginoon ko, magpatawad Ka at maawa Ka yayamang Ikaw ay ang pinakamabuti sa mga naaawa."



Taa-Haa - Al-Anbiyaa - Al-Hajj - Al-Muminoon 2013_110
الرجوع الى أعلى الصفحة اذهب الى الأسفل
https://almomenoon1.0wn0.com/
 
Taa-Haa - Al-Anbiyaa - Al-Hajj - Al-Muminoon
الرجوع الى أعلى الصفحة 
صفحة 1 من اصل 1
 مواضيع مماثلة
-
» Hajj in the Past and Hajj Now
» Al-Muminoon
» Al-Muminoon
» Al-Muminoon
» 23 - Al-Muminoon

صلاحيات هذا المنتدى:لاتستطيع الرد على المواضيع في هذا المنتدى
منتديات إنما المؤمنون إخوة (2024 - 2010) The Believers Are Brothers :: (English) :: The Holy Quran is translated :: Tagalog-
انتقل الى: