منتديات إنما المؤمنون إخوة (2024 - 2010) The Believers Are Brothers

(إسلامي.. ثقافي.. اجتماعي.. إعلامي.. علمي.. تاريخي.. دعوي.. تربوي.. طبي.. رياضي.. أدبي..)
 
الرئيسيةالأحداثأحدث الصورالتسجيل
(وما من كاتب إلا سيبلى ** ويبقى الدهر ما كتبت يداه) (فلا تكتب بكفك غير شيء ** يسرك في القيامة أن تراه)

IZHAR UL-HAQ

(Truth Revealed) By: Rahmatullah Kairanvi
قال الفيلسوف توماس كارليل في كتابه الأبطال عن رسول الله -صلى الله عليه وسلم-: "لقد أصبح من أكبر العار على أي فرد مُتمدين من أبناء هذا العصر؛ أن يُصْغِي إلى ما يظن من أنَّ دِينَ الإسلام كَذِبٌ، وأنَّ مُحَمَّداً -صلى الله عليه وسلم- خَدَّاعٌ مُزُوِّرٌ، وآنَ لنا أنْ نُحارب ما يُشَاعُ من مثل هذه الأقوال السَّخيفة المُخْجِلَةِ؛ فإنَّ الرِّسَالة التي أدَّاهَا ذلك الرَّسُولُ ما زالت السِّراج المُنير مُدَّةَ اثني عشر قرناً، لنحو مائتي مليون من الناس أمثالنا، خلقهم اللهُ الذي خلقنا، (وقت كتابة الفيلسوف توماس كارليل لهذا الكتاب)، إقرأ بقية كتاب الفيلسوف توماس كارليل عن سيدنا محمد -صلى الله عليه وسلم-، على هذا الرابط: محمد بن عبد الله -صلى الله عليه وسلم-.

يقول المستشرق الإسباني جان ليك في كتاب (العرب): "لا يمكن أن توصف حياة محمد بأحسن مما وصفها الله بقوله: (وَمَا أَرْسَلْنَاكَ إِلَّا رَحْمَةً لِّلْعَالَمِين) فكان محمدٌ رحمة حقيقية، وإني أصلي عليه بلهفة وشوق".
فَضَّلَ اللهُ مِصْرَ على سائر البُلدان، كما فَضَّلَ بعض الناس على بعض والأيام والليالي بعضها على بعض، والفضلُ على ضربين: في دِينٍ أو دُنْيَا، أو فيهما جميعاً، وقد فَضَّلَ اللهُ مِصْرَ وشَهِدَ لها في كتابهِ بالكَرَمِ وعِظَم المَنزلة وذَكَرَهَا باسمها وخَصَّهَا دُونَ غيرها، وكَرَّرَ ذِكْرَهَا، وأبَانَ فضلها في آياتٍ تُتْلَى من القرآن العظيم.
المهندس حسن فتحي فيلسوف العمارة ومهندس الفقراء: هو معماري مصري بارز، من مواليد مدينة الأسكندرية، وتخرَّجَ من المُهندس خانة بجامعة فؤاد الأول، اشْتُهِرَ بطرازهِ المعماري الفريد الذي استمَدَّ مَصَادِرَهُ مِنَ العِمَارَةِ الريفية النوبية المَبنية بالطوب اللبن، ومن البيوت والقصور بالقاهرة القديمة في العصرين المملوكي والعُثماني.
رُبَّ ضَارَّةٍ نَافِعَةٍ.. فوائدُ فيروس كورونا غير المتوقعة للبشرية أنَّه لم يكن يَخطرُ على بال أحَدِنَا منذ أن ظهر وباء فيروس كورونا المُستجد، أنْ يكونَ لهذه الجائحة فوائدُ وإيجابيات ملموسة أفادَت كوكب الأرض.. فكيف حدث ذلك؟!...
تخليص الإبريز في تلخيص باريز: هو الكتاب الذي ألّفَهُ الشيخ "رفاعة رافع الطهطاوي" رائد التنوير في العصر الحديث كما يُلَقَّب، ويُمَثِّلُ هذا الكتاب علامة بارزة من علامات التاريخ الثقافي المصري والعربي الحديث.
الشيخ علي الجرجاوي (رحمه الله) قَامَ برحلةٍ إلى اليابان العام 1906م لحُضُورِ مؤتمر الأديان بطوكيو، الذي دعا إليه الإمبراطور الياباني عُلَمَاءَ الأديان لعرض عقائد دينهم على الشعب الياباني، وقد أنفق على رحلته الشَّاقَّةِ من مَالِهِ الخاص، وكان رُكُوبُ البحر وسيلته؛ مِمَّا أتَاحَ لَهُ مُشَاهَدَةَ العَدِيدِ مِنَ المُدُنِ السَّاحِلِيَّةِ في أنحاء العالم، ويُعَدُّ أوَّلَ دَاعِيَةٍ للإسلام في بلاد اليابان في العصر الحديث.

أحْـلامٌ مِـنْ أبِـي (باراك أوباما) ***

 

 Pagkilala sa Allah sa panahon ng Corona Virus

اذهب الى الأسفل 
كاتب الموضوعرسالة
أحمد محمد لبن Ahmad.M.Lbn
مؤسس ومدير المنتدى
أحمد محمد لبن Ahmad.M.Lbn


عدد المساهمات : 52644
العمر : 72

Pagkilala sa Allah sa panahon ng Corona Virus Empty
مُساهمةموضوع: Pagkilala sa Allah sa panahon ng Corona Virus   Pagkilala sa Allah sa panahon ng Corona Virus Emptyالأحد 14 مارس 2021, 7:23 pm

معرفة الله في زمن الكورونا

بقلم: فاتن صبري


sa panulat ni: Fatin Sabri

Pagkilala sa Allah sa panahon ng Corona Virus

•    Walang kanlungan mula sa Allah maliban sa Kanya!

•    Ang Corona Virus at Ang Karunungan ng Allah:

•    Kung walang Diyos, kung gayon saan nagmula ang kabutihan na ito?

•    Pagkilala sa Allah:

•    Ang tunay na kahulugan ng Konsepto ng Diyos:

•    Ang Habag ng Tagapaglikha:

•    Ang Tawheed ay ang daan tungo sa kaligtasan.

•    konklusyon:


Pagkilala sa Allah sa panahon ng Corona Virus

sa panulat ni: Fatin Sabri

Walang kanlungan mula sa Allah maliban sa Kanya!

Noong ako may maliit pa lamang napamahal na sa akin ang katagang “Walang kanlungan mula sa Allah maliban sa Kanya”, at lagi ko itong inuulit upang maramdaman ko ang aking pagiging malapit sa Allah, ngunit hindi ko masyadong naitindihan ng maayos ang tunay na kahulugan nito, hanggang sa may naganap na isang nakakatawang pangyayari sa aking buhay higit sa dalawampung taon na ang nakalipas, noong maliit pa ang aking anak,  na hindi hihigit sa edad na tatlong taong gulang, iginigiit niya na laging hawakan ang oven (hurno) ng pagluluto habang ito ay mainit pa, hanggang sa umabot  ang sitwasyon na kailangan kong paluin ang kanyang kamay upang siya ay pigilan na at hindi na bumalik sa kanyang ginagawa; at siya umiiyak at tumakbo paikot-ikot sa  loob ng bahay hindi niya alam saan siya pupunta, nagkasabay ang pangyayaring ito at ang pagtawag ng kanyang ama sa kanya upang siya ay patahanin, ngunit ang nakapagtataka, siya ay bumalik sa akin ng derekta sa halip  na pumunta sa kanyang ama, at siya ay umiiyak sa aking kwarto na dahilan na ikinatawa ng kanyang tatay, at kanyang sinabi: kaluwalhatian sa Allah. 


Pero ako, naalalala ko ang Sabi ng Allah sa Banal na Qur’an:

"Walang kanlungan mula sa Allah maliban sa Kanya"

at sabi ko sa aking sarili, sa ngayon ay lubos kong naintindihan ang tunay na kahulugan ng talatang ito. Ang Allah  ay nagpapaalala sa atin na kapag naharap tayo sa ilang mga kapahamakan o problema, tayo ay bumalik sa kanya sa tuwing tayo ay lumayo sa kanya, at pagkatapos ay nakaramdam ako sa oras ding yaon ng isang malaking kagalakan at kasiyahan.


Ang Virus corona at Ang Karunungan ng Allah:

Katotohanan na ang mga kaganapan ng nangyayari sa mundong ito mula sa mga sakuna na pumipinsala sa sangkatauhan katulad ng mga sakit, pagputok ng bulkan, lindol at mga baha ito ay bilang paglalahad ng mga pangalan at katangian ng Allah, at ito din ay bilang pagsubok, pagsusulit sa tao upang siya ay gantimpalaan ng kabutihan kapag siya ay nagtimpi at nagtiis, at kaparusahan  kapag siya ay nainis at nagalit, kaya’t dito makikilala ng tao ang ganap na kadakilaan ng kanyang panginoon sa pamamagitan ng mga pagsubok, katulad ng pagpapakilala Niya ng Kanyang kagandahang loob sa pamamgitan ng pagbibigay ng mga pabor o kabutihan sa kanyang alipin, kaya’t sabi nila: kung ang tao ay walang kaalaman patungkol sa mga katangian ng Allah maliban sa katangian ng kagandahan ng Allah ay parang hindi niya kilala ang Allah .


Isang araw tinanong ako ng isa sa kanila hinggil sa mga yaong dumatal sa kanila ang mga pagsubok katulad ng sakuna, mga sakit at iba pang mga uri nito at ang simpleng isinagot ko sa kanya: tunay na ang buhay sa mundong ito ay panandalian lamang kung ito ay ihahalintulad sa buhay sa huling araw na walang hanggan, at pagkatapos ay magiging magaan o madali  lamang  ang lahat ng mga paghihirap na dinanas ng mga mananampalataya sa mundong ito sa pamamagitan ng  isang pagsawsaw  lamang  sa mga biyaya ng paraiso, katulad ng ibinalita sa atin ng mahal na Propeta (Peace be upon him)


Katotohanan na ang pagkakaroon ng mga  malalaking problema, kasamaan at sakit ang dahilan sa likod nito ay ang pagdami ng mga taong walang paniniwala sa Diyos na mula sa mga bagong  philosopher ( pilisopo), at kabilang dito ay si philosopher “Anton Garrad Newton Flew” na kung saan siya ay naniwala sa pag-iral ng diyos bago siya binawian ng buhay at sumulat siya ng isang aklat na pinamagatan niya “ Mayroong Diyos” na kung saan siya ay kabilang sa mga pinuno ng mga tao ng hindi naniniwala sa diyos sa ikalawang kalahati ng ikadalawampung siglo, at noong pinaniwalaan niya na  mayroong diyos kanyang sinabi: “Ang pagkakaroon ng kasamaan at sakit sa buhay ng tao ay hindi itinatanggi ang pagkakroon ng diyos”, pero hinihikaya’t tayo nitong suriin muli ang  mga katangian ng diyos, at itinuturing niya -Anton Flew- na ang mga sakuna na ito ay may mga positibo o magagandang resulta, na kung saan pinasisigla nito ang mga panlabas na kakayahan ng tao, kaya’t sila ay nagsusumikap na gumawa o lumikha ng mga bagay upang mapanatili ang kaligtasan, katulad kung paano pinapasigla nito ang pinakatampok ng katangian na kanyang sikolohikal upang magtulak sa kanya sa pagtulong sa mga tao. Katiyakan ang pagkakaroon ng kasamaan at sakit ay nagdulot ng kabutihan sa pagbuo na mga sibilisasyon ng tao, At kanyang sinabi: tunay na hindi mahalaga kung  gaano karami ang mga nagbibigay ng pagpapaliwang tungkol sa suliranin na ito, ang  interpretasyon ng relihiyon  ay mananatiling mas katanggap-tanggap at mas naaayon sa likas na katangian ng buhay.


Nakikita ng  isang mababaw na pagmumuni-muni ang pagdurusa na dulot ng sakit ng corona, pagkamatay, at ang kahihinatnan na pagtigil sa lahat ng mga aktibidad ng buhay at pananatili  ng mga tao sa kanilang mga tahanan upang maiwasan ang sakit na ito, at nakikita niya na ito ay kasamaan walang pagdududa, maliban na ang kasamaan na ito ay bahagi lamang at hindi ganap, kaya kung susuriin natin ang sitwasyon mula sa ibang anggulo, malalaman natin na ang proporsyon ng polusyon sa panahong ito ay nahulog sa pinakamababang antas nito sa buong mundo dahil sa paghinto ng trapiko ng hangin at sasakyan, na kung saan ay humantong sa pagbabawas ng mga paglabas mula sa mga makina na ito na dumudumi sa kapaligiran na para bagang ang mundo at ang kapaligiran ay pumasok sa isang yugto ng pagbawi sa panahon ng pagkalat ng sakit na Corona. Kaya’t ang isang tao ay dapat sumasalamin at isaalang-alang ang kanyang mga gawain sa buhay.



Pagkilala sa Allah sa panahon ng Corona Virus 2013_110
الرجوع الى أعلى الصفحة اذهب الى الأسفل
https://almomenoon1.0wn0.com/
أحمد محمد لبن Ahmad.M.Lbn
مؤسس ومدير المنتدى
أحمد محمد لبن Ahmad.M.Lbn


عدد المساهمات : 52644
العمر : 72

Pagkilala sa Allah sa panahon ng Corona Virus Empty
مُساهمةموضوع: رد: Pagkilala sa Allah sa panahon ng Corona Virus   Pagkilala sa Allah sa panahon ng Corona Virus Emptyالأحد 14 مارس 2021, 7:26 pm

Ang sitwasyong ito ay nagdulot ng pagsasama-sama ng mga pamilya sa loob ng mga tahanan, katulad ng pagpapaalala sa kanila ng mga pagpapala ng Allah, at ang kanilang mga pagkukulang sa papuri at pasasalamat sa Panginoon ng sanlibutan. Ang isang tao ay hindi niya mararamdaman ang mga biyaya maliban hanngang sa ito ay mawala.

Sinimulan din ng mga tao ang kahalagahan ng kalinisan nang higit pa kaysa dati, at kahalagahan ng pagsunod sa mga pamamaraan ng proteksyon upang maka iwas at ang paggamit ng mga disimpektante nang labis, at paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at tubig sa lahat ng oras at pagkakataon, Sino kaya ang inaasahan na mangyayari ito?

Walang pag-alinlangan na ang mahusay na kaganapan na ito ay muling nag-ayos ng mga priyoridad ng buhay, dahil ipinakita nito ang lawak ng kahinaan ng tao, pagkabagabag, lakas  ng kasinungalingan, at ang matinding pagtatangka o pagsusubok na labanan ang mikrobyo na ito. At ang lakas na ito na natalo ng isang virus ay hindi nakikita ng hubad na mata. Ang kaganapan na ito ang nagwasak ng pagmamataas ng marami na nag-iisip na ang mga tao ay umabot sa pinakamataas na antas ng kaalaman sa materyal, at sila ay naging katulad ng mga diyos at inakala nila na sa gayon ay hindi na nila kailangan ang relihiyon at ang tagapaglikha.


Ang sakit na Corona ay pumapatay sa mga bata at matatanda, mahina at malakas, mahirap at mayaman, simpleng tao at hari at hindi naiiba ang sinuman. Narinig natin  ang tungkol sa maraming mga mayayaman na tumakas patungo sa  mga nakahiwalay na tirahan o mga palasyo sa isang pagtatangka upang takasan ang pang-aapi sa sakit na ito. Ang mga taong yaon ay hindi nababahala sa karamihan ng mga epidemya at sakit dahil naisip nila na maalis nila ang mga ito sa pamamagitan ng paggasta sa paggamot. Ang problema ngayon,  para sa mga mayayaman na ang pera ay umiiral habang ang paggamot ay hindi , para bang ang virus ay dumating upang magtatag ng pagkakapantay-pantay sa pagitan ng mga tao, hindi ito naiiba sa pagitan ng malakas at mahina at hindi naiiba sa pagitan ng mayaman at mahirap.

Ang kamangha-mangha na nangyayari na makita na ang buong sangkatauhan ay nagkakaisa sa unang pagkakataon sa kasaysayan upang harapin ang mikrobiyo na ito.

Kung walang Diyos, kung gayon saan nagmula ang kabutihan na ito?
Ang nagtatanong  mula  sa mga hanay ng mga ateyista tungkol sa kadahilanan ng pagkakaroon ng kasamaan sa mundong ito bilang isang paraan upang tanggihan ang paniniwala ng pagkakaroon ng Diyos, ipinahayag sa atin ang kanyang maikling pananaw at ang pagkasira ng kanyang pag-iisip tungkol sa karunungan sa likuran nito, at ang kawalan ng kanyang kaalaman sa panloob ng mga bagay, at  inamin  ng ateyista na ito  sa pamamagitan ng kanyang katanungan sa pagpapahiwatig na ang kasamaan ay isang pagbubukod.

Samakatuwid, bago ang katanungan tungkol sa karunungan ng paglitaw ng kasamaan, mas karapat-dapat na itanong muna ang pinaka-makatotohanang tanong, "Paano unang natagpuan ang kabutihan?"

Walang pag-aalinlangan na ang pinakamahalagang tanong ay dapat magsimula sa dahilan ng pagkakaroon ng kabutihan. Dapat tayong sumang-ayon sa simula o sa orihinal o umiiral na prinsipyo. Pagkatapos ay maaari nating hanapin ang mga paliwanag para  sa mga pagbubukod.
Ang mga siyentipiko ay nagtalaga ng mga nakapirming at tiyak na mga batas para sa pisika, kimika, at biology sa simula pa lamang, at pagkatapos ay pag-aralan ang mga pagbubukod at anomalya o kamalian tungkol sa mga batas na ito.

Gayundin, ang mga atiyesta ay hindi maaaring pagtagumpayan ang tungkulin ng paglitaw ng kasamaan hanggang sila ay maniwala sa pagkakaroon ng mundo na punung-puno ng kagandahan, organisado at walang katapusang magagandang kababalaghan.

Sa pamamagitan ng paghahambing ng mga panahon ng kalusugan at mga panahon kung saan ang sakit ay lumilitaw sa karaniwan ng tagal ng buhay, o isang paghahambing ng mga panahon ng kasaganaan at kasiyahan at ang kaukulang ng mga panahon ng pagkawasak at pagkasira, pati na rin ang mga panahon o siglo ng pagkakaroon ng likas na katahimikan at ang kaukulang pagsabog ng mga bulkan at lindol. Saan nga ba unang nanggaling ang kabutihan? Ang mundo ay nakabatay sa kaguluhan at pagkakataon at hindi maaaring makagawa ng isang mapayapang mundo.

At kabilang sa mga kaibahan, ang mga eksperimentong pang-agham ay nagpapatunay na ito: ang pangalawang batas ng thermodynamics ay nagsasaad na ang kabuuang entropy (antas ng kaguluhan o pagkabulag) ay isang nakahiwalay na sistema nang walang anumang panlabas na impluwensya ay palaging tumataas, at ang prosesong ito ay hindi mababalik.

Sa ibang kahulugan nito, ang mga maayos na bagay ay  maguguho at mawawala maliban kung ang  mga bagay na ito ay hindi naipon  sa labas. Tulad ng mga halimbawa na ito, ang mga Blind thermodynamic Force ay hindi kailanman makapagbibigay ng anumang kabutihan o lakas sa kanilang sarili, o makapagbibigay ng kabutihan o lakas sa nakararami, nang walang tagalikha na nag-aayos na mga Random phenomena na lumilitaw sa mga kamangha-manghang bagay tulad ng kagandahan, karunungan, kagalakan at pagmamahal, at lahat ng ito Pagkatapos lamang patunayan na ang panuntunan na ang kabutihan at kasamaan ay ang pagbubukod.

Sinabi ni Ibn Al-Qayyim: tunay na ang kasamaan at sakit: Maaring ito ay kabutihan at awa, o katarungan at karunungan, o pagsasa-ayos at paghahanda sa kabutihan na nagaganap pagkatapos nito, o upang mawala ang kasamaan na mas mahirap kaysa dito.

Sa isang pakikipanayam sa isang ateista na mula Russia, nagtanong siya ng maraming mga katanungan, kabilang ang mga problema at pananakit na dinaranas ng mga tao. Ang sagot ko sa kanya: Ang aming pananaw sa kasamaan at sakit ay nakasalalay sa aming pananaw sa katotohanan ng mundong ito at ang layunin ng pagkakaroon ng tao dito, na naiiba sa mga relihiyosong tao mula sa mga materyalista.



Pagkilala sa Allah sa panahon ng Corona Virus 2013_110
الرجوع الى أعلى الصفحة اذهب الى الأسفل
https://almomenoon1.0wn0.com/
أحمد محمد لبن Ahmad.M.Lbn
مؤسس ومدير المنتدى
أحمد محمد لبن Ahmad.M.Lbn


عدد المساهمات : 52644
العمر : 72

Pagkilala sa Allah sa panahon ng Corona Virus Empty
مُساهمةموضوع: رد: Pagkilala sa Allah sa panahon ng Corona Virus   Pagkilala sa Allah sa panahon ng Corona Virus Emptyالأحد 14 مارس 2021, 7:27 pm

Sinabi ko sa kanya:
Isinasaalang-alang ng materyalistikong pananaw na ang buhay sa mundo ay walang  layunin sa likod nito at ito ay walang patutunguhan ,at tiyak na  kapag ang isang tao ay namatay, siya ay  maglalaho na lamang, sapagka’t wala ng mangyayari na muling pagkabuhay na susundan muli ng panibagong buhay, kung gayon dapat makamit ng isang tao ang pinakamataas ng kanyang kasiyahan, at ang kasunod , kung ano ang maaaring mararamdaman niya na sakit at lahat ng makakabura ng  mga kasiyahan, ito ay matatawag na  kasamaan at wala ng pagtatalo dito, at mula sa pananaw na ito ang mga kasamaan at pananakit na  na nararamdaman at dumarating sa isang tao ay  mga bagay na walang tiyak na layunin na dumaraan lamang sa kanyang buhay sa mundo ito at ito ay nabuo na walang batayan na pamaraan, at pagkatapos ang kasabihan ng pagkakaroon ng isang diyos ay punung-puno ng awa at pag-ibig na nag-oorganisa ng buhay na ito na, ngunit para sa kanila ito ay walang katuturan at walang kabuluhan, at nangangahulugan lamang na anuman ang humarang sa kanila mula sa kasiyahan na ito ay maituturing na sakit  para sa kanila.

Pagkilala sa Allah
Sinabi ng Allah:
“At hindi ko nilikha ang jinn at tao maliban upang sila ay sumamba sa Akin nang bukod-tangi at wala ng iba pa”
Naiintindihan natin mula sa marangal na Ayah na ito na ang Allah na Makapangyarihan ay itinangi ang jinn at ang tao nang hiwalay sa lahat ng mga nilalang na may kalayaang pumili. At ang kaibahan o pagtatangi  ng tao siya ay direktang humaharap sa Panginoon ng sanlibutan at inaaalay ang kadalisayan sa pagsamba sa kanya ng kanyang sariling pagnanais  at  maaring  dahil doon  ay nakamit  ang karunungan o Wisdom  ng Tagapaglikha sapagka’t ginawa ng tao na maging pinakamainam ng nilalang sa lahat ng nilikha ng Allah.

Makakamit ang pagkakilala sa Diyos ng Sanlibutan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kaalaman hinggil sa mga magagandang pangalan at kataas-tasaang mga katangian ng Allah na kung saan ito ay nahahati sa dalawang pangunahing pangkat:
Ang mga pangalan ng Jamal: Ito ay ang lahat na katangian na may kaugnayan sa (Rahma) awa, (Al-afwu) kapatawaran at (Allutfu) kabaitan, kabilang dito ang pangalan na ( Arrahman) Ang Maawain, (Arrahim) Ang Mahabagin ang (Arrazzaq) Ang tagapanustos, ang (Wahhab) Ang Mapagbigay, (Al-barr) ang Matuwid at (Arra-uf) Ang Maawin... atbp. Ang mga Pangalan na Jalal; Ito ay ang lahat ng katanagian na may kaugnayan sa lakas, kakayahan, kadakilaan, karangalan, at kabilang dito ang pangalan na (Al-aziz) ang Sukdol sa Kapangyarihan,(Aljabbar) ang Tagapagpuwersa na kontrolado Niya ang lahat, (Al-qahhar) Ang Tagapagkontrol, (Al-qabid) Ang Tagapagkait ng mga biyaya sa sinumang kanyang naisin sa kanyang mga nilikha, (Al-khafid) Ang Tagapagbaba ng antas ng Kanyang mga alipin sa sinumang kanyang naisin…atbp.

Ang resulta ng pagkakilala natin tungkol sa mga katangian ng Allah , ay  ang pagtaguyod sa pagsamba sa Kanya sa paraang naaangkop sa Kanyang katas-taasan at kaluwalhatian at ilayo Siya sa hindi nararapat o hindi naaangkop na mga katangian sa Kanya, bilang paghahangad ng Kanyang habag at awa at pangambahan ang Kanyang poot, galit at parusa. Ang pagsamba sa Kanya ay binubuo sa pagsunod sa mga utos, pag-iwas sa mga pagbabawal, pagtataguyod sa pamamagitan ng pagsasaayus at pangangasiwa sa mundong ito. Batay dito, ang konsepto ng buhay dito sa mundo ay isang pagsubok at pagsusulit para sa mga tao, upang sila ay maiba o maitangi sa ibang mga nilalang at maitaas ang mga antas ng matuwid at karapat-dapat na mamuno sa mundo at ang magmamana ng paraiso sa Kabilang Buhay, habang ang mga masasamang tao ay nasasaktan ng kahihiyan sa mundo at ang kanilang kapalaran ay ang pagdurusa sa apoy.

Sinabi ng Allah :
“Katotohanan, Aming ginawa ang anumang nasa kalupaan bilang palamuti para rito, upang sila ay Aming subukan kung alin nga ba sa kanila ang pinakamabuting gawa”

Ang Tunay na kahulugan ng Konsepto ng Diyos:
Upang mailahad ang ilang mga pananaw kung gaano kalaki ang pagkasira ng ugnayan sa pagitan ng mga tao at ng Panginoon ng Sanlibutan, ilalahad ko rito ang isang kwento na nangyari sa akin sa isang babaeng ateista na nagsabi na pagkatapos niyang maniwala noon sa Allah siya ay naging isang ateista. Kaya tinanong ko siya tungkol sa dahilan at sinabi niya: Ang kanyang anak na babae ay nagkasakit ng cancer at nanalangin siya sa Allah na iligtas ang kanyang anak na babae, at dati siyang nananalangin sa Allah at sinabing: Kung ang kanyang anak na babae ay makakaligtas, maniniwala siya dito, at ang batang babae ay namatay at ang ina ay nawalan ng paniniwala sa Allah.

Ang kuwentong ito ay isa sa mga kwento na nakaapekto sa akin ng maraming, at luwalhati sa Diyos. Ang nasa isip ko sa sandaling ito ay talagang hindi nila pinahahalagahan ng tamang halaga ang Allah, ang pakikitungo nila sa Allah ay nakabatay sa prinsipyo na “kung bibigyan mo ako ay, manininiwala ako sa iyo at kung hindi mo ako bibigyan ay hindi ako naniniwala sa iyo”. Ang babaeng ito ay hindi niya  nakilala nang lubos ang Allah,  at hindi niya alam ang totoong kahalagahan ng buhay na ito na ating kinalalagyan, sapagkat kung alam niya ang kahalagahan ng buhay na ito, hindi niya ginawa ang gawaing yaon  at hindi naging ganon ang paraan ng pakikitungo niya  sa kanyang Panginoon.



Pagkilala sa Allah sa panahon ng Corona Virus 2013_110
الرجوع الى أعلى الصفحة اذهب الى الأسفل
https://almomenoon1.0wn0.com/
أحمد محمد لبن Ahmad.M.Lbn
مؤسس ومدير المنتدى
أحمد محمد لبن Ahmad.M.Lbn


عدد المساهمات : 52644
العمر : 72

Pagkilala sa Allah sa panahon ng Corona Virus Empty
مُساهمةموضوع: رد: Pagkilala sa Allah sa panahon ng Corona Virus   Pagkilala sa Allah sa panahon ng Corona Virus Emptyالأحد 14 مارس 2021, 7:30 pm

Halimbawa, sa matematika sinasabi nila:
Na ang anumang numero na ikumpara sa kawalang-hanggan ay zero. Ang ating buhay ay mahahlintulad sa isang pangkat ng mga numero at nababawasan bawat araw mula sa ating buhay isa sa mga bilang na ito, kung nabuhay tayo ng isang daan o dalawang daang taon, kung ihahambing sa kawalang-hanggan ay zero, at ang kamatayan ay hindi maiiwasang darating sa anumang edad sa pamamagitan ng sakit o walang sakit, at ang oras ng kamatayan ay may limitasyon o nakatalaga sa bawat isa, ibigsabihin tayo ay tiyak na nabubuhay sa mundong ito na zero.

Sinabi ko sa kanya  na hindi mo lubos nakilala ang Allah, dahil kung talagang kilala mo siya, hindi mo itatanggi ang paniniwala sa Kanya at pagsuko sa Kanya, kaya ang iyong kamangmangan sa mga katangian ng Allah ay siyang nagtulak sa iyo na upang gawin  mo ang  pagtrato mo sa kanya na parang Siya ay isang tao sa harap mo na sisingilin mo. Kaluwalhatian sa Allah! Ang Allah ba ay kasamahan mo sa iyong trabaho?  Sino ang Allah para sa iyo ?! Ang iyong pananampalataya ba ay proyekto sa pagitan mo at ng Panginoon ng Sanlibutan?! inakala mo ba na ito ay kawalan ng katarungan at ninanais mo na gantihan ito sa pagbibigay ng walang katarungan  sa pamamagitan ng paggawa katulad nito ?! Ito ay isang bagay na hindi kapani-paniwala! ikaw ba ay manantiling habang buhay sa mundong ito?!

Kung tunay mong lubos na kilala ang Allah, tiyak na hindi ka hahantong sa kawalan ng paniniwala sa Kanya, sapagka’t  siya ay higit na maawain sa iyo kaysa sa iyong ina at ama, at ang Allah ay mayroong  Paraiso na kasing lawak ng mga kalangitan at ng kalupaan.?! Ikaw ba ay malulugi sa mundong ito? Mas ninanais mo ba ang zero kaysa sa kawalang hanngan?!

Sinabi ko sa kanya: Hindi makatuwiran sa larangan ng pananalita na husgahan ang isang palabas ang hindi ipinagpapatuloy ito hanggang sa katapusan, o ang pagtanggi sa isang libro dahil hindi nagustuhan ang unang pahina, at ang pagpapasyang ito ay itinuturing na hindi kumpleto.

Katotohanan na dumating sa akin ang maraming katanungan na paulit-ulit hinggil sa kung paano proteksyunan ang aming mga anak mula sa idelohiya ng kawalan ng pananampalataya, At ang aking sinasabi at laging  kong inuulit na ang kasagutan ay ang lubos na pagkakilals sa tunay na Diyos, sapagka’t sinuman ang kanyang nakilala ang Allah ay magiging madali sa kanya ang lahat, Sapagka’t, hindi natin napagtanto ang karunungan ng ating mga ama at ina noong bata pa tayo sa maraming pag-uugali, at lagi tayong nagtataka kung bakit kumikilos ang mga magulang sa ganitong paraan, mahal ba ako ng aking ama? Bakit siya  hindi pumayag na pumunta ako  sa paglalakbay na ito? Mahal mo ba ako, mama? Kung mahal niya ako, bakit mo ako pinipilit na mag-aral at makakuha ng mataas na marka? Bakit mo ako pinipilit na gawin ang aking pang-araw-araw na araling-bahay? Bakit ako inuutusan ng aking nanay na matulog ng maaga?  ngunit nang kami ay lumaki at may mga anak na, naiintindihan namin ang karunungan ng pag-uugali ng aming mga ama. At naintindihan namin na wala nang tao sa mundo na higit na nagmamahal ng mabuti para sa amin kaysa sa dami ng pagmamahal nila.

Napakahalaga ang pagkakaroon ng malalim na kaalaman tungkol sa Allah, sapagkat kung lubos nating kilala ang Allah , makikita natin ang paliwanag para sa maraming bagay, at lumalawak ang mga abot-tanaw ng kaalaman, at pagkatapos ay maabot ng tao ang kanyang kamalayan at gabay upang malutas ang maraming mga problema.

Sinabi ng Allah:
“Walang sakuna [o pangyayari] ang magaganap maliban sa kapahintulutan ng Allah. At sinuman ang naniniwala sa Allah - Kanyang papatnubayan ang kanyang puso. At ang Allah ay Maalam sa lahat ng bagay.”

Madalas nating naririnig ang tungkol sa pagtaas ng porsiyento ng ateismo (kawalan ng paniniwala sa diyos) dahil sa mga digmaan na naganap sa pagitan ng mga tao at ang mga likas na sakuna. Walang alinlangan na ang pagpapasya ng Allah sa mga bagay na ito ay magaganap, at ito ay bilang pagsubok at pagsusulit sa kanilang pananampalataya, sapagka’t karamihan sa mga tao ay sumasamba sa Allah ng mayroong pag-aalinlangan at walang katiyakan.

Sinabi ng Allah:
“At mayroon sa mga tao na sumasamba sa Allah na na walang katiykan. Kapag siya ay datnan ng kabutihan, siya ay nagiging panatag sa pamamagitan nito; nguni’t kapag siya ay datnan ng pagsubok, kanyang ibinabaling ang mukha [sa ibang dako]. [Sanhi nito] siya ay nawalan sa mundo [ng ito] at sa kabilang buhay. Iyan ang [tanda ng] hayag na kawalan.”

Dapat ko bang sambahin ang Allah o di kaya’y Siya ay alalahanin ko laman sa kasaganaan at sa panahon ng pagdatal ng pagsubok hindi ko Siya sasambahin at hindi ko Siya paniniwalaan?

Habag ng Tagapaglikha:
Isang Araw ay nakipag-usap ako sa isang ateyistang Amerikano, at sinabi ko sa kanya: Ang Tagapaglikha na lumikha ng Kanyang mga tagapaglingkod ay higit na maawain sa kanila kaysa sa kanilang ina, at ang isang mananampalataya sa tuwing nilalagay niya sa kanyang isipan na na ang maglilitis sa kanya pagdating sa kabilng buhay ay ang kanyang Panginoon na lumikha sa kanya na Siyang mas maawain kaysa sa kanyang ina na nagluwal sa kanya, tiyak na  maiilarawan mo kung gaano ang lawak ng kanyang kagalakan at kapanatagan sa panahon na kanyang makikita ang kanyang Panginoon, at ito ay sapat para  lasapin natin ang kasiyahan sa  mundong ito at maging magaan para sa atin ang lahat ng mga problema.



Pagkilala sa Allah sa panahon ng Corona Virus 2013_110
الرجوع الى أعلى الصفحة اذهب الى الأسفل
https://almomenoon1.0wn0.com/
أحمد محمد لبن Ahmad.M.Lbn
مؤسس ومدير المنتدى
أحمد محمد لبن Ahmad.M.Lbn


عدد المساهمات : 52644
العمر : 72

Pagkilala sa Allah sa panahon ng Corona Virus Empty
مُساهمةموضوع: رد: Pagkilala sa Allah sa panahon ng Corona Virus   Pagkilala sa Allah sa panahon ng Corona Virus Emptyالأحد 14 مارس 2021, 7:33 pm

Binigyan ko siya ng isang simpleng halimbawa ng kahalagahan ng pagkilala sa Allah. Sabi ko sa kanya:
kapag may nagsabi sa iyo na si Faten Sabri na nakikipag-usap sa iyo ay kabilang sa uri ng mga tao na nag-aalaga ng mga lion, halimbawa, at siya ay nagtataglay ng lakas at kapangyarihan at hindi nagpapatawad at walang awa at maaari ka niyang pinsalain, siyempre maniniwala ka, dahil hindi mo ako kilala at isang malaking posibilidad na pumunta ka rito at kumuha ng mga kinakailangang pag-iingat at makakaramdam ng panginginig, ngunit yaong nakakakilala sa akin ng mabuti ay magugulat at tatawanan niya ang impormasyong ito, dahil alam niya nang lubos na natatakot si Faten sa mga pusa, at siya ay tumawa ng marami.

Sa isang pag-uusap ko sa isang pastor ng Vatican, nagkaroon kami ng talakayan at ipinaliwanag sa kanya ang doktrina ng Tawheed (monoteismo). Sinabi ko sa kanya: Ang isang Muslim ay naniniwala sa nag-iisang Diyos lamang, wala Siyang kapareho o katambal at walang  anak, at ang Allah na Makapangyarihan ay nagpadala ng mga propeta at Sugo katulad nila Jesus, Moises, at Muhammad upang maikalat ang mensahe ng Tawheed sa mundo. Nilikha si Eisa na walang ama  at nilikiha  si Adam na walang ama at ina, Tunay na ang Allah ay lumilikha  at hindi  nanganganak, at tayo ay kanyang inutusan  na sumamba lamang sa Kanya ng nag-iisa at bukod tangi katulad na pagsamba nila sa Allah. Sinasamba naming ang Allah katulad kung paano sinamba ni Eisa ang Allah at hindi namin sinamba mismo si Eisa, at sinamba namin ang Allah katulad kung paano sinamba ni Muhammad  ang Allah, at hindi namin sinamba mismo si Muhammad at nagdarasal kami para lamang sa Allah. Gayundin, si Maryam ay nananalangin sa Allah lamang, kaya’t hindi marapat na humihing ng panalagin kay Maryam mismo at sa kanya hihiling, bagkus manalangin sa Allah katulad ng paghingi ni Maryam ng dalangin sa Allah ng deretso.

Pagkatapos ay pinatigil ako ng pari sa aking pagsasalita, at sinabi niya:
na hindi namin itinuturing si Maria bilang Diyos at hindi naming siya sinasamba, ngunit ginagamit namin siya bilang isang paraan upang dinggin ng Diyos ang aming mga hiling. At binigyang-katwiran niya ito sa halimbawa ng pamilya, kapag ang mga anak, halimbawa, ay humiling ng karagdagan na salapi o gusto nito, bumabalik sila sa ina upang maging tagapamagitan sa pagitan nila at ng kanilang ama, dahil ang puso ng ina ay mabait at banayad at lubos na minamahal sila, at posible na maiparating ang kanilang kahilingan sa mas mahusay na paraan patungo sa kanilang ama. Siyempre ang aking sagot ay naging kumpiyansa at mahigpit sa puntong ito ay kanyang ikinagulat, dahil sinabi ko sa kanya na ang iyong mga salita ay totoo, ngunit ito ay sitwasyon  na ang mga bata ay hindi nila lubos kilala ang tunay na katangian ng kanilang ama, dahil naniniwala sila na ang  kanilang ina ay higit na maawain sa kanila kaysa sa kanilang ama, ngunit kung alam nila na ang ama na ito ay ang pinaka-maawain kaysa  sa ina, walang pag-aalinlangan  na sila ay direktang pupunta sa kanilang ama, at ito kabilang sa kamangmangan ng mga anak sa tunay na pagkakilala nila sa kanilang ama.

At ipinagpatuloy ko ang pagpapaliwanag ko sa kanya:
Kung ang mga tao ay lubos ang pagkakilala nila sa Allah  at nabatid nila na  ang Allah ay higit na mahabagin sa kanila kaysa sa kanilang mga ina at ama, tiyak na direkta silang pupunta sa kanya.

At muli niyang pinutol ang aking pananalita:
Sabi niya Hindi, hindi mo ako naiintindihan, ginagamit namin si Maryam bilang isang paraan upang iparating ang aming mga kahilingan sa Panginoon ng Sanlibutan  katulad ng isang nagnanais na paghandaan  ang kanyang mga bisita halimbawa ,maglalagay siya ng mga inumin sa isang tray, sapagkat si Maryam ay kahalintulad ng tray kung saan ipinapadala namin ang aming mga kahilingan sa Panginoon ng Sanlibutan.

At ang Sabi ko sa kanya:
Kaluwalhatian sa Allah! Sino kaya ang katumbas ng tray na ginamit ni Maryam upang maiparating ang kanyang kahilingin sa Panginoon ng Sanlibutan?! Sinamba ba ni Maryam ang Diyos nang direkta o sa pamamagitan ng isang tagapamagitan? Inilagay niya ba ng kanyang mga panalangin sa tray? sabihin mo sa akin! Sinamba mo ba si Eisa? O sinamba mo ang kanyang ina? O kumuha ka ba ng pastor, tagapamagitan, o isang santo?

Ang saksi dito para sa akin ang kuwentong ito ay isang panimulang punto para maikalat ang totoong konsepto ng Diyos at ang dahilan ng pagsulat ng aking libro:
Ang Tunay na Konsepto ng Diyos, kung saan nais kong ipaliwanag sa mundo na ang tunay na konsepto ng Diyos ay ang nawawalang punto ngayon, dahil ang mga tagasunod ng relihiyon ng Hindu, halimbawa, ay naniniwala sa nag- iisang Diyos ngunit may kumumbinsi sa kanila na ang Diyos ay kumakatawan ng isang bato o isang idolo, at nagustuhan nila ito sapagkat hindi nila alam kung sino ang Diyos. at ang Diyos ay hindi napunta sa mundo, at ang kanyang kataas-taasang sarili ay dapat nasa labas ng langit at lupa, at ang kanyang kalooban at kapangyarihan ay may bisa para sa lahat ng kanyang mga nilalang.

Katotohanan ang kawalan ng kaalaman o pagkakilala sa Diyos ng Sanlibutan, ay nagdudulot ng pagkakaroon ng maling kuru-kuro at  pananaw hinggil sa Diyos, tulad ng pagkakaroon ng tatlong persona ng Diyos o  di kaya’y siya ay kumakatwan  sa katawan ng mga tao. Ang paglihis sa totoong konsepto ng Diyos sa Lumang Tipan ay hindi lamang nagbigay ng kalituhan sa isipan ng mga tao, bagkus ay inilagay sila sa walang katiyakan, at ito din ang nagdala sa kanila sa kawalan ng paniniwala sa Diyos at paglayo sa paniniwala sa relihiyon ng lubusan. Ang Torah, na ipinahayag ng Allah na Makapangyarihan sa kay Moises, ang kapayapaan ay sumakanya, nabanggit na ang Allah, ang Kataas-taasan, ay nag-iisa lamang at bukod tangi na walang pangangailangan, na walang kamatayan, at Siya ang Tagapaglikha, ang Maawain, na malayo sa lahat kakulangan at kapintasan, at Siya lamang ang sinasamba, ngunit matatagpuan natin sa Lumang Tipan (Ang nabagong Torah), Ipinagkaloob nila sa kanya ang mga katangian na hindi karapat-dapat sa kanya katulad (nakakalimut, walang sapat na kaalaman, natatakot, nakakapagpahinga) maging sa Luwalhati sa Allah na Siya ang Kataas-taasan na ligtas sa anumang kamalian at di-kaganapan.



Pagkilala sa Allah sa panahon ng Corona Virus 2013_110
الرجوع الى أعلى الصفحة اذهب الى الأسفل
https://almomenoon1.0wn0.com/
أحمد محمد لبن Ahmad.M.Lbn
مؤسس ومدير المنتدى
أحمد محمد لبن Ahmad.M.Lbn


عدد المساهمات : 52644
العمر : 72

Pagkilala sa Allah sa panahon ng Corona Virus Empty
مُساهمةموضوع: رد: Pagkilala sa Allah sa panahon ng Corona Virus   Pagkilala sa Allah sa panahon ng Corona Virus Emptyالأحد 14 مارس 2021, 7:35 pm

At Luwalhati sa Allah! noong ako ay maliit pa lamang  laging kong naitatanong sa aking sarili bakit nabanggit ng Allah sa Banal na Qur’an na nilikha niya ang langit nang hindi napapagod at labis akong nagulat ano ang dahilan bakit kailangan na banggitin ang puntong ito, sapagka’t alam ng karamihan  na ang Allah na Makapangyarihan ay hindi napapagod, hanggang sa sumali ako sa larangan ng dawaah (paghihikaya’t tungo sa Allah), aking nalaman na ang  mga Kristiyano ay naniniwala na ang Allah nang likhain Niya ang kalangitan at kalupaan, nagpahinga Siya sa araw ng Linggo. At lagi nila akong tinatanong kung bakit hindi itinuturing ng mga Muslim ang Linggo na maging isang banal na araw at sinasabi ko nang simple sapagka’t  hindi napapagod ang Allah upang siya ay  magpahinga. Nakakagulat na natatawa silang mabuti sa aking sagot at nagsasabi, oo, totoo ang iyong mga salita.

Ang Tawheed ay ang daan sa kaligtasan:
Isang pagkakamali na tukuyin ang Islam bilang isang paniniwala sa nag-iisang Diyos lamang  at titigil na dito. Ang Islam: Ang paniniwala sa nag-iisang Diyos na bukod tangi, at Siya ang Tagapaglika na Siya ay walang katulad at walang maihahambing sa Kanya mula sa anuman na Kanyang mga nilikha, at Siya lamang ang dapat pag-ukulan ng pagsamba na hindi nangangailanagan ng pastor,  santo, o sinumang tagapamagitan.

Ang Islam ay hindi lamang paniniwala sa Tawheed Arrububiyya, bagku’s ito ay paniniwala sa Tawheed ng Panginoon ng sanlibutan sa pagsamba sa Kanya (At ang Tawheed Al-uluhiyyah ang kahulugan nito ay pagsamba sa Kanya ng nag-iisa nang walang pangangailanagan na tagapamagitan). Ang paniniwala sa nag-iisang diyos (Tawheed Arrububiyya) ay matatagpuan sa maraming mga relihiyon at mayroon din sa doktrina ng mga walang pananampalataya na Quraysh. Nang tanungin ang tungkol sa dahilan ng kanilang pagsamba sa mga idolo, sinabi nila: Upang ang mga ito ay maging tagapamagitan sa amin sa Allah, mapalapit kami sa Allah at iaangat sa amin ang aming antas sa Allah, hindi nila itinatanggi ang pagkakaroon ng Diyos. Ang isang mas malapit na pagtingin sa mga paniniwala ng mga tao ay nagpapakita na ang karamihan ng mga bansa na may pamana sa relihiyon at may iba't ibang mga simbolo ng relihiyon ay naniniwala pa rin sa pagkakaroon ng isang tagapaglikha ng sanlibutan at sila ay nanunumbalik sa Kanya sa panahon ng kagipitan at kahirapan. Kinukumpirma na ang mga relihiyon at paniniwala na ito ay may mga pinagmulang kasaysayan mula sa isang tunay at tamang  relihiyon. At   mayroon sa kasalukuyan sa mga mamamayan na pamana ng relihiyon ng mga tao ay naglalaman ng loob ng doktrina ng Tawheed at paniniwala sa nag-iisang Diyos at ang pagiging eksklusibo ng kanyang pagsamba. At may mga ebidensya at katibayan sa mga relihiyon na ito at mga kasulatan na ito na nagpapahiwatig na ang kanilang mga ugat at pinagmulan ay dahil sa doktrina ng Islam at Tawheed.

Ang mga pagkakaiba sa pagitan ng mga relihiyon ay kumakatawan sa mga paraan na ginamit sa pakikipag-ugnayan nang direkta sa Tagapaglikha o sa pamamagitan ng pagkuha ng mga tagapamagitan (mga banal, pari, idolo o mga propeta). Kung ang lahat ng mga relihiyon ay iniwan ang kulto ng mga tagapamagitan at dumirekta sa Tagapaglikha, ang sangkatauhan ay magkakaisa at ang kanilang mga puso ay magiging matuwid at gagabayan sa katotohanan.

Kung paanong ang lahat ay sumasang-ayon sa pagkakaisa ng pagtuturo patungo sa Tagapaglikha nang walang katamabal o tagapamagitan sa panahon ng pagdatal ng mga kalamidad o mga paghihirap, kaya’t kinakailangan na anyayahan ang lahat na sambahin ang Panginoon ng sanlibutan sa panahon ng kasaganahan at kagipitan.

Tulad ng sinabi ng Allah sa Banal na Qur’an:
Sabihin: “O Angkan ng Kasulatan [mga Hudyo at Kristiyano]: Halina kayo sa isang salitang makatwiran sa pagitan namin at sa pagitan ninyo, na wala tayong dapat sambahin maliban sa Allah, at huwag tayong magtambal ng anupaman sa Kanya, at huwag nating ituring ang ilan sa atin bilang mga panginoon bukod sa Allah. Subali’t kung sila man ay magsitalikod, magkagayon, inyong sabihin sa kanila: “Kayo ay saksi na kami ay mga Muslim [na tumatalima sa Allah].”

Konklusyon:
Samakatuwid, ang buhay sa mundong ito ay simula ng isang walang hanggang paglalakbay na ipinagpapatuloy ng isang tao pagkatapos ng kamatayan sa pamamagitan ng muling pagkabuhay, araw ng paglilitis (Al-hisab) at pagkatapos ay araw ng pagbibigay ng gantimpala, at isinasaalang-alang ng Islam na ang pag-iral natin sa mundong ito ay mayroong isang kataas-taasang layunin at mithiin; walang iba kundi ang pagkilala ng lubos sa Allah na Makapangyarihan sa lahat at pagsamba sa Kanya at pagdirekta sa kanya sa paghingi ng mga dalanagin. At ang mga kaganapan na nangyayari mula sa mga pagsubok na ito ay ninais ng Allah, at ang may nais nito ay ang Allah at ang kagustuhan ng Allah ay may ganap ng karunungan at ang ganap na karunungan ay nauugnay sa ganap na kabutihan, sapagka’t walang ganap na kasamaan na umiiral.


Source:

https://islamhouse.com/



Pagkilala sa Allah sa panahon ng Corona Virus 2013_110
الرجوع الى أعلى الصفحة اذهب الى الأسفل
https://almomenoon1.0wn0.com/
 
Pagkilala sa Allah sa panahon ng Corona Virus
الرجوع الى أعلى الصفحة 
صفحة 1 من اصل 1
 مواضيع مماثلة
-
» محمد رسول الله Muhammad, the Messenger of Allah May Allah Exalt his Mention
» Virus Evolution
» Who is Allah?
» Who is Allah? The way to know Allah
» (49) `ABD ALLAH IBN `AMR IBN AL-'Aas

صلاحيات هذا المنتدى:لاتستطيع الرد على المواضيع في هذا المنتدى
منتديات إنما المؤمنون إخوة (2024 - 2010) The Believers Are Brothers :: (English) :: Health Affairs :: The Islamic View of Combating AIDS :: Novel Coronavirus (Covid-19)-
انتقل الى: